TZUYU'S POV :
Sobrang sama ng pakiramdam ko ngayon . Akala ko di ko na kakayanin . Bakit ba kasi nagpaulan pa ko last night ?! Kasora lang ~ Di ko tuloy maipakita kay Dubu Unnie na kaya kong lumaban para sa kanya ! Dahil nagkasakit ako , Hindi ako nakapaglinis ng dorm . Iniutos niya sakin yun ! Lahat gagawin ko para sa kanya pero dahil sa buwisit na fever na 'to , Di ko nagawa yun !
Sa ngayon , Nakahiga ako sa higaan ko at nagpapahinga . Akala ko kanina iniwanan at hinayaan na niya kong mag-isa . Yun pala bumili siya ng gamot at prutas para sakin . May isa akong narealized . Kahit na galit parin siya , Hindi parin mababago ang katotohanang nag-aalala siya sakin .
Kahit di niya aminin , kahit di niya sabihin , kahit pinipilit niyang sabihin na hindi naman para sakin yung ginawa niya ..... Alam ko sa sarili ko na nag-aalala parin siya sakin .
Kung wala na talaga siyang pakialam sakin , Dapat hinayaan na lang niya ko na ganito pero hindi . Nang dumating siya , Inalagaan niya agad ako . Pinunasan niya ko ng basang towel , pinakain ako ng prutas at pinainom ako ng gamot sa mataas na lagnat . Ewan ko pero basang-basa siya nung dumating siya dito . Ano kayang nangyari dun ? Di naman umulan.
Sa ngayon , Nandun siya sa labas . Naglilinis ng dorm . Nakakalungkot naman ~ Dapat ako ang nagawa nun para sa kanya .
Akma sana kong tatayo kaso nakita niya ko .
"Hoy ! Anong gagawin mo ? Tatayo ka ? Diyan ka lang ! Mamaya niyan , Ako na naman ang mahihirapan" Sabi niya sakin habang hawak ang walis.
"Ako nang maglilinis" Sagot ko.
"Sira ulo ka ba ? Gusto mo na naman akong pahirapan ? Gusto mong magpakahirap na naman ako para sa pag-aalaga sayo ?!" Tanong niya sakin nang nakapamewang .
"Tama ako , Inaalagaan mo parin talaga ko" Sagot ko sa kanya.
"Tsk ! Assuming ka talaga kahit kailan . Ginagawa ko 'to para sa buong group ! Hindi para sayo ! Assuming talaga" Sabi niya sabay tuloy sa pagwawalis.
"Ibinili mo pa ko ng prutas , Nag-aalala ka talaga sakin" Sabi ko.
"Assuming ka talaga ! Nagkataon lang na sobra ang bigay ng fans sakin na pera" Sagot niya.
"Huh ? Pera ? Galing sa Fans ? Nanghingi ka ng pera sa fans ? Saka , Bakit basang-basa ka kanina ?" Tanong ko sa kanya.
"Oo ! Eh sa nakalimutan kong magdala ng pamasahe eh! Wala ka na dun !" Sabi niya sakin.
"Kita mo na ~ Nagawa mo yun para sakin" Sabi ko sa kanya.
"Tsk ! Magaling ka na yata eh ! Nagagawa mo nang magJoke" Sabi niya.
"Hindi joke yun , Unnie . Totoo yun . Diba ?" Sabi ko sa kanya.
Actually , Medyo maayos-ayos na ang kalagayan ko ngayon .
"Diba inamin mo kagabi na minahal mo ko" Sabi ko sa kanya sabay smile.
"Hoy ! Hindi totoo yan ! Assuming ka talaga ~ Ganyan ka ba kapag nagkakasakit ?! Nagiging Assuming ! Tsk !" Sabi niya sakin.
"Unnie , Inamin mo na eh ~ Wag ka nang mahiya" Sabi ko sa kanya.
"Naku ! Matatadyakan kita ! Kapal ng mukha nito" Sabi niya sabay irap.
![](https://img.wattpad.com/cover/68278635-288-k74038.jpg)
YOU ARE READING
Who Owns Kim Dahyun's Heart (DahyunxTwice)
FanfictionAnong mangyayari kapag nalaman mong may gusto sayo ang co-members mo sa Group niyo ? Si Kim Dahyun na member ng Rookie Kpop Girl Group na TWICE under JYP Entertainment. Anong mangyayari kapag pinag-agawan siya ng mga co-members niya? Sa huli , Sino...