Ang Masamang Plano

573 26 3
                                    


"Bakit ba kasi ngayon ka pa nagpatawag?" Galit na wika ni Dugong.

Mula sa isang madilim na parte ng gubat, lumabas ang nagtatagong nilalang. "Upang walang makakita sa atin" Sagot nito "Wala bang nakasunod sa'yo?" Dugtong niya.

"Wala naman. Sinigurado kong walang nakasunod sa akin" Sagot ni Dugong "Kamusta naman pala sila Axel?" Tanong niya dito

"Nagpapahinga sila ng iwan ko sila"

"Mukhang hindi maganda ang dugo ng batang iyon sa batang tikbalang na si Torlax ah?"

"Napansin ko nga yan, masiyadong malaki ang ulo ng batang iyon para labanan si Axel" Luminga-linga muna si Dugong sa paligid, tumitingin kung meron bang umiispiya sa kanila. "Nga pala... Kaylan susugod sa Valu dito?" Dugtong niya.

Inayos muna ng lalake ang kanyang buhok bago sumagot "Nakahanda na ang lahat At sensyas nalang natin ang hinihintay niya" Biglang napangiti si Dugong sa balitang narinig.

"Hindi na ako makapag-hintay na makitang nawawasak ang bayan ng Amadeus. Isa na ata iyong pinaka-magandang istorya na masusulat sa kasaysayan" Muling nagsalita si Dugong.

"Ano ng gagawin mo ngayong tanggal ka na sa laban, Makaryo?"

"Simple lang... Sisikapin kong hanapin ang mahiwagang papel upang mabuo na ni Master Valu ang isang makapangyarihang majika na magbibigay ng matinding kapangyarihan sa kanya upang masakop ang buong isla ng Odus... At syempre habang ginagawa ko yun. Ikaw naman Dugong ang naka-toka para aliwin ang mga nilalang sa bayan na ito. Balita ko, may personal na galit ang batang si Axel sa batang tagapagtangol. Gamitin mo ang galit niya na yon, upang mapalabas ang kapangyarihan ng agimat" Wika ni Makaryo habang nakatingin ng matulis.

"Hindi mo naman na kaylangan pang ipaala sa akin ang bagay na yan. Para sa ikalalakas ng bayan ng perla. Handa akong makipagtulungan sa mga tulisan na kagaya niyo, mawasak lang ang makasariling bayan na ito"

Napa-ngiti si Makaryo sa kanyang narinig "Hindi talaga ako nag-kamali na lumapit sa'yo. Sa tulong ng pangkat nating dalawa. Sa pangkat ni Master Valu at ng bayan ng Perla. Sabay sabay nating wasakin ang bayan ng Amadeus. Upang sa ganon, bayan niyo na ang maituturing na pinaka-malakas na bayan sa lahat... Lalo na't na sa inyo si Axel. Ang pinaka-matinding sandata laban sa lahat... Kahit sa batang tagapagtangol"

"Isa pa yang batang tagapagtangol na yan. Sa tingin mo ba, kaya tayo'y pigilan ng batang iyon?"

Napailing si Makaryo habang humahalakhak.

"Imposible! Napaka-imposible! Sa kakayahan at awra palang ng batang iyon, walang wala siyang mai-dudulot sa bayan na ito. Palamuti lamang siya at hindi pang laban. Kaya wag kang mabahala sa kanya"

"Ganon ba? Mabuti naman kung klaro na lahat. Gagayak na ako para balikan ang mga bata. Baka mamaya kasi, magising ang mga iyon at hanapin ako. Mahirap na" Wika ni Dugong

"Mabuti pa nga. Tayo na't umali---" Aalis na sana ang dalawa sa kanilang kinatatayuan ng makarinig sila ng isang kaluskos mula sa kalayuan. Nagkatitigan silang dalawa at animo'y hindi makapaniwala na may nakarinig sa usapan nila.

"akala ko ba ay walang nakasunod sa'yo?" mahina pero galit na patanong ni Makaryo.

"akala ko din ay walang nakasunod sa akin" mahina pero galit ding sagot ni Dugong.

"Hanapin natin siya" Saad ni Makaryo. "Ako ng bahala" Wika ni Dugong. Tumayo siya ng matuwid tyaka pumikit, mistulang pinakikiramdaman ang paligid.

"Nandun siya sa Nara nakatago!" wika ni Dugong ng siya ay dumilat. Dagli siyang nagpalabas ng palasong yari sa tubig at inihagis sa puno ng nara. Mula sa punong iyon, lumundag ang nilalang na nakarinig sa usapan nila.

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Where stories live. Discover now