"Wow"

2K 73 0
                                    

ANG KOTSE NA sinasakyan nila Intoy na kanina'y nasa lupa, maya maya'y biglang lumutang sa ere.

"Ow! Hala anong nangyayari" gulat na gulat na reaksiyon ni intoy.

"Hahaha! Kalma lang bata! Ngayon, pupunta na tayo sa tunay mong mundo, sa mundo ng odus! Kaya kumapit ka nang mabuti ah! dahil siguradong hindi mo na gugustuhin na sumama sa akin sa tuwing magkakaroon ng byahe! Kaya handa na ah!"

Mabilis ang mga sumunod na pangyayari, sa isang kurapan lang ni intoy ay nakita niyang tumagos sila sa isang building at pagkalabas nila dito ay ibang lugar na ang nilabasan nila. Ito na ba ang lugar ng mga engkanto? Tanong ni Intoy sa sarili.

Naramdaman ni Intoy na nasa lupa na sila, at yung kanina na kotse na sinasakyan nila ay naging isang kalesa nalamang.

"Nandito na ba tayo?" Tanong ni intoy.

"Oo bata, nandito na tayo sa mundo ng mga engkanto, sa malaking isla ng Odus, sa bayan ng amadeus."

Namangha si intoy sa mga bagay na kanyang nakita, kakaibang tao, mga maliliit na duwendeng naglalakad habang may buhat buhat na troso at mga diwata (lambana) na nagliliparan.

"Bata, mamaya ka na ma-amaze, dahil sa bayan na pupuntahan natin, mas lalo kang mamamangha."

Sinimulan na ni Professor David ang pag papaandar ng kalesa at habang sila ay buma-byahe, ay kinuwento na nito ang tungkol sa lugar ng mga engkanto.

"Bata... ang isla ng odus ay sobrang laki, as in, super laki... nahahati ito sa napakaraming bayan, subalit merong apat na bayan ang namumukod tangi sa sobrang laki, isa na dito ang bayan ng amadeus, ang bayan ng Perla, ang bayan ng borboran at ang bayan ng Purra. Meron ding mga maliliit pang katabing isla ang isla ng odus, kaya huwag kang magugulat kung iba-ibang engkanto ang makita at masilayan mo"

"Ang tirahan niyo po ba ay ang bayan ng amadeus?"

"Oo duon ang tirahan ko at magiging tirahan mo!"

Naghari ang katahimik ng mga oras na iyon habang nagba-byahe sila. Subalit nabasag nalamang ang katahimikang iyon ng marinig na niya ang mga sigawan nang kung ano-anong nilalang na nasulyapan niya.

"Ang gwapo mo pa rin pareng Luco!" Sabi ni Professor david sa isang kapre

"Oo naman Kara! Maganda ka talaga! maganda kang aswang! Roar!" Bati ulit ni professor david sa isang aswang na nakasalubong nila

"Oo maganda buhay Rick!" Bati mula ni prof sa isang tiktik.

Tinabi na ni professor david yung kalese niya at sila ay bumaba na.

"Sa wakas, nakabalik na ako sa aking tunay na mundo!" Paunang bati ni prof sa sarili.

"Wow" yun lamang ang unang salitang lumabas sa bibig ni Intoy.

"Ano? Sabi ko sayo diba? Sobrang ganda?" Sabi ni professor david habang nakapatong yung kamay niya sa braso ni intoy

Hindi na nakasagot si intoy dahil nililibang niya ang kanyang malikot na mata sa pagtingin sa bayan ng amadeus.

Meron siyang nakita na mga palasyo, sobrang laki, meron din itong kaharap na isa ring palasyo. "Ano po yung palasyo na iyon? Para po ba yun sa hari?" Tanong ni Intoy

"Nagkakamali ka bata, eskwelahan niyo yan... ganda diba?" Napanganga lang si intoy sa pagkamangha.

Subalit hinila na siya ng kasama niyang matanda para makapagsimula nang maglakad.

"Dalian mo! dahil hinihintay ka na nila" sabi nito

"Po? Ako hinihintay?"

"Oo, matagal ka na nilang hinihintay"

"Nino po?"

"Silang lahat"

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Where stories live. Discover now