Chapter 45 - Island

838 36 14
                                    


TZUYU'S POV :

Nasasaktan talaga ko nang sobra-sobra ngayon . Bakit kailangan ko pang maranasan 'tong sakit sa puso na 'to ?! Bakit ba kasi nagtitiis pa ko kay Dahyun Unnie ?! Bakit kasi siya pa 'tong minahal ng puso ko ?! Bakit hanggang ngayon hindi ko parin siya magawang sukuan ?! Kahit ang sakit sakit na na makita siyang masaya kasama ng iba . Kahit na walang kasiguraduhan ang pagmamahal niya para sakin .

Nakasalubong ko sila ni Sana Unnie paglabas ko ng CR . Napatingin ako sa mukha ni Dubu Unnie . Anong nangyari sa kanya ? Malamang may nagtatampo sa kanya na member kaya nagawa sa kanya yun . Baka yun ang ganti sa kanya. Sa bagay , Ano bang ginawang masama ni Dahyun Unnie para ganunin siya ? Wala naman eh .

Pero ganun din siguro gagawin ko , Hindi naman ako gumawa nun sa kanya . Takot ko na lang na magising siya habang ginagawa ko yun XD.

Pumasok na sila ni Sana Unnie sa loob ng CR sabay sarado ng pintuan. Pasimple akong nakinig sa usapan nila mula sa loob. Maya-maya pa , nagbukas ng slight yung pintuan kaso di pa sila lumalabas hanggang sa marinig ko na nang tuluyan ang usapan nila mula sa loob.

Natigilan ako at nagmistulang estatwa sa narinig ko. They're talking about Dahyun's Heart. Si Sana Unnie na ba ang laman nun ngayon ? Sana naman hindi ~ Sumilip ako ng konti sa butas da CR at nagulat sa nakita ko. They're kissing each other . Parang sinasaksak ako nang ilang beses sa puso nang makita ko 'yun. Lumakad na ko papunta sa isang sulok .

Lumiligid na kasi ang luha ko. Si Sana Unnie na ba talaga ? Wala na ba kong pag-asa ? No ~ It can't be !

Nagulat naman ako dahil lumabas na si Dubu Unnie ng CR at nakita ako . She asked me kung kanina pa ko nakatayo dito. Maybe nag-aalala siyang baka narinig ko sila . Bakit ?! Dahil ayaw niyang masaktan ako o ayaw niyang malaman ko kung anong pinag-usapan at ginawa nila sa loob ng CR ?!

Lumakad na lang ako palayo bago pa ko tuluyang mapaluha at bago pa ko maabutan ni Sana Unnie.

Nakiupo na ko sa tabi ng ibang members at nagpretend na hindi ako nasasaktan . Sumulpot na rin sila Sana at Dahyun Unnie.

"Guys , Nandito na tayo . Magsiupo kayo . Lalanding ang Private Plane sa Island" Sabi ni Jihyo Unnie kaya naman nagsiupo na kami ng ayos.

Nang makalapag na ang Plane sa Island , Agad na kaming nagsilabasan . Omg ! Ang tahimik dito sa Island na 'to tapos walang ibang tao . Kami nga lang talaga dito .

"Finally ~ Simula na ng Saya !" Sabi ni Jungyeon Unnie sabay pasensyo pa sa tabing dagat .

"Simula na ng delubyo ng buhay ko ! Yehey ~ Ang saya !" Sabi ni Dubu Unnie nang naka-poker face.

"Tsk ! Wag kang mag-isip ng ganyan . Dahyunie , Mageenjoy ka dito . Haha !" Natatawang sabi ni Jihyo Unnie kay Dubu Unnie.

"Oo na , Wala naman akong magagawa . Goodluck na lang sakin . Baka mamaya patay na ko eh . Huhuhu" Sabi ni Dubu Unnie sabay upo sa buhanginan.

"Tulungan niyo naman ako sa mga gamit oh !" Sabi ni Momo Unnie na nagising na rin sa wakas.

Agad na namin siyang tinulungan na maibaba lahat ng gamit namin.

"Teka ! Bakit ibababa ang gamit ?! Hayaan na lang sa loob ng Private Plane" Sabi ni Nayeon Unnie.

"Hindi pwede ! Eh di wala tayong nagamit . Iiwanan tayo ng Private Plane dito tas babalik din sa isang araw" Sagot ni Jungyeon Unnie.

Who Owns Kim Dahyun's Heart (DahyunxTwice)Where stories live. Discover now