Chapter 31 - The Letter

1.1K 40 50
                                    


TZUYU'S POV :

Talagang nagulat ako nang makitang na kay Dubu Unnie pa ang sulat ko . Sinabi ko na naman sa kanyang itapon na niya yun pero di parin niya itinapon . Bakit ?!

Di kaya gusto rin ako ni Dubu Unnie ? Di kaya may pagtingin din siya sakin ? Naku ! Nag-assume na naman ako. Ito ang hirap sakin eh ! Naga-assume ako tapos bandang huli masasaktan lang ako .

She looked at me sabay tingin sa sulat.

"Dubu Unnie , Di....Diba sabi ko Itapon mo na yan" Sabi ko sa kanya nang pakalmado.

"Kaya nga pero kasi ......." Sabi niya. Hawak-hawak niya yung papel ngayon .

"Kasi Ano , Unnie ???" Tanong ko sa kanya . Inaabangan ko ang isasagot niya sakin . Please ! Sabihin mong pinahahalagahan mo yan dahil sakin galing 'yan.

"Kasi balak kong gayahin 'to , Ahaha ! Magawan din ng ganito ang ibang members HAHAHA!" Sabi niya sabay tawa.

Jusko , Heto na naman tayo ~ Sinasabi ko na nga ba eh ! Nag-assume na naman ako at nabigo . Tawa siya nang tawa . So talagang prank nga lang ang tingin niya sa paggawa ko ng sulat para sa kanya.

Gagawin niya sa members yan ? Naku , Malaking gulo 'to ! Alaman namang masasawi ang mga puso nila sa gagawin ni Dahyun na prank . Anong trip ni Dahyun ? Sasabihin niyang mahal niya ang members nang higit pa sa pagkakaibigan tapos bandang huli joke lang ?! Grabe ka Kim Dahyun ! Hindi pwede 'to !

"Wag Dahyun Unnie" Sabi ko sa kanya .

"Bakit naman ???? Exciting 'to !" Sabi niya sakin habang hawak ang sulat.

"Basta Unnie , Baka ma-offend sila" Sabi ko sa kanya.

"Ayyy ~ Sige na nga ! Sa bagay , may point ka" Sabi niya sakin sabay kamot sa ulo .

Itinago niya yung sulat ko sa bag niya . Mas na-confused tuloy ako.

"U.....Unnie , Bakit itinago mo pa din yung sulat ko ?" Tanong ko sa kanya sabay tayo .

She looked at me seriously sabay tayo din at lapit sakin.

"Dahil galing 'to sayo" Sabi niya sakin sabay biglang smile.

Hindi ko na napigilan ang feels KO kaya agad ko siyang niyakap nang mahigpit . Nagulat siya sa ginawa ko pero hinayaan niya lang ako at tinapik ang likod ko.

"Tadadada Tadadada Mabuhay ang bagong kasal~" Rinig kong sabi bigla ng sumulpot na si Jungyeon at Jihyo Unnie . Panira talaga sila ng moment kahit kailan .

Agad tuloy kaming napaagwat sa isa't isa ni Dubu Unnie . Napatingin naman ako sa likuran nila . Nandun din sila Chaeng , Mina Unnie at Momo Unnie. Omg ! Naabutan nila kaming magkayakap ni Dubu Unnie . Omg ! Di ako makapaniwala ! Sinabi nga ni Unnie na dahil galing sakin ang sulat kaya itatago niya .

Nagkatinginan kami ni Chaeng . Serious siyang tumingin sakin . Umiwas na lang ako ng tingin . Paano ba 'to ?! Sinabi ko sa sarili ko dati na hahayaan ko na lang si Chaeng na sumaya . Sinabi ko dati sa sarili ko na di ko siya kakalabanin sa puso ni Dubu Unnie pero ngayon , Kailangan ko nang lumaban . Hindi ko na kaya 'to ! Lalaban naman ako nang patas .

Who Owns Kim Dahyun's Heart (DahyunxTwice)Where stories live. Discover now