Chapter 57 - Losing My Mind

999 32 19
                                    


DAHYUN'S POV :

Grabe na 'tong mga nangyayari. Nakakaloka ! Bakit ba kasi natukso pa kong makipag-inuman kay Mina Unnie ?! Dapat talaga di ako nag-give up kagabi na pigilan siya kaso ang nangyari ay naki-join pa ko sa kanya. LOL ! Ang Pasaway ko din eh !

Ngayon , Heto ko ! Halos mabaliw na sa mga nangyayari lalo na nung halikan ako ni Mina Unnie ! Jusko , Kinabahan ako dun ! Buti walang ibang nakakita . Buti na lang talaga dahil baka malagot ako !

No choice ako nung nakiusap siya na hayaan ko siyang lumaban para sakin. Kainis lang eh ! Ano 'to ?! Unti-Unti silang na-inlove sakin ?! Ang haba naman ng hair ko. Na-inlove yata sila sa Highlights ng buhok ko TT___TT

Akala ko di naaalala ni Mina Unnie yung kiss kagabi , Naalala pala niya ! Kasora lang ~ Todo iwas na nga ko eh ! Bakit ganun ?! Wala na kong maalala sa mga sumunod na nangyari. Niyakap ako ni Mina Unnie. Alam kong sumaya siya . Natutuwa ako dahil sumaya siya.

Agad ko nang iniwanan si Mina Unnie at naglakad-lakad na para hanapin si Tzuyu dahil di ko siya makita nang mapansin kong nag-iba yung suot kong damit. Ayyy ! Sandali ! Bakit nga ba hinahanap ko si Tzuyu ?! Nevermind na nga lang !

"What the ..... Bakit iba na 'tong damit ko?!" Tanong ko sa sarili ko.

"Dahyun , Bakit di mo tanungin kay Tzuyu ?" Nakangising tanong ni Jungyeon Unnie.

"Unnie , Bakit naman kay Tzuyu ako magtatanong eh alam mo naman sigurong sinabihan ko siyang bigyan ako ng space" Sagot ko sa kanya.

Hello ~ Haha ! Sira Ulo talaga si Jungyeon Unnie ! Bakit naman ako kay Tzuyu magtatanong ?! May SPACE kami sa isat-isa ngayon !

"Dahyun , Mukhang wala ka parin talagang naaalala sa mga huling pangyayari kagabi noh . Nasabi mo na kaya kay Tzuyu kagabi na di mo na kailangan ng space" Sabi niya sakin nang nakangiti.

"Unnie ! Sira Ulo ka talaga . Wag mo nga kong biruin ng ganyan

"Sabi ko sa kanya sabay kamot sa ulo.

"Dahyun , Totoo ang sinasabi ko . Actually , Si Tzuyu ang magdamag mong kasama sa tent . Saka , Ayaw mo ngang lumayo kay Tzuyu kagabi eh ! May nalalaman ka pang TZUYU , DON'T LEAVE ME~" Pang-aasar ni Jungyeon Unnie.

"Baliw ka Unnie ! Bakit ko naman gagawin 'yun ?!" Tanong ko sa kanya sabay irap.

"Tsk ! Totoo ang sinasabi ko noh ! May pruweba ako sa phone ko dahil pinicturan ko kayo kanina nang tulog kayo ! Haha ! Ang sweet niyo nga eh" Sabi ni Jungyeon Unnie sakin sabay tawa.

"Huh ?! Ewan sayo Unnie ! Bahala ka diyan !" Sabi ko sabay akmang aalis kaso humarang si Jungyeon Unnie sa harapan ko sabay pakita ng phone niya.

Tiningnan ko yung phone niya at nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

"Oh My God ! Totoo nga ! Aiishh ! Hindi !" Sabi ko sabay hawak sa ulo ko.

"Haha , Sabi ki sayo eh . Ang sweet niyo noh" Sabi ni Jungyeon Unnie sabay tawa.

"So it means na siya ang nagpalit ng damit ko ?!" Tanong ko.

Napatango sakin si Jungyeon Unnie nang naka-grin pa . Langya talaga oh ! May ganun palang nangyari kagabi ! Baka kung ano-anong ginawa ko !

Who Owns Kim Dahyun's Heart (DahyunxTwice)Where stories live. Discover now