Chapter 50 - Space

885 32 19
                                    


SANA'S POV :

Alam kong ang lahat ay nagsisimula nang umaksyon para makuha ang loob at puso ni Dahyun. Kahit nasasaktan ako , Wala naman akong magagawa dahil nagmamahal lang din naman sila tulad ko .

Lahat kami nagmamahal lang kaya wala kaming magagawa kundi tanggapin ang katotohanang magkakaribal kami sa puso ng Dubu ko. Sa totoo , nag-aalala ako na baka mawala sakin si Dahyun nang tuluyan .

Nung makita ko sila ni Tzuyu kaninang hapon sa talpukan nang alon na mukhang nagsasaya kasama ang isa't isa. Hindi ko na napigilan ang selos ko kaya naman tinawag ko na si Dahyun . Agad naman siyang tumakbo sakin .

Tumakbo ba siya sakin dahil gusto niya o dahil napilitan lang siya ? Ayokong isipin na napaltan na talaga ko sa pwestong pinakamalapit sa puso niya . Ayokong mawala siya sakin . Ayoko talaga ~ Gusto ko na magstay lang siya sa tabi ko.

Ngayon , kasama ko si Momo Unnie sa talpukan nang alon matapos magconfessed ni Tzuyu kay Dahyun . Sinong mag-aakala na nagka-Accidental Kiss sila sa basement.

I tried my best para kumbinsihin si Momo Unnie na lumaban dahil 'yun ang kailangan . Matira Matibay ! May Pangako kami sa isa't isa na lalaban nang patas hanggang huli kaya dapat na tuparin yun !

Sa wakas , nagwagi akong kumbinsihin siya . Nagstay kami sa talpukan ng alon at nagmuni-muni muna. Saka , para mapag-isa muna si Dubu sa loob ng tent namin . Makalipas ang ilang oras bumalik na kami ni Momo Unnie sa harapan ng bonfire .

Naabutan pa namin sila Tzuyu , Jungyeon Unnie at Nayeon Unnie na mukhang nagkwentuhan . Napatingin ako kay Tzuyu nang paseryoso .

Nilapitan ko siya sabay alok ng handshake .

"Tzuyu , Goodluck ~ Matira Matibay" Seryoso kong sabi sa kanya . Nakipagkamay siya sakin . Kitang kita ko sa mata niya ang tapang ba lumaban para kay Dubu .

"Matira Matibay , Unnie ~ Walang susuko . Patas ang laban" Sagot niya sakin sabay tango.

"Magpahinga na kayo , Pupunta na ko sa tent namin" Sagot ni Jungyeon Unnie samin.

Nagkatinginan kami nila Nayeon Unnie.

"Tara na sa tent natin . Kung pwede , wala munang makikipag-usap kay Dahyun . Hayaan muna natin siyang makapag-isip" Sagot ni Nayeon Unnie.

"Sige , Ayos lang" Sagot ni Momo Unnie.

Pumasok na kami sa tent at naabutang tulog na si Dahyun . Nahihirapan ako kapag nakikita siyang ganyan . Ayoko nang nahihirapan siya . Bakit kailangan pa niyang pagdaanan 'to ?

Nahiga na ko sa tabi niya . Ganito ang pwesto namin ngayon .

Nayeon/Momo/Tzuyu/Dubu/Ako

Wala ni isa samin ang umimik . Ipinikit ko ang mata ko at natulog na din nang tuluyan.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

SOMI'S POV :

Kinabukasan nang 7AM , Maaga akong gumising dahil alam kong ngayon ang balik ng Private Plane para kumustahin kami tapos iiwanan ulit kami .

Nakita kong nag-aalmusal na si SinB sa tabing dagat . Nilapitan ko siya .

"SinB , Musta na ?" Tanong ko sa kanya.

Who Owns Kim Dahyun's Heart (DahyunxTwice)Where stories live. Discover now