MINA'S POV :Agad na kong gumising nang maaga . Kaunahan akong naligo at nagayos ng sarili dahil magagala kami nila Nayeon and Momo Unnie kasama si Dubu . I'm so excited .
Agad na rin namang bumangon sa higaan si Jihyo Unnie . Nagsimula na siyang magprepare ng agahan.
"Enjoy kayo mamaya" Sabi niya sakin.
"Sige Unnie , Papasalubungan na lang namin kayo" Sagot ko sa kanya.
Tumango siya sakin . Ginising ko na rin si Nayeon Unnie kaya agad na siyang nagayos ng sarili . Ginising ko na rin si Momo Unnie . Hanggang sa maging ready na kaming tatlo tapos ...... Si Dahyun tulog pa .
"Mina , Ikaw nang gumising sa kanya" Sabi sakin ni Nayeon Unnie
Agad na kong pumasok sa Maknae Room . Gising na si Tzuyu . Nagbabasa siya ng libro . Tahimik lang siya . Si Chaeng naman tulog pa din . Siyempre , Si Dahyun tulog din . Nasanay na kami sa dalawang rapper na 'to.
''Da...Dahyun , Wake up ~'' Panggigising ko kay Dahyun.
''Hmmm ~ Bakit ?'' Tanong niya sakin habang pikit padin.
''Diba may date este gala tayo ngayon'' Sagot ko sa kanya.
Kaso wala siyang response sa sagot ko . ABA ! Tinulugan na naman ako . Agad ko siyang ginising ulit at niyugyog ang balikat niya.
''Dubu , Wake up ~'' Sabi ko sa kanya.
''Bakit ba ? Saan ba tayo pupunta ? Anong gagawin natin ? Anong oras na ?" Sunod-sunod niyang tanong sakin . Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa sobrang hirap gisingin ng Tokwa na 'to.
Paano ko kaya 'to magigising ?! Kahit naman anong sagot ko sa mga tanong niya , Tulog parin siya ! Tsk ! Paano na yung date este gala namin ?!
Napatingin ako kay Tzuyu at nahuli ko siyang nakatingin samin ni Dahyun kaso agad rin siyang bumalik sa pagbabasa.
''Ahhh....Tzuyu , Pwede mo ba kong tulungang gisingin si Dahyun ?" Tanong ko sa kanya.
''Ayoko , Wala ka namang magagawa sa kanya'' Sagot ni Tzuyu sakin.
''Please'' Pakiusap ko sa kanya. Napakamot ulo siya sabay lapit samin ni Dahyun. Agad niyang ginising si Dahyun.
''Dahyun Unnie ! Hoy ! Dahyun Unnie !'' Panggigising ni Tzuyu sa kanya.
''Hmmm ? Bakit na naman ?" Tanong ni Dahyun na tila wala paring balak bumangon.
''Bumangon ka diyan kung ayaw mong masaktan'' Seryosong sagot ni Tzuyu . Nanlaki ang mata ko dahil first time kong marinig at makitang ganun si Tzuyu . Anyare ?
Wala paring pakialam si Dahyun . Nagulat na lang ako nang paghahampasin siya ni Tzuyu ng malambot na unan.
''Gumising ka na ! Bumangon ka diyan !'' Malakas na sabi ni Tzuyu habang hinahampas si Dahyun ng unan.
''Yah ! Aray ko !'' Sabi agad ni Dahyun sabay bangon at hawak sa ulo niya at likod.
Natigilan ako sa ginawa ni Tzuyu . Parang ang harsh naman yata ni Tzuyu kay Dahyun ngayon . Ano bang meron ngayon ?
''Ayan , Gigising ka din pala'' Sagot ni Tzuyu sabay balik sa pagbabasa ng libro na para bang walang nangyari.
Napatingin sakin si Dahyun na tila nabubwisit .
''A...Ayaw mo kasing bumangon eh . Nagpatulong lang ako sa kanya'' Sagot ko kay Dahyun sabay smile.
''Masakit pa din yun eh ~ Aiishh !'' Sabi ni Dahyun sabay kamot sa ulo . Napangiti na lang ako sa kanya sabay ayos ng buhok niya.
ESTÁS LEYENDO
Who Owns Kim Dahyun's Heart (DahyunxTwice)
FanficAnong mangyayari kapag nalaman mong may gusto sayo ang co-members mo sa Group niyo ? Si Kim Dahyun na member ng Rookie Kpop Girl Group na TWICE under JYP Entertainment. Anong mangyayari kapag pinag-agawan siya ng mga co-members niya? Sa huli , Sino...