Pagkatalo

465 26 1
                                    


Lahat ng mga engkanto ay nabigla at nagulat sa biglang pag-atungol ni Lucas sa gitna ng labanan nila ni Intoy, kapansin pansin din ang kakaibang pagbabago sa pisikal na anyo niya.

"A-anong nangyayari kay Lucas?" Naguguluhang tanong ni Haring Laurel.

"Hindi kaya?" Bulong ni Professor David.

"RAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!" Pagpapatuloy ng pagsigaw ni Liucas

"Anong nangyayari sa kanya?" Wika ni Karlo habang nasa pasilyo.

"Kakaiba talaga ang mga taga amadeus" Wika ni Lily

Hindi naman umimik si axel at pinagmamasdan lang si torlax na seryosong nakatingin sa labanan.

"A-anong nangyayari sa'yo Lu-lucas?" wika ni Intoy na pilit tumatayo.

"A-ANONG NANGYAYARI SA KATAWAN KO?!!!" Sigaw ni Lucas habang iniinda ang sakit na bumabalot sa buong katawan niya ngayon. Bahagyang humaba ang patilya niya at tumaas ang mga balahibo niya dahilan upang magtaka ang lahat. Lalong lalo na ang ama niya na si Leo.

"Anong nangyayari kay Lucas?" tanong niya sa kapatid niya na si lara.

"Hi-hindi ko alam kuya, anong gusto mong gawin ko?" tanong niya

"Wala. Pagmasdan muna natin ang mangyayari sa kanya"

"Pero--"

"Lara!" hindi na sumagot pa si lara at hinayaan nalang ang kakaibang nangyayari kay lucas.

Makalipas lang ang ilang sandali, huminto na ang atungol ni lucas na naging dahilan para tumahimik ang buong lugar ng arena. Walang sino man ang gumawa ng kahit ano mang tunog. Nabasag lamang ang katahimikan ng umatungol na parang lobo si lucas

"Hindi!" Gulat na reaksiyon ni Artemyo

Samo't-sari ang naging reaksiyon ng mga engkanto sa ginawa ni lucas

"A-anong nangyayari sa katawan ko?" Bulong nito sa sarili niya matapos niyang umalulong, nang mapagtanto niya na naging iba ang itsura ng katawan niya, tumingin siya kay artemyo at nagtama ang tingin nila.

"Kagagawan mo to.... Kagagawan mo to!!" Biglang dinuro duro ni lucas ang kinapwepwestuhan ni artemyo. Agad siyang lumapit dito dahilan para umatras naman si artemyo.

"Lucas!" agad nilapitan ni Intoy si lucas upang pigilan subalit nabigo siya ng tabigin siya nito ng napakalakas.

"Anong ginawa mo sa katawan ko?!" Galit na pagtatanong ni lucas dito.

"H-hindi ko alam bata" sagot ni artemyo.

"Hindi mo alam?! Bakit nagkakaganito ang katawan ko?! Bakit mo kasi ako kinagat!"

Lahat ay nagulat sa sinabi ni lucas "Si lucas... nakagat ng lobo?" Bulong ni leo sa sarili habang pinagmamasdan ang galit na galit niyang anak.

"H-hindi ko sinasadya" Protesta ni Artemyo. "Hindi mo sinasadya?! Hindi mo sinasadya!!!" akamang susuntukin na ni lucas si artemyo subalit agad itong nakaiwas.

"Subukan mong lumagpas sa guhit na yan. Si intoy na ang mananalo sa laban niyo" Babala ni Artemyo kay lucas. Agad naman siyang natauhan na nasa gitna pa pala siya ng laban.

"Hindi pa tayo tapos!" Muli siyang bumalik kay intoy na halatang nag-aalala. "Anong klaseng titig yan? Wag mo kong kaawan! Dapat kang matakot sa akin!" Bulalas nito kay Intoy

"Hindi kita kinakaawaan.... Nag-aalala ako para sa'yo"

"Psh! Nag-aalala?! Wag mo nga akong pinagloloko! Dahil kahit kaylan! Walang sino man ang umalala sa isang tulad ko!"

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Where stories live. Discover now