Chapter 40 - What Happened ?

903 34 12
                                    


TZUYU'S POV :

Nakakalungkot isipin na wala kong karapatang pigilan ang iba na lumapit sa kanya . Wala kong karapatan na suwayin sila dahil wala namang kami ni Dahyun . Ang PUSO niya ay bukas para sa lahat at hindi lang para sakin .

Yung lubos - lubos na saya ko kaninang umaga kasama siya ay napalitan ng matindeng SELOS at LUNGKOT dahil ibang members na ang kasama niya nang dumating kami dito sa dorm . Hanggang dun na lang ba talaga kami ? Wala lang ba yung mga memories namin kanina sa Seaside ? Ganun-ganun na lang ?

Sobrang lungkot at selos ang naramdaman ko nang yakapin siya ni Momo Unnie . Tiningnan lang niya ko nang makita ko sila . Ngayon , Nandun siya sa CR . Mukhang ayaw pang lumabas . Ewan ko ba pero kanina pa siya dun . Dumating na nga sila Chaeng at Mina nandun pa rin siya.

Maya-maya , Narinig ko ang boses ni Nayeon Unnie . Pumasok siya sa kwarto pero hindi ako nagpahalatang malungkot . Umub-ob na lang ako . Lumabas na rin naman agad siya ng kwarto naming mga Maknae matapos malamang wala sa loob si Dahyun Unnie.

Hinahanap niya si Dahyun Unnie. Ano kayang pakay niya kay Dubu Unnie ? Agad naman akong nakitsismis at agad kong binuksan ng konti ang pintuan ng kwarto sabay silip sa nangyayari sa labas ng kwarto.

Natanawan ko si Nayeon Unnie na pinapalabas na ng CR si Dubu Unnie . Ano kaya talagang pakay niya kay Dubu Unnie ? Mga ilang minutes rin ang tinagal ni Nayeon Unnie sa paghihintay kay Dubu Unnie sa labas ng CR . Pawis na pawis siya at para bang nagmamadali na ewan.

Tumunog ang phone ko kaya naman agad ko itong ichineck. Nagulat ako dahil galing kay Dubu Unnie ang message . Kinailangan pa talaga niyang magtext sakin ? Pwede namang lapitan na ko ay kausapin eh ! Sandali nga , Iniiwasan ba niya ko kaya sa text na lang siya nakipag-usap sakin.

Binasa ko na ang message niya sakin at nagulat ako sa hinihingi niyang pabor sakin .

"Tzuyu ~ Help me ~ I'm in trouble ! Ilayo mo muna si Nayeon Unnie ! Ayoko pang lumabas ng CR ! Ayoko pang harapin ang members kaso pinapalabas na ko ni Nayeon Unnie.Baka nadudumi na siya , Pakisabi na sa iba munang CR pumunta . Maki-CR na lang kamo sa kapitbahay . Ayoko lang talagang lumabas ngayon sa CR . Please Tzuyu ~"

Bakit ko naman susundin ang iniuutos niya ?! Matapos niyang gawin sakin 'to ! Parang wala kaming memories kanina sa Seaside ! Parang binalewala na niya nang kaharap niya si Momo Unnie at si Sana Unnie.

Harapin niya ang problema niya ! Sinabi niyang aaminin na rin naman niya sa iba ang totoo pero bakit nandun ya sa CR at nagtatago . Ano siya ?! Sinuswerte ?! Birthday ba niya para gawin ko yun ?! Ayyy ! Bday nga pala niya bukas T___T . 11PM na ngayon at maya-maya bday na niya .

Ang tanga ko naman ! Nakalimutan ko yung bday ng taong mahal ko . Pabo Tzuyu ! Sa sobrang pag-aalala ko sa mga problema nakalimutan ko na . Siguro nakalimutan din ng ibang members at parang nakalimutan na rin ni Dahyun ang sariling bday niya . Kaloka lang !

Sige na nga , Dahil Bday niya pagbibigyan ko siya. Gagawin ko ang iniuutos niya . Agad na kong lumabas ng kwarto at pinigilan si Nayeon Unnie.

"Unnie , Hayaan mo muna si Dubu Unnie sa loob ng CR . Kung napapadumi ka , Sa kapitbahay muna . Maki-CR ka muna dun . Tara ! Samahan na kita" Sabi ko sabay hila kay Nayeon Unnie palayi.

"Hindi ! Hindi ako nadudumi . Kailangan ko lang talagang makausap agad si Dahyun ng harapan" Sagot ni Nayeon Unnie sakin sabay bitaw.

Who Owns Kim Dahyun's Heart (DahyunxTwice)Where stories live. Discover now