Ang masalimuot na Karanasan

2.1K 80 2
                                    

NAGULAT SILA MARISA at ramon ng umuwi si Intoy na kasama si professor David.

"Ba-bakit mo siya kasama intoy?" Nauutal na tanong ni marisa.

"Marisa, sabihin mo na kasi sa anak mo ang totoo. Nais niyang malaman kung sino ba talaga ang kanyang ama"

"Ako ang ama mo anak" sabat ni ramon

"Excuse me, hindi ikaw ang biological father niya... diba?" Sabi ni david.

"Sige anak, gusto mong makilala ang tatay mo? gusto mong makilala yung halimaw mong ama na nagsamantala ng kababaihan ko? Sige, ikwekwento ko, umupo muna kayo"

Umupo sila intoy at professor david sa upuan at nagsimula nang magkwento si marisa

"10 years ago, nagbakasyon kami ni ramon sa probinsya nila sa apayao..."

~~~Flashback~~~
Sa probinsya ng apayao, sa isang liblib na lugar, duon nakatayo ang bahay nila ramon. Napili nilang mag asawa na duon muna magbakasyon tutal semana santa nung panahong iyon.

Bago pa man makarating sila marisa sa bahay nila ramon ay sinabihan na siya ng asawa patungkol sa mga engkantong gumagala sa lugar nila.
Dahil laking probinsya din si marisa ay sinunod niya ang asawa ng walang pag aalinlangan.

Walang signal sa lugar nila, mararamdaman mo na parang hindi pa inaabot ng sibilisasyon ang lugar nila.

Nandun nakatira ang ina ni ramon na si mama pearl at ang anak nito na si Lyla, kasama rin nila ang asawa nito na si Jose at ang dalawa nilang mga anak na si Marie at mario.

Sa lugar nila, ang hanapbuhay ng mga tao ay ang pagsasaka.
Lagi silang kumakain ng gulay kaya mahahalata mo sa pangangatawan nila na malusog sila.
Habang namamalagi sila ay may isang lalake na mukhang kaibigan nila mama pearl na sumugod sa bahay nila ramon

"Jose! Manang pearl! Lyla!" Pagtatawag nito.

Lumabas si jose at lyla nang marinig nila ang pagtawag sa pangalan nila. "Bakit?"

"Ang asawa ko, sinunog ng santelmo" nagulat sila jose at marie sa narinig.

"Ano ang nangyari dito?" Singit na sabi ni aling pearl

"Manang pearl! Ang asawa ko po, huhuhu.... Pinatay ng santelmo" halos paiyak na tugon ng lalake

"Ano?! Bakit mo iniwan?!" Gulat na gulat na sabi ni mama pearl

"Kasi po, ang akala ko nasa likuran ko lang siya, di ko po alam, ay niligaw siya ng tambaloslos, at napadpad siya malapit sa kinaroroonan ng santelmo, dahil po halos madilim na, hindi ko po siya agad nahanap hangang sa narinig ko na lamang po ang malakas niyang sigaw, kaylangan ko po ng tulong niyo" kwento nung lalake
Napa-sign of the cross si mama pearl sa takot

"Ganun ba? Halika't sasamahan kita, sandali" pumasok sandali sa loob si jose at kumuha ng itak

"Sasama din ako" sabi ni ramon, nagulat si marisa.

"Ano? Mukhang mapanganib" sabi nito

"Marisa, kaya ko amg sarili ko, at kaylangan nila ng tulong, kaylangan ko silang samahan" sabi nito

"Sasama ka ba ramon?" Tanong ni jose

"Oo, sasama ako jose"

"Eto! Saluin mo!" Inihagis ni jose ang isang itak at kumuha sila ng kanya kanyang flash light

"Mag ingat kayo ah" paalala ng mga babaeng naiwan.

Patuloy na ikinikwento ni marisa ang nangyari sa kanila intoy at professor david, subalit ng itutuloy niya na ang kwento ay napaluha muli siya
"Hindi ko kayang ikwento" sabi ni marisa sabay alis

"Ako nalang ang magtutuloy ng kwento" singit na sambit ni ramon

"hayaan niyo muna si marisa na mapag isa"

Nang nasa gubat na sila ramon ay hindi naman mapakali ang mga taong naiwan sa bahay sa kakaisip sa kanila.

"Pano kaya kung mapahamak sila?" Tanong ni marisa.

"Nako, huwag kang mag-alala, kaya nila yan, lalo na't nandun ang asawa ko, hindi mo lang natatanong, ang asawa ko ay nakapatay na ng wakwak, tinaga niya sa ulo"

"Talaga? Ang galing naman pala niya"

"Oo nga"

"Teka, matanong ko lang, ano ba yung santelmo? Ibon ba yon? Malaki ba yun? Ano bang itsura non?" Sa sandaling iyon, si mama pearl na ang sumagot sa tanong niya.

"Ang santelmo ay isang uri ng engkanto na, bolang apoy--- literal na bolang apoy, ganun yung itsura niya... maliit lang siya pero mabilis, kapag mangbibiktima siya ay hindi niya talaga ito tinatantanan, hahabulin niya ito at susunigin hangang sa tuluyan ng mamatay ang kanyang biktima, maswerte ang mga nakakaligtas kapag naging baliw lang sila o sinunog lang ang balat, pero madalang lang ang nakakaligtas sa santelmo"

Sa sinabi ni mama pearl ay lalong natakot at nabahala si marisa sa ginagawa ng asawa niya.
Hangang sa  tuluyang umabot ang hating gabi at hindi parin nakakauwi sila ramon...

Kaya kung ano ano nang kuro kuro ang pumapasok sa isip ni marisa. Kaya sa sobrang pag aalala niya ay napagdesisyunan niya na sundan sila ramon at hanapin sila sa kagubatan, pasikreto siyang lumabas para hindi na rin siya pigilan nila mama pearl at Lyla.

Nang nasa kagubatan na si marisa, lingid sa kanyang kaalaman ay nasalisihan niya ang kanyang asawa.
Hindi niya alam na nasa bahay na pala yung taong kanina niya pa hinihintay

"Ramon?!! Ramon?!!" Sigaw ni marisa, habang naghahanap siya ay napansin niyang bahagyang lumiwanag ang buong paligid niya.

Kaya naman lumingon siya sa likuran niya para tingnan kung ano yung bagay na iyon.

Nagulantang siya sa bagay na nakita niya. Isang bolang apoy na nakalutang sa ere.

"Ahhhhhh!!!"

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Where stories live. Discover now