Ang Sulat

578 23 6
                                    

Ipanatawag ni Lizardo ang lahat ng kasapi ng kapatiran upang ibalita ang isang masamang pangyayari. Mula sa isang tagong lugar sa Amadeus naganap ang pagpupulong, kung saan nagsama sama ang lahat ng miyembro nito.

“May masamang balita akong nais sabihin sa inyo” Panimula ni Lizardo. “Si Lulu… ay natagpuang wala ng buhay” Napasinghal ang lahat dahil sa gulat. Lahat sila ay hindi makapaniwala sa balitang narinig. Kilala kasi si Lulu bilang isa sa pinaka-mahusay na kasapi ng kapatiran kaya suntok sa buwan na paniwalaan na wala na itong buhay.

“Isa lamang ang ibig sabihin nito, nakapasok na sa bayan ng Amadeus ang kampon ni Valu, at mukhang nakaharap ni Lulu ang mga ito” Teyorya ni Lizardo. “Isa sa mga mahuhusay na kasapi ng kapatiran ang binatang si Lulu, kaya wag nating sasayangin ang pagbuwis niya ng buhay para lamang protektahan ito. Gawin natin lahat ang ating makakaya upang mabigyan ng hustisya ang pagkawala niya” Tumango ang lahat bilang pagsang-ayon.

Maya maya ay may isang engkanto ang lumapit sa kanya, ito’y may inabot na isang papel kay Lizardo “Yan lamang po ang natagpuan namin sa silid ni Lulu” Agad na tinangap ni Lizardo ang papel na natagpuan ng engkanto. “Sigurado ba kayong wala ng ibang importanteng bagay ang naiwan sa silid ni Lulu? Mga kalatas na patungkol sa kapatiran? Kalatas patungkol sa bayan?”

“Wala na po, yan lamang po ang aming natagpuan” Tumango nalamang si Lizardo at sinenyasan ang engkanto na maari ng makaalis. Kanyang binasa ang nakasulat sa papel at agad din itong itinupi “Ito ay isang sulat… at ito’y hindi para sa akin. Ibigay itong sulat nato sa dapat pagdalhan nito! Ngayon din!”

************

Nakayamot na bumangon ang dalagang si Abby. Dahil sa puyat, siya ay tinanghali ng gising. Agad siyang kumilos upang makapunta ng opisina ng hari dahil sigurado ay tambak na ang kanyang mga Gawain.

Inayos niya ang kanyang buhok at pinagpagan ang damit, humarap sa salamit at tyaka ngumiti. Paglabas niya ng pinto ay kanyang ibinuka ang kanyang pakpak at lumipad patungo sa opisina ng hari.

“Magandang araw” bati ng mga engkanto na nakakasalubong niya. Isang matamis na ngiti ang kanyang ibinabalik sa nakakaharap. Subalit, kahit nakangiti ang kanyang mga labi. Makikita sa kanyang mata ang kalungkutan na nadarama.

Nagsimula na ang trabaho ni Abby sa loob ng opisina ng Hari, kanyang pinadala ang mga kalatas mula dito patungo sa pulutong ni Heneral Tunying, Inayos na din ni abby ang magiging silid ng reyna ng bayan ng Perla. Sinigurado niya ang kwalidad ng silid at kagandahan nito upang masiyahan ang bisita, sa kanyang pagbalik ng opisina ng hari, napansin ni Hari ang lungkot na nadarama ng dalaga.  “Abby?” tawag niya dito. Agad siyang lumapit at tinanong ang kaylangan ng hari “Bakit po Haring Mayan?”

“Ayos ka lang ba?” Tanong ng hari, tumango si Abby bilang sagot “Uh-Opo, ayos lang po ako. Bakit po mahal na hari? Meron po ba kayong nais ipautos sa akin?” Umiling ang hari at tiningnan ng seryoso ang dalaga, dahil sa tingin ng hari. Medyo hindi naging kumportable ang pakiramdam ng Abby. “Ba-Bakit po?” naiilang na tanong niya “Abby… magsabi ka nga ng totoo sa akin, meron bumabagabag sa iyong isipan ngayon?” Tanong ng hari dahilan upang mapayuko si abby. Hindi niya mawari na nahalata pala ng hari ang kanyang kalungkutan. “wag kang mahiya abby, magsabi ka… handa naman akong makinig” Hindi alam ni Abby kung magkwekwento siya o hindi, pero ang alam niya lang sa sarili niya. Malungkot siya, kaylangan niya itong ilabas.

“Abby?”

“Mahal na Hari… Pagod lang po ako” Wika ni Abby, Hindi nakumbinsi si Haring Mayan sa naging sagot nito kaya naman pinilit niya pa ito hangang sa tuluyan na itong nagkwento at nagsalita.

“Ito na nga po, magkwekwento na” Wika ni abby dahilan para matawa ang hari “Pasensiya na ang kulit ko” Wika nito. Huminga muna ng malalim ang dalaga bago nag-kwento.

