Chapter 91 - Stay Forever

787 23 11
                                    


(Thank you sa magandang TzuDa Pic , Zoe)

"FOREVER is a long time . But , I wouldn't mind spending it by your side"

TZUYU'S POV :

Sa bawat segundong lumilipas , Mas kinakabahan ako . Kailangan ko siyang iligtas . Kailangan niya ko ! Kailangan ko siya !

Kahit nadadapa na ko , Wala akong makialam . Isa lang ang paulit-ulit na pumapasok sa utak ko kaya't hindi ako tumitigil sa pagtakbo .

BANGON , TZUYU ! BANGON ! LABAN ! KAYA MO 'YAN . ILIGTAS MO SIYA .

Parating na ko , Dahyun. Konting oras na lang , Makakasama na kita . Mas binilisan ko pa ANG takbo ko nang marealized kong malapit na yung address na hinahanap ko .

Nilakasan ko ang loob ko nang marating ko na ang labas ng bahay. Agad kong nabuksan yung pinto dahil hindi naman nakasarado . Nandito yung kotse na nakita namin sa CCTV kanina. May narinig akong galabugan sa loob . May lalaking sumisigaw . Nagmadali na kong pumasok . Sakto , Nakita kong nakatali si Dubu Unnie sa upuan . Akma na sana siyang sasaksakin nang isang lalaki , Mabuti na lang at nahampas ko ng kahoy yung lalaki . May kahoy kasi sa isang tabi eh .

"Aray ko!" Sigaw nung lalaki . Natumba yung lalaki at mukhang hindi agad makatayo dahil sa sakit ng ulo .

"Tzuyu !" Umiiyak na sabi ni Dubu. Unnie . Umiiyak siya . Umiiyak ang taong mahal ko TT___TT

"Dahyun , Pasensya ka na . Na-late ako . I'm so sorry ~" Malungkot kong sabi sa kanya .

"Tzuyu , Mahal na mahal kita" Umiiyak niyang sabi sakin .

"Mahal na mahal din kita , Dahyun . Wag kang mag-alala . Ilalayo na kita dito" Sabi ko sa kanya.

Agad kong pinagsikapang tanggalin yung tali niya . Makalipas ang ilang minuto , Natanggal ko na ang nakataling lubid sa kanya .

She hugged me tightly while crying .

"Akala ko katapusan ko na" Umiiyak niyang sabi.

"Psshh ~ Don't Cry , Nandito na ko . Ligtas ka na . Hindi kita hahayaang mapahamak" Sagot ko sa kanya . Pinagmasdan ko ang mukha niya . May sugat siya sa ulo na mukhang nalagyan na ng first aid . May sugat din siya sa labi . Mukhang medyo na-late ako .

"Tzuyu , Umalis na tayo dito" Yakag niya sakin .

"Sige , Tara na ! Ilalayo na kita dito sa lugar na 'to !" Sambit ko sa kanya . Nagulat na lang ako nang humarap ako sa likuran ko .

"Hindi siya sasama sayo !" Sigaw ng lalaki . Naramdaman kong parang may masakit na tumusok sa tiyan ko .

O______O

Napatulo na ang luha ko . Bakit ganito ? Parang bumagal ang ikot ng mundo . Mamamatay na ba ko ?

"Tzuyu !!!!!" Malakas na sigaw ni Dubu Unnie .

Hinawakan ko ang tiyan ko at nalamang nasaksak na pala ako sa tiyan gamit ang kutsilyo .

"Da...Dahyun" Mahina kong sabi sa kanya .

"Sakin lang siya !!!!!" Sigaw ulit ng Sasaeng fan ni Dahyun sakin . Pinilit ko lang na imulat ang mata ko . Nanlaki ang mata ko sa sumunod na nangyari .Naglabas na ng baril yung lalaki sabay tutok sakin.

"Hindi !!!" Sigaw ni Dubu Unnie sabay takbo sa harapan ko.

Nakarinig ako ng putok ng baril .

"Dahyun ~" Mahina kong sabi sabay lingon kay Dubu Unnie na biglang natumba sa tabi ko. Magkatabi na kami ngayong nakahandusay sa sahig . I looked at her as she looked at me .

"Ma...Mahal kita" Rinig kong sabi niya na tila nanghihina na .

"Ma...Mahal din kita" Sagot ko sabay hawak sa kamay niyang may dugo na . Nawalan na siya ng malay .

Nakarinig pa ulit kami ng sunod-sunod na putok ng baril . Maya-maya pa , Nakarinig na ko ng ingay ng madaming tao at ambulansya.

"Da...Dahyun" Sambit ko bago ko tuluyang mawalan ng malay .

Nang imulat ko ang mata ko , Nasa Hospital Room na ko . Nagpapagaling ng sugat ko .

Wala akong kasama sa loob . Si Dubu Unnie ! Kailangan kong malaman ang kalagayan niya. Nabaril siya dahil humarang siya sa harapan ko para iligtas ako.

Ginawa niya yun nang buong tapang . Hindi ko kakayanin kapag nay masamang nangyari sa kanya .

Buong lakas akong tumayo sa higaan ko , Kahit na mahina pa ko ginawa ko ang best ko . Lumabas ako ng room at nakitang nakikipag-usap ang Doctor kay Jihyo Unnie . Pasimple akong nakinig sa usapan nila nang di nila nalalaman.

"Kumusta na po ba ang pasyente ?" Tanong ni Jihyo Unnie .

"Pasensya na , Ginawa namin ang lahat pero hindi namin siya magawang iligtas . Wala na siya" Malungkot na sabi ng Doctor .

Hindi ko kinaya ang narinig ko . Hindi ! Hindi pwede ~ It can't be . Tell me , Buhay pa siya diba ! Dahyun , Bakit ?! Bakit nangyayari 'to ?! Bakit nagkakaganito ?! Tuluyan na ba talaga niya kong Iniwanan ? Huhuhu ~

Bumuhos na ang luha ko sa nangyari. Bakit ?! Hindi ko matanggap ! TT___TT

Dahyun , Akala ko ba hindi mo ko iiwananan ?! Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo ?! Sana isa lang 'tong masamang panaginip ? Dahyun ~ MAHAL NA MAHAL KITA .

To Be Continued .................

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ano na nga bang nangyari kay Dahyun ? Saan hahantong ang love story nila ?

~ Abangan ~

Yah ~ Maiksing Update para sa ngayon . Kakayanin pa ! FIGHTING ! Bukas na next ud , Inaantok na ko . Maaga pa pasok bukas ^_




Who Owns Kim Dahyun's Heart (DahyunxTwice)Where stories live. Discover now