Chapter 60 - My Heart

826 28 12
                                    

MOMO'S POV :

Ang dami talagang nangyari sa Isla kung saan kami nagbakasyon . Masasabi kong hindi ko makakalimutan ang mga yun . Hanggang ngayon , hindi parin ako makapaniwala na si DAHYUN na mismo ang nagsabi sa lahat na handa na siyang muling magmahal . Siguro nga handa na talaga siya . Panahon na siguro talaga para patunayan kong ako ang karapat-dapat para sa kanya.

Tuloy parin ang biyahe namin ngayon sakay nitong Private Plane , kanya-kanya paring trip ang lahat . Actually , narinig ko yung kwentuhan nila Jihyo at Jungyeon Unnie tungkol kay Tzuyu at Dahyun sa tent noong gabing malasing si Dahyun at Mina . Inaamin ko na natakot ako na baka huli na ang lahat para kumilos ako pero naalala ko yung sinabi ni Dahyun na wag kaming susuko kaya hindi ako susuko . I'll fight for her !

Pasikreto kong sinilip ang expression sa mukha ni Dahyun . Bakit ganun ? Yung way niya ng pagtingin kay Tzuyu kakaiba . Never ko pang nakita na ganyan siya tumingin sa kahit na sinong member ng TWICE . May something na ba talaga siya kay Tzuyu ? Tutunganga na lang ba ko at hahayaang unti-unti na niyang magustuhan si Tzuyu ?

Bakit ganun ? Gusto kong magalit pero alam kong wala akong karapatan ! Makalipas ang ilang oras , Umalis na rin si Tzuyu sa tabi nila Jihyo at Jungyeon Unnie . Tumayo na rin si Dahyun sa kinauupuan niya kaso nakasalubong niya si Mina . Magkasama silang lumakad . Mukhang may pag-uusapan sila . Di kaya may nangyaring kakaiba nung naglasing sila pareho ? Aiishh ! Bakit ba kung ano-ano ang naiisip ko ?!

Hinintay ko na lang na magbalik si Dahyun , Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na siya kaso mukhang nag-iba yung aura niya. As in parang ang lungkot niya ngayong bumalik na siya sa pwesto niya . Ano kayang pinag-usapan nila ni Mina ? . Napa-ub-ob na lang siya . Kaya , nagsimula na si Jungyeon Unnie na asarin na naman siya . Natigilan ako nang makitang magsmirk si DAHYUN sa kanila ni Jihyo . Ano kayang tumatakbo sa isip ni Dahyun ngayon ? Alam ko yang ganyang smirk niya , may binabalak yan !

Umalis na sila Jungyeon Unnie sa harapan niya . Naiwan siyang mag-isa sa pwestong 'yun kaya naman nilapitan ko na siya .

''Dahyun , May problema ka ba ? Bakit mukhang malungkot ka ?" Tanong ko sa kanya .

''Unnie , Wala 'to . Wag mo kong alalahanin . Medyo nahihilo lang ako sa biyahe'' Sagot niya sakin. Agad na kong tumabi sa kanya at hinawakan siya sa kamay . Tiningnan niya ko at alam kong may lungkot talagang nababalot sa puso niya ngayon .

''Dahyun , Palagi mong tatandaan na nandito lang ako sa tabi mo para damayan ka , para pasayahin ka , at higit sa lahat para mahalin ka'' Sabi ko sa kanya .

Nagulat na lang ako nang isandal niya ang ulo niya sa balikat ko . Bumilis ang tibok ng puso ko dahil hawak niya ang kamay ko ngayon . Ramdam ko ang lungkot na nararamdaman niya kaya handa akong damayan siya sa kahit na anong oras. I'm willing to make her happy because she's my life .

Tahimik lang siya na nakasandal sakin . Ninamnam ko na lang ang moment naming dalawa na magkasama . Basta , Alam ko na kaya kong gawin lahat para mapasaya lang siya . Kung mawala man siya , hahanapin ko siya . Kung umalis man siya , Hihintayin ko siya . If they try to take her away from me , I'll fight for her 'cause I neve want to lose someone like her.

Simula nung makilala ko siya nagbago na ang takbo ng buhay ko . Lahat ng nakikita ko , lahat ng naririnig ko , lahat ng nararamdaman ko . Lahat ng pangyayari sa paligid ay nagbago . Yun bang parang nagkasigla ang buhay at mundo ko nang dahil sa kanya kaya ipinapangako kong hindi ko siya susukuan .

Maya-maya pa ay bumitaw na siya sakin , Napatingin ako sa kanya as she smiled at me . Ayan , nakangiti na siya ngayon .

''Ayos ka na , Dahyunie ?" Tanong ko sa kanya. Bigla niyang kinurot ang pisnge ko .

Who Owns Kim Dahyun's Heart (DahyunxTwice)Where stories live. Discover now