“Kagabi po kasi, nangako siya sa akin, Makikipag-kita daw siya sa akin at meron daw po siyang nais sabihin sa akin” Panimula ng dalaga “Sino itong nangako sa’yo? Si Lulu ba?” Tumango ang dalaga bilang tugon “Ako po ay nababagabag dahil importanteng bagay daw ang nais niyang ipabatid sa akin, kaya naman agad akong gumayak patungong gubat kagaya ng sinabi niya subalit inabot ako ng magdamag na hindi man lang nasulyapan maski anino niya” Namuo ang luha sa mata ng dalaga “Hindi ko mawari kung ano ang pumasok sa utak niya at pinag-antay niya ako ng ganon, at ang isa pang bumabagabag sa isipan ko ay baka ang importanteng balitang nais niyang ipabatid sa akin ay nais niya ng makipag-hiwalay sa akin” Tumulo ang luha sa mata ni Abby, hindi niya na ito napigilan kahit pa ang hari ay nasa harapan niya.

“Huwag kang mag-isip ng ganyan abby, Marahil ay may inasikaso lang si Lulu kaya ka hindi niya nasipot kagabi”

“Siguro nga po, paumanhin po dahil naging emosyonal pa ako sa harapan niyo” Tinapik lang ng hari ang likod ni abby upang mapagaan ang loob nito. “Ano ka ba? Ayos lang yon, maganda nga at nagsabi ka sa akin upang maintindihan ko ang nararamdaman mo. Nais mo ba na tawagin ko si Lulu upang makapag-usap kayo?” Umiling si abby “Huwag na po mahal na hari. Ako na pong bahala dito, hindi naman po masiyadong masakit” wika niya at pinipilit ng ngumiti.
                       
“Sa tingin ko, dapat puntahan mo na lang siya, mas mainam yon upang mawala yang bumabagabag sa isipan mo” Suhestiyon ng Hari “Salamat po” Sagot nito.
                        
Naputol ang kanilang pag-uusap ng may kumatok sa pinto ng hari, agad itong binuksan ni abby “Magandang araw mahal na hari, ako po pala si Antonio, isang kasapi ng kapatiran. Nandito po ako upang magdala ng isang sulat” Wika niya “Para sa hari ba ang sulat na yan?” Tanong ni Abby.
                        
Umiling si Antonio bago sumagot “Ang sulat na ito ay para sa’yo abby, Sulat ni Lulu para sa’yo” Biglang nanlaki ang mata ni abby ng Makita ang sulat na tinutukoy ni Antonio, biglang siyang kinabahan sa nilalaman ng sulat dahilan para lumingon muna siya sa hari bago tangapin ang sulat.
                       
“Matapos mong basahin ang sulat, maari sanang sumama ka sa akin” Wika ni Antonio “B-Bakit?” Kinakabahang tugon ni Abby “Malalaman mo din… pero ang una mo munang dapat gawin, ay basahin ang sulat” Paliwanag nito, Agad binuklat ni abby ang papel at binasa ang unang mga salita na nakasulat dito.

Mahal kong Abby
Paumanhin dahil mukhang hindi ako makakasipot sa usapan natin mahal,
Meron kasi akong importanteng bagay na nalaman ngayon,
Patungkol sa kaligtasan ng bayan, huwag kang mag-alala dahil kabilang ka sa dahilan kung bakit nais kong protektahan ang bayan. Sa pagkakataong ito, nakokonsensiya ako dahil siguro ay naghihintay ka sa akin ngayon, sa malamig na kagubatan.
Sana ay mapatawad mo ko dahil sa aking hindi pag-sipot.
Alam kong nasasabik ka ng malaman ang importanteng balita na sasabihin ko sana sa’yo ngayon, pero dahil ayoko namang madismaya ka, isusulat ko nalang dito sa liham ang nais
kong iparating sa’yo.
Sa susunod na araw, aalukin na kita ng isang kasal. Nais na kitang makasama pang habang buhay. Gusto ko ng lumugar sa tahimik kasama ka. Sana ay tangapin mo ang alok ko,
Dahil makasama ang taong pinakamamahal mo ay isang Paraiso para sa isang tulad kong nagmamahal sa’yo ng tapat at totoo.

Ang Gwapo mong kasintahan
Lulu.
                       
Tumulo ang luha ni abby matapos mabasa ang liham ni lulu sa kanya, hindi niya alam kung magandang balita ito o hindi, parang nanigas ang katawan niya sa nabasa. “N-Nasaan na si Lulu?” Wika ni abby. “Sumama ka sa akin upang malaman mo?” Napatakip ng bibig si abby dahil sa kaba.
                     
“Huwag kang umiyak abby, malay mo ay nais ko lang sorpresahin ng nobyo mo. Maging positibo ka” Wika ng hari. “Talagang masosorpresa siya mahal na hari, kasi pati kami nasorpresa eh” malungkot na tugon ni Antonio upang maunawaan ng hari ang tunay na nangyari kay Lulu. Napaupo si Abby dahil sa lungkot, tumulo ang kanyang luha at siya ay napahagulgol.
                       
“Sumama ka na sa akin, hinihintay ka na niya” Wika ni Antonio.

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon