Si Kaza

1.9K 70 2
                                    

"INTOY, SA LUGAR na ito... dito naninirahan ng mapayapa ang mga lambana at ang mga kapre" paliwanag ni professor David kay Intoy ng mapadaan sila sa lugar ng mga lambana.

Naipakita na rin ni Professor David kay Intoy ang kastilyo ng mga duwende at ang tirahan ng mga wakwak, aswang, at mga tikbalang. Walang wala ang enchanted kingdom sa gara at ganda ng mga lugar na nakita ni Intoy. Halos hindi na nga siya nagsasalita para lamang masulit ang mala paraisong lugar na kanyang nakikita.

Makalipas ang maghapon na paglilibot ay naisipan muna ni professor David na ipasilip kay intoy ang kanyang munting tahanan na nasa likod ng malaking paaralan.

Ang tirahan ni professor David ay nasa gitna ng kagubatan, kaya kapag hindi mo kabisado ang lugar ay siguradong maliligaw ka.

Ipinarada muna ni professor david ay kanyang kalesa sa labas ng kagubatan at pinasunod si intoy. Habang naglalakad sila ay mayroong nakitang kakaibang nilalang si intoy, mga ibong may tatlong ulo, meron ding mistulang kambing na may maliliit na pakpak. Hindi napansin ni Intoy na nasa bahay na pala sila ni Professor David "Bata nandito na tayo!"
Napansin ni Intoy na gawa ang tahanan ni Professor david sa puno, mga balat ng puno at pati na rin ang mga sanga nito. Napansin rin niya na medyo tahimik sa bahay na yon. Kaya tinanong ni Intoy kung may kasama ba siya dito

"Oo may kasama ako, ipakikilala kita kay kaza, asawa ko... tyaka sayang! Hindi mo makikilala yung anak kong babae, si zonia! Nasa bayan kasi ng borboran, may inaasikaso, tara pasok na tayo"

Nauna si Professor david sa paglalakad at binuksan na ang pinto. "Ma?" Tawag ni Prof sa asawa niya. "Maaaa?"

Sumunod na pumasok si intoy, medyo nakaramdam siya ng takot sa loob dahil sa mga kakaiba nilang disenyo sa loob. "Baka nasa taas yung asawa ko, diyan ka lang muna intoy ah, silipin ko lang yung asawa ko!"

Tumango ang bata bilang pagsang-ayon, sinubukan ni intoy magmasid. Hindi niya alam, sa likuran niya may isang matabang babaeng sobrang puti ang unti-unting lumalabas sa paahan ng mesa.

Hindi parin nararamdam ni intoy na may kakaibang nilalang ang nasa likuran niya. Hinawakan ni Intoy ang isang picture subalit napabitaw siya ng maramdaman niyang may humawak sa braso niya.

"Ahhhhhhh!!!!" Napabalikwas si intoy sa sobrang takot at kaba, agad namang napababa si Professor david dahil sa sigaw na narinig sa baba

"Halimaaaaawwww!!" Napa-upo si intoy dahil sa takot, sa unang pagkakataon ay nakakita siya ng isang uring engkantong katulad non.

"Intoy! Intoy! Intoy! Kalma! Kalma!" Mabilis na sabi ni Professor david sa natatakot na si intoy

"Mahal, sino ba siya?" Sabi nung matabang babae

"Huwag kang matakot, siya ang asawa ko, siya si Kaza" pagpapaliwanag nito.

Halatang medyo nawala ang takot ni intoy sa sinabi nito pero sino ba naman kasi ang hindi mamatakot kapag nakakita ka ng isang uri ng engkantong katulad non.

"Grabe mahal! Tinawag niya akong halimaw! Ang sakit sakit! huhuhu" pagdra-drama ni Kaza

"Mahal hindi ka halimaw, ang ganda ganda mo kaya" sabi ni prof sa asawa
"Eh bakit siya napasigaw? Kung nagandahan siya?"

"Hindi ba pwedeng napasigaw dahil sa inyong natatanging kagandahan?" Pambobola nito sa asawa, napahampas si kaza sa braso ng asawa "nakakatawa ka talaga! Hihihi"

"Atlis gwapo! Hahahaha"

"Nga pala, sino yang batang kasama mo?----- Sandali! Huwag mong sabihin sa akin na anak mo siya labas? Anak mo siya sa labas! May kalaguyo ka! Niloloko mo ko! Wala kang hiya!!!" Oey na sigaw ni kaza

"Kaza huwag ka ngang oey! Wala akong kalaguyo! Okey! Yamg bata na yan! Siya! Siya ang bagong tagapagtangol!" Sabi ni Professor david na may diin sa mga huling salita nito.

"Huh?! Talaga? Eh bakit bata?"

"Hindi ko alam, pero siya ang tinakda, siya yung batang halos siyam na taon ko nang hinahanap!"

Sa sobrang tuwa ni Kaza ay nilapitan niya si intoy at hinawakan ang magkabilang braso nito,lumuhod din siya para magkatamaan ang kanilang mga mukha

"Wow! Anong uri  engkanto ang mayroon ka?"

"Sa-Santelmo po"

"Santelmo?! Wow! Apoy!"

"Pero mahal, yang batang iyan ay wala pang nalalaman sa kapangyarihan niya! sa totoo nga e, kakarating niya lang dito sa mundo natin, kaya wag kang magtataka kung natakot man siya sayo"

"Ganon ba? Ayos na yon! Bawi na yon sa akin! Paghahandaan ko kayo ah!" Umupo muna si Professor sa Upuan nilang mahaba at  naghanda naman ni kaza ng makakain nila. Habang naghahanda sila ay hindi napigilan ni intoy ang magtanong. "Eh--- Ano po pala ba ang ibig sabihin ng Batibat?" Napangiti si Kaza sa narinig, siya ang sumagot sa tanong ni Intoy.

"Ang mga Batibat, na katulad namin ng asawa ko ay isang uri ng engkanto kung saan naninirahan sa mga katawan ng mga puno, lalo na sa puno ng saging, nagiging nakakatakot lang at masama kami kapag ang isang tao ay nag tangkang sirain ang tirahan namin, kapag ang tirahan namin ay ginamit sa ano mang parte ng inyong tahanan, sa oras na sasapit ng iyong pagtulog kami ay lalabas, at tapos dadaganan namin ang biktima hangang sa tuluyan na itong mawalan ng hininga at mamatay"

Sumingit bigla si Professor david
"Salamat talaga sa mga tagapagtangol, kasi kung di dahil sa kanila nagkaroon ng kapayapaan ang buong lahi ng mga engkanto, walang namamatay, walang dapat mamatay"

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Where stories live. Discover now