Chapter 12 - Jeju Island

1.4K 49 9
                                    


SURPRISE ~ ~ ~ HAHAHAHA !  ANOTHER UPDATE ~ 


CHAEYOUNG'S POV :



Nakakagulat sila Tzuyu at Dahyunie , Naligo lang ako saglit may bago na naman siyang kaharutan . Hanggang kailan ba kami magiging ganito ? Si Tzuyu talaga , May kakaiba sa kanya ngayon eh . Feeling ko siya naman ang may itinatago . Alam naman namin ni Dubu Unnie na may sinisikreto si Tzu kasi nga roommate namin siya . Alam namin ang galawan niya .

Lumabas agad siya ng kwarto nang makita nila ko . Sumunod naman kami ni Dahyun sa kanya at naipon kaming lahat sa may Kusina . Pinagpapawisan si Tzuyu at mukhang nalilito or ewan.

''Nasi-CR ako !'' Sabi niya sabay takbo sa loob ng CR kaya naman napahapit kami nang tawa ni Dahyun . Natahimik naman kami ni Dahyun nang mapansin naming kami lang dalawa ang natawa . Napatingin kami sa mga Unnies na mukhang ang seryoso.

''Ahh....Pasensya na'' Sabi namin ni Dubu Unnie sabay tahimik.

''Tzuyu , Ayos ka lang ba talaga ???" Tanong ni Jihyo Unnie kay Tzuyu na nasa loob padin ng CR.

''Ahhh....Yes Unnie , Ayos lang ako . Mas ma...mabuti kung wag niyo kong hintaying lumabas . Kasi.... Alam niyo na ....'' Sagot ni Tzuyu.

''Baka naman naparami ng kain si Tzuyu , Tama namang wag nating hintaying lumabas baka maudlot ang ginagawa sa loob'' Sabi ni Jungyeon Unnie sabay lakad paalis.

Nilapitan naman kami ni Nayeon Unnie.

''Kayong dalawa , Wala ba kayong napapansin kay Yoda ? Roommate niya kayo kaya alam niyo 'yan'' Sabi ni Nayeon Unnie samin.

''Ako meron , Kakaiba siya kumilos ngayon . Para bang may iniiwasan na ewan , Basta lagi siyang nagmamadali at kung minsan madalas tulala lang'' Sagot ko.

''Ako naman , Meron din . Kanina nga , Lalapit lang ako sa kanya bigla na siyang umaatras na para bang ayaw mapalapit sakin . Ewan ko ba , Kinakausap ko siya tapos biglang tulala'' Sabi naman ni Dahyun.

''Ano kayang iniiwasan ni Tzuyu ???" Tanong naman ni Mina Unnie.

''Ewan , Nagkausap naman kami kanina'' Sabi ni Dahyun.

''Anong pinag-usapan niyo kanina ? Mukhang ang seryoso niyo sa kwarto kanina eh , Sumilip ako'' Sabi ni Sana Unnie kay Dahyun.

''Ahhh...Wa....Wala , Si...Sige . May gagawin pa pala ko'' Sabi agad ni Dahyun sabay akmang lalakad paalis.

''Sandali ! Dubu Unnie , May alam ka ba sa nangyayari kay Tzuyu ?" Tanong ko sa kanya.

''Ako ? Ahhh....Ehhh......Wala'' Sagot niya sabay pandalas ng balik sa kwarto namin kaya naman sinundan ko siya.

''Dubu , Aminin mo nga sakin . May pinag-usapan kayo na kayo lang ang nakakaalam noh'' Sabi ko sa kanya.

''Chaeng naman , Wala 'yun ~ Konting advice lang naman ang binigay ko sa kanya'' Sabi niya sakin.

''Advice for what ?" Tanong ko.

''She's in love ! May crush na ang Yoda natin . Naku-curious daw siya sa feelings niya at di niya alam kung paano siya magko-confess sa taong mahal niya . Nag-aalala din siya na baka di siya gusto ng gusto niya kaya naman sabi ko sa kanya sundin niya ang sinasabi ng puso niya at lumaban siya pero hinay hinay lang muna at wag magmadali'' Sagot niya sakin.

Who Owns Kim Dahyun's Heart (DahyunxTwice)Where stories live. Discover now