Pagtitiis

1.5K 60 3
                                    

PINATAWAG NI HARING laurel ang guro na si professor david, at ng makarating ito sa opisina ng hari ay nag-bigay galang ito.

"Bakit niyo po ako pintawag dito mahal na hari?" Tanong ni david.

"Nais ko lang kamustahin kung ano nang nangyayari sa pagsasanay ni Intoy?" Ngumiti ng bahagya si David.

"Sa totoo lang po, kahit papaano naman... nakakalikha na siya ng apoy, pero napakaliit lamang, sobrang liit. Yung apoy na yon ay hindi pwedeng ipang-laban, at siguro pag-liwanag lamang" huminga ng malalim ang hari, mistulang nag-iisip "bakit po mahal na hari?" Tanong ni david. "hindi ko pa sana nais na sabihin ito subalit... wala na tayong oras"

"A-ano po? Hindi ko po kayo maintindihan?" Naguguluhang tanong ni david

Ang sumagot ay si abbie "nakatangap kasi ng sulat ang ating bayan na galing kay Valu, at sa pagsapit ng kabilugan ng buwan ay sasakupin niya tayo, at papatayin niya ang tagapagtangol" nagulat si David sa narinig "po? Eh bukas na ang kabilugan ng buwan?!"

"Kaya nga, kung hindi man magawa ni intoy na lumaban, ako muna ang haharap kay valu... Responsibilidad ng hari na iligtas ang kanyang nasasakupan, at ikaw david may iaatay akong responsibilidad sa iyo" Sumagot si david "ano po iyon mahal na hari?"

"Nais ko sana na itago mo si Intoy sa ligtas na lugar, at nais ko sana na pauwin mo muna ang iyong anak na si zonia dahil pwede ka niyang tulungan para itago ang tagapagtangol"

Naputol ang pag uusap nila ng may dalawang batang dumating at pumasok sa loob... Sila Laura at Torlax.

"Mahal na hari" sabay nilang sabi matapos magbigay galang.

"Tito, bakit niyo po kami napatawag?" Tanong ni laura

"Magandang katanungan yan Laura, ikaw at pati na rin si torlax ay aatasan ko ng isang napakalaking misyon"

"Mukhang maganda po yan a" sabi ni Laura.

"Ano po ba yon?" Tanong ni torlax.

"Simula ngayon, ikaw at pati na rin si Laura, kasama na rin si professor David... Kaylangang hindi kayo mawala sa tabi ni intoy" nagulat ang dalawang bata sa narinig, lalong lalo na si torlax "Ha?! Bakit ako?!" Tanong nito

"Dahil naniniwala ako sa kakayahan niyo... Tatangihan niyo ba ang alok ng hari?" mabilis na tumango si Laura at si david kaso si torlax ay nag-dadalawang isip pa.

"Torlax?"

"Opo... papayag na ako!" Pilit na sagot nito,napangiti si haring laurel.

"Salamat." Sagot nito

*****

Nagtra-training si Intoy mag palabas ng mas malaking apoy kasama ang kaibigan niyang mananangal na si JekJek.

"Alam mo, ang cool ng kapangyarihan mo" sabi nito

"Hindi ah, hindi cool to! Kasi kapag hindi ko na-ayos ang pag gamit nito ay baka may mapaso ako" depensa ni Intoy

Palipad lipad si jekjek sa paligid ni Intoy, muli siyang nagtanong "Mahirap ba ang maging tagapagtangol?"

Tiningnan ni Intoy si JekJek "Sobra"

"Alam mo ba, gusto kong maging tagapangtangol... kaso, itinatakda yan sa mas karapat dapat... at ikaw ang napili, tyaka masaya na rin ako Kahit hindi ako ang naging tagapagtangol... kasi tatlong mananangal dati ang naging tagapagtangol na rin--- Ibig sabihin dating dating dating dati pa, yung buhay mo"

"Ibig sabihin, gusto mong maging tagapagtangol?" Tanong nito.

"Ah....Ang totoo Hindi naman, nagagandahan lang talaga ako sa kakayahan mo! Isipin mo, ano kaya ang maaring magawa ng apoy? Syempre, pwedeng mag pa-init sa ating nilalamig na katawan at maaring magbigay liwanag sa madilim na kapaligiran!" Sabi ni jekjek habang inaangat pa ang kanyang mga palad habang nagsasalita.

Naputol ang pag-uusap nila ng dumating ang grupo nila Lucas, nakaramdam muli ng ibang kaba si intoy.

