Ramuel laban kay Karlo

495 20 0
                                    

"Ang ikalawang laban ay magsisimula na!!!"

Agad ibinuka ni Ramuel ang kanyang pakpak at lumipad sa ere, Nagulat sila Intoy ng makita na hindi nahati ang katawan ni ramuel sa dalawa

"akala ko ba... isa siyang manangal?" Bulong nito sa sarili niya.

Agad naman na inilabas ni Karlo ang dalawang espada niya. "Tikman mo ang tulis ng espeda mula sa bayan ng perla!" Agad na sumugod si Karlo at agad lumundag, iwinasiwas niya ang dalawang espada niya patungo kay Ramuel.

Mabilis naman siyang kumilos upang maiwasan ang atakeng iyon subalik laking gulat niya ng biglang pumutok na mistulang bula ang katawan ni karlo at bigla itong sumulpot mula sa likuran niya.

"Tumingon ka mula sa likod mo!" Itutuhog na sana yung dalawang espada ng... "Sabihin mo yan sa sarili mo!" Nabigla ang lahat ng biglang nagpalit ang posisyon nilang dalawa dahilan para si ramuel ang makagawa ng atake at tinusok ang mahabang kuko mula sa likod ni karlo.

"Graaaaaaaaa!!!" Wika ni Karlo at agad napabagsak sa lupa.

Hindi makapaniwala ang lahat sa kanilang nasaksihan. "S-Si Ramuel ba talaga yon?" Wika ni Laura

Hindi pa nakakatayo si Karlo ng biglang bumulusok paibaba si ramuel at agad hinablot ang dalawang espada niya. Agad niya itong pinaikot ikot at malakas na pinagbabato sa kinapwepwestuhan ni karlo. Mabuti nalamang na ito ay nakaiwas.

"Ayusin mo karlo!" Giit ni Lily

"Tch! Chamba!" Wika ni karlo. Muli niyang kinuha ang dalawang espada niya at kasabay nito, nagpalabas siya ng tubig mula mismo sa espada niya at ang tubig na iyon ay paikot ikot na pumalibot sa espada niya.

"Ano yan? Borloloy?" Pang-aasar na tanong ni Ramuel, halos magdikit ang kilay ni karlo sa narinig. "Tch?! Tikman mo to!" iwinasiwas ni karlo ang kanyang espada sa ere at ang tubig na nakapalibot dito ay biglang humaba at mabilis na pumunta sa kinaroroonan ni ramuel.

"Habulin mo ko!!!" Palipad lipad sa ere si ramuel habang pilit na humahabol ang mga tubig ni karlo, sobrang bilis ng kilos niya dahilan para hindi siya mahabol nito.

"Ano na! Akala ko ba magiging mabilis lang ang laban nato?!" Wika ni Ramuel dahilan para lalong maasar si Karlo

"Maghintay ka lang!" Mas lalong nilakasan ni Karlo ang pagwasiwas sa espada dahilan para lalong bumilis ang kilos ng tubig nito. Sa ikalawang pagkakataon, hindi na nagawa pa ni Ramuel na maka-iwas, pumulupot sa paa niya ang tubig ni karlo at hinatak siya paibaba

Agad na nagtungo si karlo sa kinabagsakan ni Ramuel at akmang isasaksak na ang dalawang espada nito. "Katapusan mo na!" bago pa maibaon ni karlo ang espada ay agad dumipensa si ramuel gamit ang pakpak niya, nagulat ang lahat dahil hindi man lang bumaon ang espada mula sa pakpak nito.

"Ano?! Paano?!!" Wika ni Karlo

"Mali ka ng kinalaban taga perla!" Agad lumipad pataas si ramuel at isinama niya si karlo sa ere. "Ano kaya ang pakiramdam ng taga tubig kung makaabot sila ng langit?!" Pang aasar ni ramuel

"Ibaba mo ko! Ibaba mo ko!!!!" Pilit na nagpupumiglas si Karlo subalit mariin siyang hinawakan ni ramuel

"O sige, sabi mo" Binitawan nga ni Ramuel si karlo kasabay nito ay ang hiyawan ng mga engkanto na hindi makapaniwala sa ginawa niya

"Saluin niyo siya! Mamatay siya!" Wika ni Artemyo

Pero kasabay ng kanilang pag-kurap, agad namang sinalo ni Ramuel ang muntik ng mahulog na si karlo

"Kawawa ka naman" Wika ni Ramuel habang pinagmamasdan ang nanginginig na si Karlo.

Hindi na nakakilos pa si karlo dahil sa ginawa ni ramuel sa kanya.

"Ano? Naging tuod ka na ba?" tanong ni Ramuel "Kasi kung hindi ka na gagalaw, patutumbahin nalang kita" Nakangiti niyang tugon.

Napailing naman si lily habang pinagmamasdan ang laban ng kapatid niya "Karlo kumilos ka!!!" Giit nito pero hindi na sumagot ito o gumalaw pa.

"Humiga ka na!" Isang simpleng sipa ang ginawa ni ramuel upang tuluyan ng tumumba ang katawan ni Karlo.

"Sa laban na ito, Si Ramuel na mula sa bayan ng Grodus! Ang nagwagi!"

Lahat ay nabigla at hindi makapaniwala sa naging laban, akala kasi nila ay isang simpleng mananangal lang si ramuel subalit meron pa pala itong kakaibang kapangyarihan na kayang gawin.

Agad nagtungo si Ramuel sa pasilyo na kinaroroonan ni Intoy.

"Napakahusay mo Ramuel! Hindi ko inakala na magaling ka palang makipag-laban!" iyang yakap ang sinalubong ni intoy mula sa kaibigan. "Salamat, hindi ko nga inakala na mananalo ako e" Wika nito.

"Sus! Halos wala ka ngang kakaba kaba sa laban niyo kanina e, napakabilis, at swabe, hindi kagaya sa laban ko"

"Swerte lang talaga ako na mahina ang naging kalaban ko"

"Hindi mahina ang kapatid ko!" Naputol ang pag-uusap nila ng pumagitna si lily sa kanila

"teka anong ginagawa mo dito? Pasilyo ito ng mga nanalo, nanalo ka ba?" Wika ni Ramuel.

"Napaka-taas ng tingin mo sa sarili mo ah! Kung iniisip mo na mahina ang kapatid ko, dun ka nagkakamali. Nagkataon lang na sa'yo naka-tuon ang kapalaran kaya nanalo ka!"

"Kaya nga, kapalaran na talaga ng kapatid mo na matalo kanina, kasi mahina siya"

"Tch, Kung gusto mo talagang makita ang tunay niyang kapangyarihan. Baka gusto mo pa ng ikalawang laban, sigurado... mahihirapan ka, dahil hindi lang talaga naipakita ng kapatid ko ang pinaka-paborito niyang espada"

"Tapos ka na?" Wika ni Ramuel

Napantig naman ang tenga ni Lily sa narinig. "Napakayabang mo!" Hindi rin nagtagal si lily at tuluyan na siyang umalis

"Woah, hindi ko lubos akalain na matapang ka din pala! Iba pala yung nagagawa ng odus battle exam, nagiging matapang yung mga bata, kagaya ko. Hahahaha"

"Siguro nga, hahahahaha"

"Pagbati sayo Ramuel" Napalingon si Ramuel mula sa pinangalingan ng boses.

"Salama----" Naputol ang pagsasalita niya ng titigan siya ni Professor David sa mata.

"Sa wakas, nakipagtitigan ka na din"

Mabilis na nabasa ni Professor David ang buong nakaraan ni Ramuel. Matagal niya na itong pinagsususpetsiyahan pero hindi lang siya makakuha ng tamang tiyempo upang matitigan ito sa mata. Pakiramdam kasi ni Professor David ay alagad si Ramuel ni Valu kaya habang binabasa niya ang utak nito, nakuha niya ang lahat ng impormasyong nais niyang makita.

Pero laking gulat ang bumulaga sa kanya ng makita ni David ang kakaibang nakaraan ni Ramuel.

Agad namang umalis si David at hindi pinahalata na nabasa nito ang nakaraan ni Ramuel gamit ang pagtitig lamang.

"Anong nangyari don? Bakit parang kakaiba yung kinilos niya?" Tanong ni Ramuel

"Hindi ko din alam eh" Wika ni Intoy.

Agad namang nagtungo si David sa isang tagong lugar at pilit iniisip ang nakita niya sa mata ni ramuel

"Ang batang iyon.... ang huling nakaligtas sa bayan ng grodus" Pero hindi lang iyon ang tanging rason kung bakit ganon nalang ang pagkagulat ni David

"Nasa kanya din ang isang agimat. Ang Sinumpang Ahas"

******

"Para sa susunod na maglalaban!" Wika ni Artemyo.

"Si lily na mula sa bayan ng perla at Ang Duwende na si Amao na mula sa bayan ng Amadeus"

Nagsipag-hiyawan ang mga engkanto mula sa bayan ng amadeus

Napalunok naman si Amao dahil sa kaba.

"Nako po, mukhang mapapalaban ako dito ah. Mukhang mabagsik ang babaeng ito" Bulong ni Amao sa sarili niya

Nagtungo na silang dalawa sa gitna ng arena

"Ang ikatlong laban ay magsisimula na!" 

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon