Sagupaan

710 39 2
                                    


Halos patapos na ang laban ng lahat, at iilan na lamang ang nanatiling nakaligtas, duon mo din malalaman na malapit ng matapos ang unang parte ng laban.

Sa bungad na parte ng Gubat ng kamatayan, matatanaw ang isang batang nakatago sa ibabaw ng dahon ng puno ng akasya at pinagmamatyagan ang mga kalaban sa kanyang kapaligiran.

Si Ramuel.

Halatang wala pa itong natatamong galos o di kaya sugat sa buong parte ng kaniyang katawan. Mukhang naisip ni ramuel na magtago na lamang upang makaligtas sa labanan.

"Kaylangan ko na lang masiguro na walang makakakita sa akin dito upang tumagal ako sa labang ito"

Maya-maya pa ay nakakita siya ng isang lalakeng naglalakad sa kagubatan. Napakunot ang nuo niya ng makitang parang wala itong galos o sugat na natamo. Mas lalo siyang nagulat ng magtama ang tingin nila dahilan upang lalong itago niya ang sarili niya.

Halatang nabalisa si Ramuel sa pagtama ng tingin nila ng lalakeng nasa ibaba dahil siguradong sigurado siya na suntok nalang sa buwan na mapansin siya, kaya hindi na siya mapalagay kung ligtas pa ba siya sa tinataguan niya. Pero napahinga naman siya ng maluwag ng umalis nalang ang lalake at nagtungo sa ibang parte ng kagubatan.

"Hay Salamat akala ko ay makiki--" Hindi na nagawang tapusin ni Ramuel ang sasabihin niya ng may nagsalita sa tabi niya.

"Ang husay ng pagkakapili mo sa taguan mong ito! Hindi ko akalain na may makaka-isip na mag-tago dito"

Agad na-alarma si Ramuel at agad ibinuka ang pakpak at lumipad palayo sa lalake.

"Hindi ako kalaban... isa rin akong manlalaro, ako pala si Makaryo" tugon nito sabay yuko na simbolo ng pagbibigay-galang.

Nakunot muli ang nuo ni Ramuel sa ginawa ni makaryo, pakiramdam pa rin niya ay delikado ang nilalang na iyon. "Pano mo nalaman ang tinataguan ko?!" Sigaw nalang nito.

Ngumiti si makaryo bago sumagot. "Dahil sa bato" Nambilog ang mata ni ramuel at mukhang hindi makapaniwala sa narinig, parang nabunyag sa harap ng madla ang tinatago-tago niyang lihim.

"H-hindi ko alam ang ibig mong sabihin!" Pagkakaila ni Ramuel at mukhang nagagalit na. Hindi naman nasindak si Makaryo at mukhang natatawa pa. "Malakas ang pang-amoy ko bata. Kaya hindi mo na sa akin yan maitatago pa" Inilabas ni Makaryo ang kanyang mahabang dila kaya nagmukha lalo siyang nakakawindang.

Nabura ang matapang na itsura ni Ramuel at napalitan ng pangangamba. Agad siyang umiwas ng tingin at akmang aalis na parang hindi narinig ang sinabi ni makaryo.

"Ang Pulang bato ng mga lahing mananangal.... isang espesyal na bato na nagbibigay ng matinding kapangyarihan sa lumulunok nito" biglang nanigas sa pagkakalipad ang batang si Ramuel, hindi niya lubos akalain na may makaka-alam sa bagay na sinisikreto niya.

"Sino ba ang lalakeng ito at mukhang alam na alam niya ang tungkol sa pulang bato na nasa katawan ko? Imposible na malaman ng kung sino man ang tungkol sa bagay na ito! Napaka-imposible"

"Hindi ko alam ang tungkol sa bagay na pinagsasabi mo kaya---" Hindi na naitapos pa ni Ramuel ang sasbihin niya ng may isang palasong umasinta sa kanya. Mabuti nalamang ay agad nakalundag si makaryo at naitulak siya upang maka-iwas. Agad silang bumagsak sa lupa at mabilis ding tumayo.

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant