determinasyon

1.1K 45 5
                                    


"Siguro naman sapat na ang lahat ng impormasyon na sinabi ko sa inyong lahat. Nais ko sana... Na maging malinaw na sa inyong lahat ang gagawin niyo sa loob ng Gubat.... Nakakasigurado ako na Kalahati lang sa dami niyo ngayon ang makakalabas ng buhay. Kaya Galingan niyo!" Ngumiti ng nakakatakot ang pinuno ng kapatiran samantalang naka-kunot ang nuo ng lahat ng engkantong papasok sa loob ng Gubat ng Kamatayan.

"Lahat kayo! Pumasok na!!!" Bumukas ang malaking gate patungo sa Gubat ng Kamatayan. Kahit ramdam ang takot dahil sa magiging karanasan nila sa loob ay mabilis ang bawat isa na pumasok duon.

******

Kung abala na ang lahat ng engkanto sa Odus battle Exam. Abala din ang batang si Intoy sa pag-iinsayo. Sumasabog ang determinasyon niyang mailabas ang tunay niyang kapangyarihan na ipapakita niya sa lahat ng mga engkanto.

"Mahusay..." Napahinto si Intoy sa pagsasanay ng marinig niya ang Boses ng hari. "Mahal na hari!" Gulat na reaksiyon ni Intoy "A-ano pong ginagawa niyo dito?"

"Nais kong makita ang pagsasanay mo. At sa nasaksihan ko, mukhang sanay na sanay ka na" ngumiti si Intoy dahil sa labis na tuwa. "Maraming marami pong salamat. Ayoko lang pong mapahiya sa inyo" tumawa ang hari sa naging sagot nito "Bakit po? May Mali po ba akong nasabi?"

"Nakikita ko talaga ang determinasyon sa iyo Intoy. Hindi talaga ako mangangamba kung isang araw mamatay na lang ako, dahil nandiyan ka na... Ang proprotekta para sa lahat" nilapitan ni Intoy ang hari at hinawak ang palad nito.

"Hindi rin po ako nangangamba magsanay ng husto dahil kayo pong lahat ang nagiging inspirasyon ko.... At mahal na hari--- Hindi ko po hahayang mamatay kayo. Pangako" halos lumambot ang puso ng hari dahil sa narinig.

"Napakabuti mo talagang bata Intoy" sabay gulo sa buhok nito.

niyaya muna ng hari laurel si intoy na magpahinga muna upang masilip ang nagaganap na odus battle Exam. 

kaya naman pumunta sila sa opisina nito na tanaw na tanaw ang buong gubat ng kamatayan. "Nandiyan na po ba silang lahat?" tanong ni Intoy "Oo, at magsisimula na ang pagsubok nila.... titingnan natin kung magagawa ba nilang lagpasan ang mga kalaban na ipinahanda ni Lizardo para sa kanila" Mula sa itaas, natanaw ni Intoy ang pagtakbo nila amao, rosalinda at daniel palayo sa isang dambuhalang Sawa.

"Ang mga kaibigan ko po!" Halos napalakas ang pagsabi ni Intoy kaya napatingin silang lahat dito, sabay tawa. "So-sorry" 

Ngumiti si haring laurel sa kanya "Tingnan natin kung mananalo sila" Pinagmasdan mabuti ni Intoy ang mga kaibigan niya at nagdasal na sana ay manalo sila.

"Amao! Gawin mo na!" Sigaw ni Rosalinda, agad na inihampas ni Amao ang dalawa niyang kamay sa lupa at biglang nabutas ang lupang dinaanan ng Sawa. "Daniel ikaw na!" Pinalutang ni Daniel ang malalaking bato na kanina pa nila inihanda at sabay ibinato dito

"Ayos!" Masayang sambit ni Amao, laking gulat niya ng maramdaman niya ang mahabang dila ni rosalinda na nakapalupot sa baywang niya at hinatak palayo sa kinapwepwestuhan niya "BAKIT?!!!!!!" Gulat na reaksiyon nito, hindi na sumagot si Rosalinda at inihagis nalang si amao sa gilid na para bang isa lang bato at sinakal ang isang lobo gamit ang dila niya na nais sanang lapain si Amao kanina. 

Naglabas ng lason si rosalinda mula sa katawan niya at idinaan niya gamit ang dila niya patungo sa ulo ng Lobo. dinilaan nito ang pisngi nito at mabilis na binawi ang dila niya, Mapapansin na bahagyang natumba ang lobo dahil sa nangyari. "Yan ang lason na dapat niyong iwasan! Mga panget!" Sabay tingala nito na mistulang nanalo sa isang digmaan.

"Ang astig mo talaga!" Sabay na sigaw nila Daniel at Amao

******

Samantala, magkasama namang tumatakbo si Jek-Jek at si Teri palayo sa mga halimaw na nakita nilang lumabas sa mga puno kanina.

"Ano bang klaseng mga nilalang iyon?!" Takot na takot na sabi ni Jek-Jek 

"Oo nga! Nakakakilabot ang mga itsura nila!" kabadong kabado namang saad ni Teri. 

"Hindi tuloy ako makalipad dahil nakadikit pa ang katawan ko sa pang-ibabang parte ng katawan ko, wala akong lugar na pwedeng mapagtataguan!" 

"Jek-Jek! Duon!" sabay turo ni Teri sa isang maliit na kweba. "Uy! may kweba pala diyan? Hindi ko napansin yan a?!" 

"Makakalaban ka na ng maayos!" masayang bati ni Teri "Tama ka! Hintayin mo muna ako at itatago ko muna itong pang-ibabang parte ng katawan ko!" 

"O sige bilisan mo" agad na pumasok si jekjek patungo sa loob ng kweba at iniwan muna ng pansamantala si Teri. 

Habang naghihintay si Teri, nakarinig agad siya ng hiyaw ni Jek-jek na mistulang takot na takot.

"A-anong nangyayari?" takot na tanong ni Teri, mabilis na lumabas si Jek-jek na hati na ang katawan at lumilipad paitaas habang buhay buhat ang katawan niya pang-ibaba. "Mga mga panget pala sa loob! AAAAAHHHHH!"

Labis na nagulat si Teri dahil pasugod na ang mga ito sa kanya, mga nakakatakot na tiyanak "Patawarin niyo ako!" pinagsisipa ni teri ang mga tiyanak at itinabi muna ni Jekjek ang katawang pagibaba niya sa ibabaw ng puno at tinulungan si Teri. 

Agad na hinablot ni Jekjek ang mga tiyanak at lumipad paitaas, at kapag nasa alapaap na siya ay ibabato niya ang mga ito pababa. Labis na nahirapan si Teri dahil padami ng padami ang mga tiyanak na lumalabas patungo sa kweba at lahat ng mga iyon ay kinakalaban siya. "Bakit ba ang dami niyo?!" Galit na saad ni Teri. 

Sipa dito, Sipa duon. Sunod sunod na ang sipa ang ginawa ni Teri subalit hindi niya talaga lubos mabawasan ang dami ng mga tiyanak na kinahaharap niya. 

"Ayokong matapos ang laban ko dito, mukhang kaylangan ko ng ilabas ang kakaibang kapangyarihan ko!" Agad na bumwelo si Teri para makalayo sa mga tiyanak at pagkatapos itiningkayad ang kanang paa at itinaas ang kaliwang paa. "ang sipa sa kabilugan ng buwan!" biglang umikot si Teri na mistulang trumpo papunta sa mga tiyanak, kasabay non ay ang paglabas ng kulay asul na awra sa kanya, lahat ng tiyanak na tinatamaan ay tumatalsik ng napakalakas, kaya ang iba sa mga ito ay nagsitakbo upang hindi na masaktan pa.

"Ang galing mo teri!" Sabi ni Jek-Jek na manghang mangha. "Sala--- JEKJEK SA LIKOD MO!!" Isang malaking ibon ang humablot kay jekjek at inilipad palayo. "JEKJEK!!!!!!"


Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon