Chapter 86 - Forgiveness

744 27 22
                                    


SANA'S POV :

Hindi talaga ko makapaniwalang mas pinili ni Dahyun na sumama kay Tzuyu . Alam ko namang parusa yun pero hindi ko maiiwasang mag-alala . Hindi ako mapakali sa dorm dahil kinakabahan ako sa maaaring mangyari .

"Ano ba , Sana ? Tumigil ka na nga sa kakalakad . Nahihilo kami sayo eh" Sabi ni Nayeon Unnie sakin .

"Kaya nga ! Para namang sayo si Dahyun kung makaasta ka" Sambit ni Jungyeon Unnie .

"Hindi ko naman maiiwasang mag-alala at matakot" Sagot ko.

"Matakot ? Na baka si Tzuyu ang piliin ni Dubu ?" Tanong naman ni Jihyo sakin .

"Tsk ! Ano bang sinasabi niyo ? Hindi niya pipiliin si Tzuyu . Diba nga't pinaglaruan lang siya ni Tzuyu" Sabi ko sa kanila.

Bigla namang umextra si Momo na kanina pa tahimik at hindi umiimik.

"Sana , Alam naman natun kung ano yung katotohanan. Dapat maging handa tayo sa kung ano man ang mga susunod na mangyayari" Sabi ni Momo Unnie sakin.

"Tama si Momo , Kung si Tzuyu man ang piliin ni Dahyun matuto kayong magparaya at tanggapin ang katotohanan . Kung isa naman sa inyo ang piliin niya , Eh di ganun din ang gagawin ni Tzuyu . Ganun lang yun . Simpleng-simple at napaka-basic" Sabi ni Nayeon Unnie.

"Pero mahirap gawin yan , Madali lang sabihin pero mahirap" Sabi ko.

"Kaya nga dadahan-dahanin mo , Masama yung mabilisan !" Sagot ni Nayeon Unnie .

Napatingin ako sa bracelet na ibinigay sakin ni Dubu . Agad ko itong hinawakan .

"Mahal na mahal ko siya . Hindi ko kaya na wala siya sakin . Hindi ko kaya na iba ang kasama niya dahil nasasaktan ako . Gusto ko na ako ang magpapasaya sa kanya" Sabi ko.

"Paano kung hindi naman ikaw ang nagpapasaya sa kanya ? Paano kung ibang tao naman yung gusto niyang makasama ?" Tanong ni Momo Unnie sakin.

"Sa ngayon , Hindi ko muna masasagot yan dahil lalaban ako ! Hindi ako basta-basta susuko !" Sagot ko nang paseryoso.

Agad ko nang kinuha ang phone ko at agad na tinawagan si Dahyun .

Agad namang may sumagot sa tawag ko .

ON THE PHONE :

"Hello Dahyun , Nasaan ka ? Bumalik ka na dito sa dorm . Pakiusap , Wag mo naman akong iwanan . Mahal na mahal kita" Sambit ko .

(Pasensya na , Busy siya ngayon eh . Nasa'kin ang phone niya . Magha-have fun pa kaming dalawa kaya hindi pa kami makakabalik diyan . Kilala mo na ko , Walang iba kundi ang pinakamahigpit mong kalaban sa puso niya) Rinig kong sagot mula sa kabilang linya .

"Tzuyu ? Tzuyu ! Sa tingin mo ba basta-basta mo na lang ako mapapasuko ?! Hindi ! Nagkakamali ka ! Patutunayan kong sakin siya mapupunta !" Sagot ko nang nakakunot-noo.

(Sige , Kung yan ba ang desisyon mo eh . Wag kang mag-alala , Tutulungan naman kitang magmove-on . Pasensya ka na , Lalaban kasi ako . Hindi na ko tutunganga na lang at hahayaan kang makuha siya . Goodbye , Mag-Enjoy pa kami eh) Sagot ni Tzuyu sa kabilang linya .

Who Owns Kim Dahyun's Heart (DahyunxTwice)Where stories live. Discover now