Chapter 67 - Sad Song

756 25 19
                                    


TZUYU'S POV :


Minsan talaga naiisip ko kung bakit ganito ako . Kahit na gustong-gusto kong tanggapin yung bracelet na ibinibigay ni Dahyun Unnie sakin , Wala akong magagawa . Nakapag-usap na kami ni Chaeng . Kaya kong magparaya , kaya kong magtiis , kaya kong itulak siya palayo para lang walang masaktang iba . Tama ! Nag-usap kami ni Chaeng sa likod ng dorm kaninang tanghali . Napag-usapan namin si Dahyun . Sinabi ko kay Chaeng na ipagpatuloy niya ang paglaban dahil gusto kong sumaya siya kasama ni Dahyun .

Alam kong close na close sila sa isa't isa kaya madali nang mahalin si Chaeng . Mas mabuti na 'to . Alam ko namang hindi siya sasaktan ni Chaeng. Alam ko kung gaano siya kamahal ni Chaeng . Bestfriend ko silang dalawa kaya gusto ko na maging masaya sila sa isa't isa . Kinumbinsi ko si Chaeng na lumaban ulit kaya naman nabuhayan siya ng kalooban .

Pero kasunod ng muling paglaban niya ay susuko ako . Kaya kong magparaya , Gagawin ko yun dahil gusto ko talagang sumaya sila . Titiisin ko na lang ang nararamdamang kong sakit ngayon . Sanay na naman akong masaktan . Sanay na kong magparaya para sa iba . Ang tanga ko diba ? Itinulak ko palayo yung taong pinakamamahal ko para sa ibang tao . Tanga na kung tanga pero ginagawa ko 'to para sa isa ko pang kaibigan .

Muntik na kong umiyak sa harapan ni Dubu Unnie kanina pero nagawa ko yung pigilan . It means kakayanin ko ! Kakayanin kong tiisin ang lahat ng sakit na mararamdaman ko .

Iniwanan ko na si Dubu Unnie sa labas at bumalik na sa loob ng kwarto . Nagulat na lang ako dahil gising si Chaeng .

''Chae...Chaeng , Ba..Bakit gising ka pa ?" Tanong ko sa kanya.

''Tzuyu , Nagising lang ako ngayon'' Sagot niya sakin. Lumapit siya sakin .

''Ba..Bakit ?" Tanong ko sa kanya . She hugged me tightly .

''Tzuyu , Ayos ka lang ba ?" Tanong niya sakin.

''Ayos lang ako , Wag mo kong alalahanin . Saka nga pala , Nandun si Dahyun Unnie sa likod ng dorm . Puntahan mo siya dahil may sasabihin siya sayo'' Sagot ko kay Chaeng .

''Talaga ? Si...Sige , Maiwan na muna kita dito . Puntahan ko lang si Dahyun Unnie'' Sagot niya sabay labas ng kwarto .

Napayuko na lang ako nang lumabas na siya ng kwarto . Sumilip ako sa bintana at natanawan ko si Chaeng na lumapit na kay Dahyun . Pinagmasdan ko silang dalawa . Ang sakit-sakit para sakin na makita siyang may kasamang iba . Ayos na 'to . Mas mabuti nang ganito kaysa naman nagkakagulo kami ni Chaeng.

Tatanggapin ko na lang ang katotohanang wala talaga kaming pag-asa ni Dahyun . Hindi talaga kami para sa isa't isa dahil para siya kay Chaeng na mas malapit sa puso niya . Titiisin ko kahit gaano kasakit at kahit gaano kahirap . Napaluha na lang ako habang pinagmamasdan sila mula sa bintana .

Nakita ko si Chaeng na yumakap kay Dahyun . Nakangiti siya at ngumiti rin si Dahyun sa kanya . Yung bagay na ibibigay dapat ni Dubu Unnie sakin , Ibinigay na niya kay Chaeng . Ayos na 'yun ~ Ayos lang ako .

Mukhang masaya na sila kaya bumalik na lang ako sa higaan ko at ipinikit ang mata ko . Baka sa ganitong paraan , mawala yung sakit na nararamdaman ko.

Naalipungatan na lang ako nang biglang may humawak sa kamay ko . Nagulat ako nang makita ko si Dahyun Unnie na nakaupo sa higaan ko . She's smiling at me ~

''Unnie ?" Tanong ko sa kanya.

''Tzuyu , Wag ka nang malungkot . Nandito na ko para sayo'' Sabi niya sakin.

''Huh ? Akala ko ba .... Where's Chaeng ?" Tanong ko sa kanya.

''Nandun sa labas . Naiwan siya dun mag-isa . Alam mo kung bakit ? Yun ay dahil ikaw ang gusto ko . Ikaw ang mahal ko . Wala nang iba'' Sagot niya sakin.

Who Owns Kim Dahyun's Heart (DahyunxTwice)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz