Chapter 21 - Hospital

1.3K 40 29
                                    


SANA'S POV :


''Dahyun , Kapit lang ! Malapit na tayo ! Wag kang mag-alala , Kaya mo 'yan'' Sabi ko kay Dahyun na katabi ko sa loob ng kotse.

Sa ngayon , papunta na kami sa pinakamalapit na hospital upang dalhin doon si Dahyun dahil mukhang hindi maganda ang lagay niya . Maputla na ang labi niya at pinagpapawisan na siya nang sobra . Ang init init din ng temperatura ng katawan niya . I hugged her tightly . Wala na siyang malay sa mga oras na 'to .

''Kumusta si Dahyun ?" Tanong ni Nayeon Unnie na nagdadrive ng kotse.

''Wala na talaga siyang malay Unnie, Please bilisan mo'' Sagot ko na halos maluha na.

''Sige ! Kumapit kayo ! Bibilisan ko na , Panatilihin niyo lang na maayos pa siya diyan'' Sabi ni Nayeon Unnie samin. I looked at Momo Unnie na nakayuko at nakahawak sa ulo niya.

''Momo Unnie , Ayos ka lang ba ?" Tanong ko sa kanya . Tumingin sakin si Momo Unnie . Natigilan ako nang makita ang facial expression niya . Ngayon ko lang siya nakitang ganun , Umiiyak na si Momo Unnie nang sobra-sobra.

''Guys , Wag kayong mawalan ng pag-asa . Di naman mamamatay si Dahyun eh . Magtiwala lang kayo , Magiging maayos din ang kalagayan niya . Kilala natin si Dahyun , Matatag siya'' Sambit ni Jihyo na nakapwesto sa tabi ni Nayeon Unnie sa harapan.

''Malapit na tayo ! Konting tiis na lang Dahyun'' Sabi naman ni Jungyeon Unnie.

''Kakayanin niya 'to ! Kakayanin niya'' Sabi ko sabay ayos sa buhok ni Dahyun na wala paring malay.

Nang dumating na kami sa hospital ay agad na namin siyang ipinasok . Nilapitan na kami ng mga employees at dinala na si Dahyun sa loob ng Emergency Room.

''Ma'am , Dito na lang po muna kayo . Salamat po'' Sabi ng Nurse sabay sarado ng pintuan.

''Da..Dahyun'' Mahina kong pagkakasabi.

''Dito muna tayo sa Waiting Area , Guys'' Sambit ni Jihyo sabay hila samin papunta sa Waiting Area . Umupo kami doon nang tabi-tabi . Ichineck ko ang oras . 11PM na pala , Napayuko na lang ako sa sobrang pag-aalala at sobrang lungkot.

''Ni hindi ko man lang siya nagawang iligtas'' Sabi ko habang lumuluha.

''Wag na nating sisihin ang isa't isa , Nangyari na eh . Wala namang may gusto na mangyari 'to . Magdasal lang tayo'' Sabi ni Jungyeon Unnie sabay tapik sa balikat ko.

''Magiging maayos din ang lahat'' Sabi naman ni Jihyo.

''Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya!'' Sambit ni Nayeon Unnie habang umiiyak.

''Tama na 'yan Nayeon Unnie'' Sabi naman ni Momo sabay yakap kay Nayeon Unnie . I looked down . Naalala ko bigla ang masasayang alaala ko with Dahyun .

''Kung nahanap ko lang sana siya agad , Eh di sana di na siya magkakaganyan'' Sabi ko.

''Sana naman , Wala ka namang kasalanan eh'' Sabi ni Jungyeon Unnie.

''Miss na miss ko na si Dahyun at ang ngiti niya'' Sagot ko sa kanila.

''Pare-pareho tayo ng nararamdaman ngayon , Magkaisa na lang tayo at wag nang sisihin ang mga sarili . Tandaan , Ayaw ni Dahyun na malungkot tayo . Kailangan na palagi tayong nakasmile'' Sabi ni Jungyeon Unnie.

''Sana nga Unnie , Sana talaga'' Sabi ko sabay punas ng luha ko.

Sana gumaling na agad si Dahyun . Gustong-gusto ko siyang protektahan. Kahit minsan nasasaktan ako dahil sa selos kapag may kasama siyang ibang members , Napapangiti parin ako kapag nakikita ko ang ngiti niya. Sana panaginip lang 'to ! Sana isa lang 'tong masamang panaginip . Sana ligtas si Dahyun . Sana bumalik na siya sakin . Sana makita ko na siyang ngumiti sakin . Ayokong mawala ka DAHYUN . Hindi ko kakayanin . Hinding hindi !

Who Owns Kim Dahyun's Heart (DahyunxTwice)Where stories live. Discover now