Ang Alaga

3K 106 2
                                    


Nasa  loob ng  kwarto si Intoy at pinipilit na hindi mapakingan ang awayan ng kanyang mga magulang, kaya naman binuksan niya ang radyo at sinubukang makinig ng mga makalumang awitin, subalit wala paring tatalo sa lakas ng boses ng mama niya. 

"Wala na nga tayong pera! Bumili ka pa ng halimaw na ganyan?!" Galit na sigaw ni marisa 

"Hindi halimaw yan marisa! Swerte yan! Swerte!" Depensa ni Ramon 

"Swerte?! Eh kung alam mo lang, sinugod kami kanina ni aling pepay! Galit na galit! Halos lunukin ko na nga ang paninindigan ko bigyan niya lang tayo ng palugit tapos yung tira nating pera ipangbibili mo lang ng hayop na sigben na yan?! Ramon naman!!" Halos nangingilid na ang luha ni aling marisa dahil sa sobrang galit. 

"Makinig ka kasi sa akin?!---" naputol ang pagsasalita ni ramon dahil muling nag-salita si marisa. 

"Makinig?! Ikaw ang makinig sa akin ramon! Wala ka nang permaneteng trabaho! At halos wala ka nang mapakain sa anak mo! Yun ang isipin mo!" 

"Tsk! Marisa!! makinig ka muna sa akin!! Yang sigben na yan ay kayang makapag-bigay ng swerte sa mga nagiging may-ari nito! At malay mo swertihin tayo!" Napailing nalang si marisa sa kanyang narinig

"Hindi ka sigurado Ramon?! Bakit kaylangan mong sumugal?! Kapag yang halimaw na yan ay nakawala, pwede niyan tayong saktan, pwede rin niyan tayong patayin" Nagulat si intoy sa narinig, madaming salita ang nagpaikot ikot sa utak niya. 

"May halimaw sa bahay namin? Pero..... Lucky charm daw yon sabi ni papa?.... Ang Gulo!" Bulong ni intoy sa sarili niya pero naputol ang pagmumuni muni niya ng marinig niya ang napakalakas na sigaw ng sikmura niya. 

"Ano yun? Tiyan ko ba yon?" Tanong ni intoy sa sarili niya kaya kahit nag aaway ang magulang niya ay lumabas siya ng kwarto at nag-lakas loob na mag-tanong kong may ulam na ba sila. 

"Oo ramon!----" 

"Marisa kasi----"

"Ma? Pa? May ulam na ba tayo?"Sandaling natigil ang mag asawa sa pag aaway, at mabilis na lumapit si ramon sa anak.

"Oo anak, meron na tayong ulam... Bumili si papa, tara kain na tayo" 

"Nagutom na kasi ako pa e" reklamo ni intoy habang nakahawak sa tiyan niya

"Ganon ba tara na?" Dinala ni ramon ang anak sa kusina at tiningnan ang asawa habang naglalakad, "mag-uusap tayo mamaya" buka ng bibig ni ramon sa asawa. 

Habang kumakain sila ng pananghalian, hindi maalis ang tingin ni intoy duon sa banga na nilagay ng ama niya sa loob ng kwarto nila mag asawa. Habang ngumunguya si intoy ng ulam ay hindi niya napigilan ang sarili ang itanong ang tungkol sa sigben. 

"Pa?...." mahinang sabi ni Intoy "Bakit anak?" 

"Pa, kanina kasi e... narinig ko kayo ni mama, pinag-uusapan niyo yung tungkol duon sa banga.... um, ano po yung sigben pa?" Bago muna sumagot si ramon ay nagkatitigan muna sila mag-asawa.

Tiningnan ng masama ni marisa ang asawa at sinesenyasan ito na ayusin ang magiging sagot  bago sagutin ang anak. 

"Ah, anak... yung sigben, isang uri ng engkanto na may kakaibang itsura,kahit malapitan hindi matutukoy kung ano ba talaga ang itsura niya, mukha kasi siyang tupa, mukhang aso, mukhang kambing o di kaya mukhang daga, singliit niya lang ang mga tuta pero napakabilis nilang gumalaw, hindi sila naglalakad paharap, ang lakad nila ay patalikod.... at kapag nagmay ari ka ng maraming uri ng sigben, sweswertihin ka.. at baka yumaman ka....----" naputol ang pagsasalita ni Ramon ng sumingit si marisa."Pwede ba ramon, huwag mo nang bilugin ang ulo ng anak mo... Intoy, tatandaan mo...huwag na huwag mong paglalaruan yung banga na yun, kasi kapag nabasag mo yun pwede yang makatakas at baka makapatay yan, hindi pa naman madaling makita yung mga sigben dahil nag i-invisible ito" 

"Invisible?" Tanong ulit ni intoy na nawindang sa nalaman "Oo anak, kaya wag na wag kang lalapit sa banga ah" babala ni marisa sa anak

"Opo mama" Pagkatapos nang usapan na iyon ay naging tahimik na ang kainan nila. 

Hapon, halip na matulog ang mga bata, minamabuti nalang nila na tumakas kapag alam nilang mahimbing nang natutulog ang mga magulang nila. At yun ay matagumpay na nagawa ni intoy, dahan dahan siyang lumalayo papunta sa bahay nila at nagtungo sa kalsada, papunta sa kaibigan niyang nag aabang sa kanya sa dulo nito. "Bakit ngayon ka lang intoy?" Tanong ni makmak, kababata niya."Eh ngayon lang naka tulog si mama e" sagot ni intoy"Ganun ba? Mabuti na rin at nakalabas ka, halika na, kanina ka pa hinihintay nila inday!" 

"Tara!"  at nag-simula ng mag-laro ang mga bata sa ilalim ng araw.... walang kaide-ideya ang mga magulang nilang mahimbing na natutulog. 

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Where stories live. Discover now