SANA'S POV :
Inaamin ko na nagseselos ako sa mga nakakasamang members ni Dahyun nitong mga nakaraang araw lalo na nung nasa isla kami . Nahalata ko yung biglaang closeness pa lalo nila ni Tzuyu . Bakit hindi na lang ako , Dahyun ? Akala ko ba ako ang Squirrel niya at siya ang Dubu ko ? I wish that it could be like that ? Why can't it be like that ?
Tapos nakipagharutan pa si Dahyun kay Jungyeon Unnie , nakakapagselos kaya ! Saka yung paglalambing niya ngayon kay Tzuyu . Yung desisyon niyang wag paalisin si Tzuyu sa tabi niya noong lasing siya . Yung moments nila ni Mina . Yung pagka-komportable niya kay Momo Unnie . Hindi na ba talaga ako ? Meron na ba talagang pumalit sakin ? Ganun-ganun na lang ?
Sa ngayon , nandito na kami sa dorm . Kanya-kanya na namang trip ang lahat . Si Jungyeon Unnie nasa kwarto , pinagtataguan siguro si Dahyun dahil nga inaasar siya ni Dahyun ngayon . Si Momo at Nayeon Unnie naman nasa kusina at kumakain . Si Mina naman tahimik dun sa Living Room at nagsa-soundtrip . Si Chaeng nagdodrawing na naman . Si Jihyo nagluluto ng pagkain sa kusina . Si Tzuyu nagbabasa ng libro sa Living Room . Si Dahyun naman kalalabas lang ng kwarto nila .
Hindi ko na palalagpasin ang pagkakataong 'to na lambingin siya . Baka sakaling bumalik yung dating paglalambing niya sakin noon na di niya ginagawa sa iba.
''Dubu ko~'' Sabi ko sa kanya in a cute tone sabay backhugged sa kanya . Natigilan siya .
''Oh , Unnie'' Sambit niya sakin . Idinantay ko ang mukha ko sa balikat niya habang naka-backhugged sa kanya .
''Gusto mong magala ?" Tanong ko sa kanya.
''Mianhae Unnie , May kailangan pa kasi akong gawin eh . Iba na lang ang yakagin mo . Sige , Mauna na muna ko'' Sabi niya sakin sabay kalas sa yakap ko.
Iniwanan na niya kong nakatayo dito . Parang sinaksak yung puso ko sa ginawa niya. Bakit ganun ? Nasaan na yung Dahyun na sakin lang lumalambing nang sobra ? Nagbago ka na ba talaga Kim Dahyun ? Natigilan ako at napayuko na lamang dahil sa sobrang lungkot.
Miss ko na yung Dahyun na sakin lang nakatingin. Yung Dahyun na sakin lang lumalambing . Hindi na ba talaga pwedeng ibalik yung panahong 'yun ? Siguro kasalanan ko , masyado kong nagpaka-kampante na sakin lang siya . Naging pabaya ako kaya lumayo siya .
Lumakad ako at sinundan yung direksyong pinuntahan niya . Natigilan na lang ako nang makita siyang umupo sa tabi ni Tzuyu. Nakibasa din siya sa librong binabasa ni Tzuyu . Pinagmasdan ko silang dalawa . Kakaiba yung tinginan nila sa isa't isa . Siya ba yung pumalit sakin sa puso ni Dahyun ? Si TZUYU na ba talaga ? Wala na ba talaga kong laban ? Baka , normal lang yan kay Dahyun . Tama , Baka sadyang gusto niya lang makibasa sa libro ni Tzuyu . Tama , Walang meaning yung ginagawa niya ngayon .
Hindi dapat ako nag-iisip ng kung ano-ano . Tuloy ang laban at walang susuko . Kakayanin ko 'to . Titiisin ko , Hanggang sa huli ipaglalaban ko ang pagmamahal ko sa kanya . Hindi ako susuko. Nagkatinginan kami ni Mina na siyang nasa tabi nila Dahyun . Biglang tumayo si Mina at umalis na sa tabi nila . Pumasok siya sa kwarto namin. Siguro nasasaktan din siya TT____TT . Kaya ko 'to ! Nilakasan ko ang kalooban ko at naupo sa Sofa sa Living Room . Nagcellphone na lang ako habang patuloy sa pagbabasa sila Dahyun at Tzuyu . Kaya ko 'tong tiisin ! Malakas ako ! Hindi ako basta-basta papatalo sa selos !
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
![](https://img.wattpad.com/cover/68278635-288-k74038.jpg)
YOU ARE READING
Who Owns Kim Dahyun's Heart (DahyunxTwice)
FanfictionAnong mangyayari kapag nalaman mong may gusto sayo ang co-members mo sa Group niyo ? Si Kim Dahyun na member ng Rookie Kpop Girl Group na TWICE under JYP Entertainment. Anong mangyayari kapag pinag-agawan siya ng mga co-members niya? Sa huli , Sino...