Ang Bagong Tagapagtangol!

1.7K 64 0
                                    

SUMAPIT ANG ORAS na kaylangan ng ipakilala si Intoy sa madla, nasa loob siya ng isang kwarto kasama si Professor David pati na rin si Heneral Tunying.

Ayos na ayos na siya. Halos wala nang himulmol ang kanyang buhok, plantyadong platyado na ang kanyang damit at handa na ang kanyang sash na nakalagay sa braso niya  na may nakasulat'bagong tagapagtangol'

"Handa na ba siya?!" Sabi ni Abbie kasama si Haring Laurel

"Opo, handa na siya" sabi ng professor.

Nilapit ni Haring Laurel ang kanyang mukha kay Intoy

"Kinakabahan ka ba?" Tanong nito

"Ah--- ang totoo po, sobra po e. Sobra po akong kinakabahan"

"Huwag kang kakabahan, isipin mo... Yung pag-asang, maibibigay mo sa ibang engkanto, sa buong lahi ng engkanto"

"Sige po"

"Mahal na hari, kaylangan niya na pong lumabas" paningit na sabi ni Abbie

"Tara na Intoy, ito na ang tamang panahon" hinawakan ni Haring laurel ang kamay ni Intoy at nagsimula nang lumabas papunta sa napakalaking entablado, sumunod sila Abbie, heneral Tunying at pati na rin si Professor David.

Pagkalabas palang ni intoy, nang makita na ng ibang engkanto ang sash na nakapatong sa kanyang braso ay nagsihiyawan na sila. Maraming engkantong nakita si intoy sa oras na iyon, lahat sila ay masaya.

"Magandang gabi, bayan ng amadeus, magandang gabi sa inyo ka lahi kong mga engkanto, ikinagagalak ko ang inyong pagpunta"

Nanihimik ng sandali ang mga engkanto at hinayaang magpatuloy sa pagsasalita ang kanilang hari.

"Mahigit siyam na taon tayong naghintay, sa kanyang pagbabalik... at sa araw na ito, naririto na siya! At ipakikilala ko na sa inyo, ang Bagong tagapagtangol! Intoy Trinidad! Ang batang santelmo!!!"

Mabilis na naghiyawan ang lahat ng mga engkanto, pina-pwesto na rin si Intoy sa harap na mayroong isang nakatayong mikropono.

"Magandang Ga-Gabi po?" Sambit ni intoy.

Sa pagsasalita ni Intoy ay medyo natahimik silang lahat.

"Hehehehe, hi po sa inyo! Hi!"
Naghari ang katahimikan ng mga sandaling iyon at hindi malaman ni intoy kung ano pa ang mga susunod niyang sasabihin.

"Hahahaha! Masyado talaga siyang mahiyain!" Sambit ni Haring laurel.

"Ngayon, hahayaan ko na ang iilan sa inyo ay magtanong kay intoy habang siya ay naririto pa"

Maraming engkanto ang nagsitaas ng mga kamay.

Tinuro ni Intoy ang isang aswang na may anyong baboy sa ulo at tao sa pang ibaba.

"Oink!---- Ay! Pasensiya! Nais ko sanang itanong kung, kaya mo na bang gamitin ang kapangyarihan mo?"

Napatingin si intoy kay professor david at mistulang nagsasabi na anong sasabihin ko?  Nginitian siya ng professor at mistulang nagsasabing ikaw, ikaw ang bahala. Sagutin mo ng tapat, sagutin mo ayon sa sinasabi ng puso mo.

Ngumiti si Intoy at huminga muna ng malalim.

"Sa totoo lang po, hindi ko pa po kayang gamitin at kontrolin ang kapangyarihan ko---" naputol sa pagsasalita si intoy ng makita niyang mistulang nagulat ang lahat ng engkanto sa kanyang sinagot. Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Pero huwag po kayong mag-alala, dahil aaralin ko po ang kapangyarihan ko sa lalong madaling panahon"

Muling nagsalita yung nagtanong na aswang "eh, pano kung sumugod ang kampon nila valu dito tapos hindi mo pa kayang gamitin ang kapangyarihan mo, paano mo kami ililigtas? Tyaka sigurado ka ba na ikaw talaga ang bagong itinakda?!" mukhang nagtaka si intoy sa sinabi nung aswang, mukha ring hindi natuwa si haring laurel sa tinanong nito kaya kinuha niya muna yung mikropono at pinagalitan ang aswang "hindi ko gusto ang pananalita mo! Wala kang karapatan para husgahan si Intoy, Bigyan niyo siya ng oras para mapatunayan niya ang sarili niya" Napahiya yung aswang at ibinalik ni Haring Laurel ang mikropono kay Intoy.

********
Samantala....

Sa isang liblib na bayan, may isang mensahero ang pumunta sa palasyo ni valu.

"Mahal kong haring Valu.... ang bagong tagapagtangol, nasa amadeus na"

Nilingon ni valu ang mensahero

"Kung ganon, kaylangan na nating magmadali"

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें