Isang kakaibang Panaginip

2.5K 99 1
                                    

Nasa kadiliman si intoy, wala siyang ibang nakikita kung di puro kadiliman lamang, pinipilit ni intoy na huwag matakot pero nabigo siya, nadaig pa rin siya at natalo ng kanyang takot.

"Ma?! Pa?!" Halos umaalingawngaw lang sa buong paligid ang sinabi niya, halos nangingilid na ang luha niya sa takot at kaba subalit ilang sandali palamang ay may pumatay ng dilim at isang bolang apoy ang nagpakita sa harapan niya.

"Batang santelmo.... lumapit ka" sabi nang bolang apoy.

Kahit medyo kinakabahan si intoy ay nagawa niya pa rin sundin ang inutos nito subalit nang makahakbang siya ay bigla siyang nilamon ng buo ng lupa, na naging anyong tubig --- at naging isang karagatan.

Akala ni intoy ay yun na ang kanyang katapusan ngunit nagtaka siya ng siya ay malaya pa ring nakakahinga sa ilalim ng karagatan. Maya maya pa ay may isang magandang lalaki na nilalang ang nagpakita sa harap ni intoy, meron itong kaliskis sa leeg at mga kamay, meron din itong mga palikpik na kagaya sa mga isda.

Isa siyang kataw. "Intoy..." sabi nito

"Si-sino ka?" Tanong ni intoy

"Ako ay ikaw, ikaw ay ako, ako ang dati mong buhay at ikaw ang bago kong buhay" kumunot ang nuo ni intoy sa kanyang narinig.

"Bakit kita nakakausap? Bakit ako naririto?" Naguguluhang tanong ni intoy.

"Kaylangan mo nang malaman ang katotohanan, sapagkat nagsisimula nang umatake ang mga masasamang mga engkanto at handa ng sakupin ang mundo ng odus at ikaw, ikaw lang ang makaka ayos nito" ma-awtoridad na tugon nito

"Huh? Hindi kita maintindihan.... nais kong malaman kung bakit mo ako kinakausap ng ganyan?"

"Dahil dito" hinawakan ng kataw ang braso ni intoy at ipinakita ang balat nitong hugis bitwuin, may ipinakita pa ang kataw kay intoy, isang balat na nakalagay sa leeg nito, katulad ng balat na nasa braso ni intoy. "M-mag katulad tayo" sabi ni intoy

"Tama.... at ikaw ay pinabagong bersiyon ko, kaya batang santelmo. Gumising ka na, harapin mo na ang katotohanan at kalabanin ang kasamaan"

"AAAAAAHHHHHHHHHH!!!!" sa isang masamang panaginip ay nagising si intoy pawis na pawis, kinakabahan. Napaisip siya sa kakaiba niyang panaginip at habang siya ay nag iisip, aksidente niyang na ilingon ang mata sa bintana at may nakita siyang isang taong nakatingin sa kanya kaya naman napatayo si intoy sa takot at napasigaw ng napakalas. "Mamaaaaaa!!!! Papaaaaaaa!!!"

Humarurot sila ramon at marisa na makapunta sa kwarto ni intoy "Anak? Anong nangyayari?!" Niyakap ni marisa ang anak na nagsisimula nang umiyak "Anong nangyari sayo anak?" Tanong ni marisa pero hindi makapagsalita si intoy dahil sa takot at kaba

"Ramon, kumuha ka ng tubig dali!" Utos ni marisa sa asawa

"Sandali" lumabas na si ramon at kumuha na ng tubig "Anak? Ano? Ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni Marisa.

Kahit nahihirapang magsalita si intoy ay sumagot siya sa kanyang ina "huhu, o-opo"

"Ito na oh" sabi ni ramon sabay abot ng isang basong tubig. Kinuha iyon ni marisa at ipina inom sa anak.

"Intoy anong nangyari sa'yo? bakit ka sumigawa?" Nang matapos makainon si intoy ay mukhang nahimasmasan na siya.

"Ka-kanina kasi, nanaginip ako ng kakaiba tapos pagkagising ko may nakita akong tao na nakatayo sa labas ng bintana, nakatingin sa akin ng masama ma!!" pagkwekwento ni intoy "Sigurado ka anak?" Tanong ni ramon dito

"O-opo" lumabas si ramon at kinuha ang nakatagong itak, lumabas siya ng bahay at nilibot ang buong paligid, ng masigurado niya na wala namang kakaiba ay bumalik siya sa loob. "Anak? Wala naman akong nakita e" sabi ni ramon

"Meron pa! Promise!! Hindi ako nagsisinungaling" sagot ni intoy

"Anak.... siguro para mapanatag ka, isasarado nalang namin yung bintana" sinarado ni ramon ang bintana at nagpatuloy si marisa sa pagsasalita

"Ramon.... mukhang kaylangan ko munang tabihan si intoy, mukhang ikaw lang muna ang matutulog sa kwarto."

"O sige... punta na ako duon ah" sabi ni ramon habang humihikab. Nang makalabas na si ramon ay niyakap ni marisa ang anak, at inihiga sa kahoy na kama.

"Huwag ka ng matakot anak, kasama mo na si mama" bulong ni marisa dito

Nang makahiga na ang mag-ina, ay umiral na ang katahimikan. Subalit naglalaro parin sa isip ni intoy kung ano ba yung napanaginipan niyang santelmo, kaya naman itinanong niya ito sa kanyang ina "Ma...."

"Hmmh?"

"Pwede pong magtanong?"

"Ano yun?"

"Ano po yung santelmo ma?" Napatayo si marisa sa sobrang gulat sa tanong ng anak.

"Pano mo nalaman ang tungkol sa santelmo anak?!"

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Where stories live. Discover now