MOMO'S POV :Nung ma-announced ni Dahyun at Chaeng na sila na , Nasaktan talaga ko. Hindi ko na kinaya kaya naman umalis muna ko ng dorm nang nag-iisa . Pakiramdam ko katapusan na ng mundo .
Hindi ko alam kung saan ako pupunta . Ang gusto ko lang ay mapag-isa at makapag-isip sa ngayon nang mapadaan ako sa isang tindahan ng Jokbal .
Nararamdaman ko na naman ang pagkagutom ko . Idadaan ko na lang sa pagkain ng Jokbal ang lungkot na nararamdaman ko. Umupo na ko sa upuan at umorder na ng Jokbal . May mga fans na nagpapicture sakin at nagpa-autograph .
Malapit na nga pala ang preparation namin para sa Comeback namin kaso hindi ko feel eh . Masyado kong nalulungkot ngayon TT___TT
Kumain na lang ako nang kumain ng Jokbal . Sobrang daming Jokbal ang nakain ko pero pakiramdam ko gutom pa din ako . Kaya , Kumain ulit ako nang kumain . Ilang oras na ko dito sa tindahan ng Jokbal . Naalala ko , Bakit ba nakatunganga lang ako dito ?! Kung mahal ko siya , Dapat ipaglaban ko siya ! Dapat sabihin ko sa kanya na hindi ako susuko . Aasa parin ako hanggang sa dumating yung puntong pupunta siya sakin.
Yung moments naming dalawa ni Dahyun , Hinding-hindi ko yun makakalimutan . As in hinding-hindi , Kahit minsan parang ayaw na niya sa paglalambing ko dahil mas komportable na siguro siya kay Sana . Basta , Hindi ako susuko ! Wala sa bokabularyo ko ang pagsuko ! Gagawin ko ang lahat dahil mahal ko siya . Mahal na mahal ~
Agad na rin akong tumayo at pabalik na sa dorm nang biglang ..... Siya ba yun ?
Nakita ko ang familiar na tao na tumatakbo malapit sakin at sakto namang papunta na sa direksyon niya ang isang bike .
Oh no ! Eotteoke ?! Hindi pwedeng masaktan siya ! Agad na kong kumilos nang mabilis at tumakbo para lang masagip siya . Mabuti na lang at nahawakan ko siya at agad na nailayo mula sa palapit na Bike.
Nakaramdam ako ng sakit sa braso ko nang bumagsak kami pareho sa sahig . Naalalayan ko siya pero ang sarili ko hindi. Nagkaroon ako ng maliit na galos sa braso ko . Masakit pero kaya kong tiisin .
Inalam ko agad kung nasaktan ba siya . Mabuti na lang at maayos lang ang kalagayan niya . Salamat sa diyos at nasagip ko siya . Hindi ko alam ang gagawin ko kung nasaktan siya .
Mahal na mahal ko si DAHYUN at hindi ko hahayaang makaramdam pa siya ng sakit .
Salamat sa diyos ~ Agad na rin namang sumulpot si Sana . Magkasama pala sila . Pero , Bakit tumatakbo si Dahyun ? Agad na bumili ng band-aid si Dubu at nilagyan ng First Aid ang galos ko . Nakakatuwa naman at nagke-care parin siya sakin ngayon.
Naupo muna kami sa bench sa Park . Nalaman ko yung mga ginawa ni Dubu . Jusko , Magpapakamatay siya ?! Dahil kay Tzuyu ?! Ano ba talagang nararamdaman ni Dahyun ngayon ? Mabuti na lang at nailigtas siya ni Sana .
Nagulat na lang kami nang lumakad na siya kaya naman sinundan na namin siya . Pumunamta kami sa tindahan ng matandang babae . Nagtitinda siya ng mga bracelet . Pamilyar yung bracelet na isinauli ni Dahyun. Yun yung bracelet na ibinigay niya kay Chaeng. So , Talagang hiwalay na sila .
Sumuko na sa kanya si Chaeng . Ako ? Ipinapangako kong hindi ko siya susukuan . Hinding-hindi ! Tahimik lang kami ni Sana habang kinakausap ni Dahyun yung Lola . Nagulat kami dahil bumili ng 3 magkakapare-parehong bracelet si Dubu at para daw saming tatlo yun.
![](https://img.wattpad.com/cover/68278635-288-k74038.jpg)
YOU ARE READING
Who Owns Kim Dahyun's Heart (DahyunxTwice)
FanfictionAnong mangyayari kapag nalaman mong may gusto sayo ang co-members mo sa Group niyo ? Si Kim Dahyun na member ng Rookie Kpop Girl Group na TWICE under JYP Entertainment. Anong mangyayari kapag pinag-agawan siya ng mga co-members niya? Sa huli , Sino...