"Nice to see you again, tagapagtangol!" Sabi ni lucas, habang naka-buka ang dalawang magkabilang palad.

"Anong kaylangan niyo?" Tanong nito.

"Wala lang.... Bakit? Ayaw mo ba na makita kami?" Tanong nito ay sabay paawa sa mukha.

"Hindi naman, ayoko lang kasi ng gulo" sabi nito, umarte ng mukhang nagulat si lucas.

"Grabe ka naman Intoy! Ganyan ka ba sa akin? Palibhasa kasi nakakalikha ka na ng apoy! Totoo ba yon intoy? Nakakagawa ka na ng apoy?" Sabi ni Lucas.

"Oo" ngumiti si lucas na hindi nakalabas ang mga ngipin.

"Kung ganon, magiging patas na pala ang laban... lalo na't pwede ka na naming gantihan duon sa ginawa mo sa amin kasama na si laura! Kaya ikaw, maghanda ka!" Sabi ni lucas na halos magkadikit na ang magkabilang kilay.

"Hindi niyo siya masasaktan!" Sabi ni jekjek sabay pwesto sa harap ni intoy.

"Kung mangingi-alam ka Jek-Jek, itatapon namin sa ilog itong pang-ibabang parte ng Katawan mo" pagbabanta ni lucas sabay pwesto ng mga kasama niya sa putol na bahagi ng katawan ni Jek-Jek. Bakas sa mukha nito ang takot at pangamba, dahil alam ni Jek-Jek na baka maaring totohanin ni lucas ang mga sinabi nito.

"Kaya ko ang sarili ko JekJek..." sabi ni intoy

"Sigurado ka?"

"Oo" sabi ni Intoy sabay ngiti kay Jekjek na hindi lumalabas ang ngipin.
Pagkatapos sabihin ni Intoy ang salitang iyon ay gumilid si Jek-Jek at bumalik sa katawan niya at tahimik na nanunuod.

"Handa ka na ba?" Sabi ni Lucas. "Oo" matapang na sagot ni Intoy.

"Yah!!" Nagpalabas ng limang clone Si lucas at sabay sabay na sumugod kay Intoy.

Kahit imposible ay sumugod din si intoy, subalit isang malakas na hagupit na suntok ang tumama sa mukha niya.

Napatalsik siya, subalit hindi niya na ininda ang sakit at mabilis na bumangon, pero hinawakan ng dalawang lucas ang kanyang magkabilang braso. "Bitiwan niyo ko!" Sigaw ni intoy.

Isa pang lucas ang sumakal sa leeg ni Intoy. "Intoy!" Sabi ni Jek-Jek na sobrang kinakabahan, lalapit sana siya kay Intoy at gusto sanang tulungan ang kaibigan subalit pinigilan siya ng mga Kaibigan ni lucas

"Wag kang mangingi-alam" sabi nito.
Kahit nahihirapan na si Intoy ay pinilit niyang magpalabas ng apoy sa kanyang daliri, sobrang liit lang pero mataas at iginamit para pasuin ang mukha ng isang clone sa sumasakal sa kanya, sumabog ito na parang bula kaya naman nakahinga kahit papaano si Intoy, Ginamit ni Intoy ang lakas niya para ma-itulak ang dalawa pang clone na naka-hawak sa braso niya, sumugod pa ang ibang lucas kay Intoy pero hindi na nagawa pang umiwas ni Intoy at mabibilis na suntok at sipa Ng natamo niya.

"Hindeee!!" Sigaw ni jekjek

Bumagsak si intoy na puno sa sugat at pasa ang buong katawan.

"Hehehe... kahit papaano pala Intoy, nagawa mong ipagtangol ang sarili mo... pero katulad ng dapat asahan, ako ang nag-wagi, at hindi ikaw na tagapagtangol! Kaya dapat katakutan mo ko!" Sabi ni Lucas, lumingon siya kay Jek-Jek.

"Ano? Lalaban ka din? Baka gusto mong magaya sa kanya" mabilis na umalis si Lucas na naka-taas noo, sumunod naman ang mga iba niyang kabarkada.

Pagka-alis nila ay mabilis na nilapitan ni jekjek si intoy.

"Intoy ayos ka lang ba?" Sabi nito, hindi agad nakasagot si Intoy.

"Ang daming dugo! Tulong! Tuloongg!!" Sigaw ni Jekjek na halos umalingawngaw sa buong palaruan.

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Where stories live. Discover now