Chapter 9 - Jealous

1.6K 50 11
                                    



NAYEON'S POV :



Nakakagulat naman si Dahyun . As in nagulat talaga ko sa kanya . Kadilim-dilim na , nagawa pang magsayaw dito sa likuran ng dorm . NakaPAJAMA pa tas may earphone pang suot . Siya pala yun ! Akala ko kung ano na ! Oh my God ! Nasaktan ko pa tuloy siya sa ulo . Nagbukol nga ata sa noo niya yung pagkakahampas ko eh . Buti na lang hindi malala ang tama niya sa nagawa ko.

Matapos gamutin ang sugat na natamo niya mula sakin , Napag-isipan ko na kung kakausapin ko na ba siya. Tahimik na ngayon ang atmosphere kaya naman sinimulan ko na kasi baka mawalan pa ko ng chance.

''Dahyun , May sasabihin ako sayo'' Sabi ko sa kanya. Agad naman siyang tumingin sakin.

''Ano yun Unnie ????'' Tanong niya sakin. Huminga ko nang malalim . This is it ! Sasabihin ko na sa kanya .

''I'm Sorry'' Seryoso kong sagot sa kanya.

''Unnie ~ Ayos lang 'yun , Di na naman masakit 'tong pagkakapalo mo sakin eh'' Sabi niya sakin.

''No Dahyun , Di yun ang ibig kong sabihin . I mean ..... Sorry sa mga actions ko sayo this past few weeks'' Sagot ko sa kanya.

''Ahh ~ Akala ko kasi yung sa sugat ko eh . Unnie , Wala kang dapat ipagpatawad sakin dahil wala kang kasalanan at wala kang ginawang masama sakin . Ako nga 'tong dapat na mag-Sorry sayo sa pagiging duwag at sinungaling ko'' Sagot niya sakin nang paseryoso.

''Pasensya ka na ah , Masyado kong nao-Over acting sayo . Masyado kitang pinaghihigpitan sa lahat ng bagay . Masyado kitang sinusungitan this past few days . Kasi naman , Ang childish mo tas bigla ka na lang magbabago . Siyempre , nag-aalala ko . Di ko naman mapipigilan ang sarili ko na magtampo dahil alam mong pinagkakatiwalaan kita nang sobra'' Sabi ko sa kanya.

''Tama Unnie , Kaya handa akong tumanggap nang anumang parusa para sa nagawa ko . Naisip ko nga na mabuti pang umalis na lang ako sa group eh'' Sabi niya sakin.

''Sira ka ba ?! Aiishh ! KIM DAHYUN ! Ano ba 'yang iniisip mo ?! Wag na wag kang magkakamaling iwanan kami ! Ayan ka na naman , Hindi matatapos ang problema kung aalis ka lang . Mas lalala pa dahil malulungkot kami sa pagkawala mo . Kurutin kita diyan eh . Dumadali ka na naman'' Sabi niya sakin sabay akmang kukurutin ako.

''Sinasabi ko lang naman ang totoo Unnie eh'' Sabi niya sakin sabay kamot sa ulo.

''Listen to me KIM DAHYUN , Ako na mismo ang nagsasabi sayong hindi ka aalis ! Hindi ! Mananatili ka samin ! Naiintindihan mo ?! Kaya nga nandito ko sa tabi mo ngayon para makipag-ayos sayo . Gumagawa na ko nang paraan para maayos na 'to . Saka , Napatawad na kita'' Sabi ko sa kanya.

''Salamat Unnie pero kailangan ko ng kaparusahan . Nagi-guilty ako dahil ang bait niyo padin kahit na nagawan ko kayo ng kasalanan'' Sabi niya sakin.

''Lumapit ka nga dito Dahyun'' Sabi ko sa kanya sabay upo sa damuhan kaya naman tumabi na siya sakin . Nang tumabi siya sakin ay agad ko siyang niyakap nang mahigpit .

''Dahyunie , Don't leave ~ Be Strong , Nandito lang ako para sayo . Ipinapangako kong aalagaan pa kita nang mas maigi'' Bulong ko sa kanya.

''Unnie , Thanks for everything . Thanks for being here for me' .Thanks for accepting my apology'' Bulong din niya sakin.

''Don't Worry Dahyunie , Everything's okay now . We'll be fine . Magtiwala ka lang sakin , Kaya natin 'to . Saka , Malakas ka sakin eh . Mahal ka namin , MAHAL KITA'' Bulong ko sa kanya sabay smile.

Who Owns Kim Dahyun's Heart (DahyunxTwice)Where stories live. Discover now