Pagsasanay

1.4K 60 0
                                    

SA MAHIGIT ISANG linggo na pag-aaral ni Intoy sa pagpapalabas ng apoy sa kanyang palad ay kahit papaano, nagawa niya na na makalikha ng maliit na apoy sa kanyang daliri (katulad ng apoy sa lighter) Naputol ang kanyang pagtra-training ng magsalita si professor david sa likuran niya. "Hindi mo maililigtas ang buong lahi ng mga engkanto kung ga-ganyan ganyan lamang ang magagawa mo" sabi nito.

Nilingon ni Intoy si Professor.
"Ugh! Prof naman eh! Pinutol mo yung pagsasanay ko e!!" Oey na sabi ni Intoy.

"Hahahaha, pasensiya na... nakakatuwa ka kasing panuorin eh!" Sagot ng propesor.

"Hay, ang hirap hirap naman po pala nitong ginagawa ko, akala ko nung una ay napaka-simple lang... subalit kapag ikaw na pala ang nasa sitwasyon ay sobra para talagang mahirap" Sabi ni Intoy na nakabagsak ang balikat.

"Bata, kaya naging magirap ang pag-kontrol mo sa kapangyarihan mo ay dahil hindi ka naman lumaki na yan na ang ginagamit mo, lumaki ka kasi sa mundo ng mga tao, At hindi mo napag-aralan ang pag-usbong ng kakayahan mo... pasinin mo ang mga batang kaidaran mo, Si laura. Kita mo naman di ba? Parang bihasang bihasa na siya sa pagiging aswang niya, pano bata lang siya ay ginagamit niya na ang kakayahan niya... kaya ikaw intoy, huwag kang magmamadali... Lahat ng bagay ay pinag-hihirapan, huwag ka lang basta tatanim ng tatanim, ang itatanim mo ay puno ng acasia"  medyo nalito si intoy sa mga huling sinabi ng propesor "ano po? Magtatanim ako ng halaman? Huh?!" Napangiti ang propesor.

"Bata, maiitindihan mo rin ako sa tamang panahon, ituloy muna ang pagsasanay mo"

Umupo ang propesor sa isang upuan na medyo malayo kay Intoy at pinanuod ang pagsasanay nito.

******

Samantala... Sumama si Intoy kay professor david sa training area sa labas ng eskwelahan at nakita niya duon na nagsasanay si torlax, kinabahan muli si intoy at naalala yung ginawa sa kanya nito.

Pumwesto sila ni professor david sa isang bakanteng upuan.

"Kaibigan!" Bati ni heneral tunying

"Kamusta ang pagsasanay?" Tanong ni David.

"Eto! Pagaling ng pagaling, hindi talaga ako nagkamali sa apprentiece na pinili ko, karapat dapat talaga siya!" Sabi ni tunying sabay turo kay torlax.

"Kamusta na pala itong alaga mo?" Balik na tanong nito kay david.

"Eto, kasalungat, pero kahit papaano... nakakalikha na siya ng apoy... maliit nga lang" sabi nito, bakas sa mukha ni intoy ang pagkahiya, kaya naman inakbayan siya ni david

"Ayos lang yan intoy! Ang mahalaga, ay nagsusumikap ka.. katulad niya" turo muli nito kay torlax "panuorin mo siya!"

Tinuro ni David si torlax na naghahanda na sa kanyang gagawin. Nakahanda na rin ang mga kasama niya sa pagtra-training.

Nakita niya si torlax na may suot suot na piring, nakatali sa likod niya ang dalawa niyang kamay. Pinanuod ni intoy si torlax na magsimula sa pagsasanay.

Mabilis na tumakbo si torlax sa mga nag-aabang na kalaban, mabilis na tumalon sa ere si torlax at mabilis na iniwasan ang mga kalabang tikbalang na sumisipa sa kanya, sa totoo nga lang ay di hamak na mas matatanda ang kalaban ni torlax dahil sa edad niyang sampu, bibihira lang na ipalaban ito sa mga opisyal nang mga guwardiya.

Sinipa ni torlax yung isang tikbalang sa likuran niya na mistulang sisipain sana siya at mabilis siyang tumakbo para masalagan ang mga atake na nadadama niya. Naramdan niya na mabilis na sumugod ang mga kalaban niya, nakapwesto ang mga ito na palibot sa kanya, kaya naman ng maramdaman niyang matra-trap na siya ay tumalon siya at sumipa ng napakalas sa ere habang umiikot, tinamaan ang mga kalaban niya at mabilis na napatumba, hindi pa natapos si torlax na lumaban kaya isa-isa niyang sinipa ang mga kalaban na ikinagulat nila heneral tunying, Professor David at lalo na si Intoy.

Malakas na ikinalas ni Torlax ang tali sa likuran niya at itinangal na ang piring.

Ngumiti si torlax kay intoy na mala demonyo. Kinilabutan si Intoy sa nakita.

"Diba? Ang galing niya?!" Sabi ni tunying

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Where stories live. Discover now