Chapter 20 - Panic

977 36 3
                                    



DAHYUN'S POV :


Hindi ko na alam ang gagawin ko . Takot na takot na talaga ko. Nasasaktan akong makita na halos mamatay si Mina Unnie habang ako nakatingin lang kung paano siya pinaghahampas ng martilyo ng lalaking adik.

"Mina Unnie !!!!!" Malakas kong sigaw habang lumuluha.

Natigilan naman ako nang makita kung paano hinampas ng lalaking adik si Mina Unnie sa ulo gamit ang Martilyo. Tila bumagal ang mundo ko sa nakita ko . Nawalan na siya ng malay at hindi na kumikilos . Punong-puno na siya ng dugo.

"HINDI!!!!!" Sigaw ko nang makitang wala nang buhay si Mina Unnie habang naliligo sa sarili niyang dugo.

Mas natakot ako nang makitang nasa akin na ang atensyon ng lalaking adik . Hawak niya ang martilyo at palapit na sakin. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa sobrang kaba.

"IKAW NAMAN ! Hindi pa tayo tapos eh !" Sabi sakin ng lalaking adik sabay ngisi habang palapit na.

Katapusan ko na ba ?! Mamamatay na ba ako ?! Kasalanan ko 'to! Ngayon , Wala na si Mina Unnie. T__T Dahil sakin wala na siya .

"Wag Please ~ Maawa ka Please ~" Pagmamakaawa ko sa lalaking adik na palapit na sakin. Agad akong umatras at napaupo't napasandal sa pader .

"Sandali lang 'to Miss ! Hindi na kita pahihirapan pa , Papatayin na agad kita !" Seryoso niyang sabi sakin sabay hampas sakin ng martilyo sa ulo .

"Wag!!!!!!" Sigaw ko . Nagulat na lang ako nang maalipungatan na ko. Pawis na pawis ako at hindi makahinga sa sobrang kabado. NAKATULOG NA PALA KO. Agad akong tumingin sa paligid at ganun pa din walang pagbabago. Madilim parin at gutom na gutom na rin ako.

I looked at Mina Unnie na payapang natutulog sa tabi ko . Isa lang pala yung masamang panaginip. Bigla naman akong nahilo sa sobrang kabado at panic. Tumayo ako kahit na di ko pa kaya . Kailangan na naming makaalis dito ! Kailangan na ! Kailangan kong panitilihing ligtas si Mina Unnie.

Gabi na ngayon at mukhang mas delikado nang magstay dito . Baka makita kami nung lalaking adik . Hindi na ko papayag na masaktan si Mina Unnie . I'll protect her and save her!

Lumakad ako at naghanap ng magagamit upang mabuksan ang gate at matanggal ang Kadena nito. Natatakot ako ! Takot na takot ! Nangangatal na ko sa sobrang panic. Hanggang sa matalisod ako at matumba dahil sa isang bagay . Nakakita ko ng isang martilyo. Hindi !!!! Martilyo !!!! Napalingon ako sa buong paligid at mas kinabahan .

Agad kong kinuha ang martilyo at ginawa ang lahat ng makakaya ko upang wasakin ang gate.

"Hindi!!!!!!" Malakas kong sigaw habang pinupukpok ang kadena at lock sa gate .

"Lalabas na kami !!!!! MAMATAY KA NANG LALAKING ADIK KA !!!!!" Habang sinisira ang Kadena at Lock sa gate ay iniiisip ko na ang lalaking adik ang sinasaktan ko.

"Papatayin kita!!!!" Sigaw ko nang malakas habang patuloy sa ginagawa ko. Nagulat na lang ako nang magising si Mina Unnie sabay pandalas ng awat sakin.

"Dahyunie~ Tama na ! Mahina ka pa ! Tigilan mo na yan !" Malakas na sabi ni Mina Unnie habang pinipigilan ako.

"Unnie , Ililigtas kita Huhuhu. Di kita hahayaang masaktan" Sabi ko kay Mina Unnie habang pinagpapawisan na at halos maluha na ng todo.

"Dahyun , Ano bang nangyayari sayo ?! Baka lumala ang sakit mo ! Tama na yan ! Ako na diyan !" Sabi niya sakin sabay pilit na kuha sa martilyo.

Who Owns Kim Dahyun's Heart (DahyunxTwice)Where stories live. Discover now