Chapter 14 - What To Do ???

1.1K 45 15
                                    



TZUYU'S POV :



Hindi ko naman talaga akalain na mangyayari ang nangyaring gulo kaninang umaga. Nakakita ako ng aso sa seaside kaya naman naisipan kong kumustahin at alagaan kahit na sandali lang. Mahilig kasi ako sa mga Aso eh . Ang cute kasi nila . Alam ko namang may trauma si Dubu Unnie sa aso . Alam ko rin na makakasama ang ilapit ang Aso sa kanya kaya naman pumunta ko sa isang tabi sa di kalayuan para kahit papaano may malayo ako kay Dubu Unnie . Kaso , Biglang sumulpot si Dahyun Unnie at nagulat siya sa Aso . Tinalunan kasi siya ng Aso na kasama ko . Mukhang gusto siya nung Aso . Kumekembot kembot pa yung aso at winawagayway pa ang buntot . Nagulat na lang ako nang magsisigaw na si Dubu Unnie.

Ang bilis ng pangyayari eh , Nagpanic na siya at umiyak . Buti na lang at nagtatakbo agad si Jungyeon Unnie at inutusan akong Ilayo ang Aso . Nagtatakbo ko dala ang di kalakihang aso sa di kalayuan nang sumunod si Chaeng sakin . First time ko siyang makita na ganun kaseryoso. Nagawa niya kong sigawan dahil sa nangyari. Naiintindihan ko naman siya eh. Kahit ako naiinis sa nagawa ko. Nagkamali ako . Ganun talaga niya kamahal si Dubu Unnie. Kaya nga nagdadalawang isip ako na umamin ng feelings kay Dubu Unnie eh . Hindi ko deserve ang ang pagmamahal niya. Muntikan ko na nga siyang mapahamak eh.

Si Chaeng , Alam kong gagawin niya lahat for Dubu Unnie. Medyo nakakatakot si Chaeng nung kausapin niya ko kanina . Nagwalkout siya pero sinundan ko siya . Nakakatakot kaya sa labas nang mag-isa baka may Sasaeng Fans at baka saan pa ko mapunta.

Ang layo talaga ng nilakad namin bago pa kami sumakay ng kung ano-anong sasakyan. Ewan ko kay Chaeng , Pinaglalaruan ako. Palibhasa kabisado niya ang Jeju kaya naman pa-easy easy siya eh ako hindi pa kaya no choice kundi sundan siya.

"Unnie ! Wag mo naman akong iwanan oh ! Hintayin mo naman ako ~ Unnie ~ Chaeng ! Sandali lang !" Sigaw ko sa kanya nang makarating na kami sa Seoul.

Naglakad na lang kasi siya nang dumating sa Seoul , Ako naman sunod nang sunod sa kanya pabalik sa dorm.

"SON CHAEYOUNG !!!" Sigaw ko sa kanya sabay takbo at sunod sa kanya.

"Ano bang problema mo ? Hinayaan na nga kitang sumabay sakin sa biyahe eh ! Wag ka na lang magsalita ! Saka , umagwat ka sakin sa paglalakad . Sige na" Sabi niya nang paseryoso sabay deretsyo lakad ulit.

"Si.....Sige Unnie , Pasensya na" Sabi ko.

She looked at me seriously . Napayuko naman ako dahil sa sobrang kahihiyan.

"Enough! Tumahimik ka na lang hanggang sa makarating tayo sa dorm" Sagot niya sakin.

"Pakiusap Unnie , Patawarin mo ko. Alam ko namang mahal na mahal  mo si Dubu Unnie eh" Sabi ko.

"Alam mo naman pala eh ! Saka , wala akong pakialam kung alam mo !" Galit na sabi niya sabay lakad ulit.

"Sorry talaga Unnie" Sabi ko.

"Palibhasa kasi wala kang pagmamahal sa kanya ! Kaya siguro nagawa mo 'yun" Sabi niya sakin.

"Nagkakamali ka Unnie ! I love Dahyun ~ I love her !" Sagot ko nang paseryoso. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magpakaseryoso .

Who Owns Kim Dahyun's Heart (DahyunxTwice)Where stories live. Discover now