Kaba

1.1K 42 2
                                    

NASA TRAINING ROOM sila Intoy, Amao, Roselinda, Daniel at Ramuel.

"Mga bata.. Tsk, Tsk, Tsk.. Sabi ko na nga ba eh" Napapailing na sabi ni David

"Pasensiya na po" nakayukong sabi ni Intoy.

"Nga pala, sino ka? Mukhang bago ka lang dito a?" Sabi ni David sabay turo kay Ramuel

"Ah! Opo! Galing po ako sa Bayan ng Grodus!" Nagulat si David sa sagot ni Ramuel, nakaramdam tuloy siya ng ibang kaba "Grodus ba? Tama?"  Pagkla-klaro nito

"Opo" simpleng sagot nito na nakangiti

"Diba nasakop yun ni Valu?" Nagulat yung apat na bata sa narinig at naputol ang ngiti na nasa mukha ni Ramuel, naging seryoso bigla.

Naghari ang katahimikan ng mga sandaling iyon, nag-antay sila sa magiging sagot ni Ramuel
"Opo" Matapang na sagot nito
"Eh anong ginagawa mo dito?" Tanong muli ni David

"Nais ko pong sumali sa Odus battle Exam, bawal po ba ang mga taga-Grodus na makasali?" Tanong nito "Hinde" sagot ni david Parang nakakaramdam ako ng masama dito sa batang ito ah sabi ni David sa sarili.

"Pasensiya na po kung tumakas kami, ako po talaga ang nag-yaya" sabi ni amao

"Ayus lang yon, Basta ililibre niyo ko mamaya ah!" Sabi nito

"Ah sige po! Yun lang pala eh!" Sabi ni daniel

"Kinabahan ako dun ah!" Sabi naman ni Roselinda

"Balik na tayo sa training Intoy" sabi ni David. "Umupo na kayo duon!" Sabi niya pa, pina-upo na ni David yung mga bata, hahawakan sana niya ang balikat ni Ramuel subalit lumayo ito sa kanya, kaya naman mas lalo siyang nagduda.

May tinatago ba itong batang ito? Tanong niito

Nagsimula na silang mag-Training ni intoy, nasaksihan ni David ang pagsusumikap ng bata. Sa kabila ng hirap ng training nito ay nagsusumikap talaga siya. Inabot na sila ng dilim sa pagtra-training, nagsimula na ring mag-paalam sila Amao, Roselinda at Daniel. Nag-paiwan muna si Ramuel na sadyang pinagtakahan ni David.

"Bakit ka siya nag-paiwan?" Bulong ni David sa sarili.

Makalipas ang ilang oras ay gagawin na ni Intoy ang kanyang huling activity, at ito ay ang pagpapakita sa lahat ng natutunan niya.

Nasa dulo siya ng silid at nagsimula na siyang magpakitang gilas.

Tumakbo siya at tumabling. Iniligan niya ang mga Patulis na inihagis ni David, maya-maya pa ay dinaanan niya ng mabilis ang mga Bolang nakasabit na nagpapagewang gewang sa daan niya. Umakyat si Intoy sa isang maliit na hagdan na mayroong kahoy na naka-konekta sa isang kahoy na hagdan. Tinawid niya ito gamit ang isang paa. Patalon-talon siya, Napapangisi si David sa mga ipinapakitang gilas ni Intoy, bigla siyang nadulas, subalit naka-hawak agad siya sa kahoy. Bumwelo siya upang maka-akyat sa kahoy, ng makaakyat na siya ay muli siyang pumunta sa dulo ng hagdan, Tagumpay na nagawa ni intoy na makababa. At sa pinakadulong istasyon. May dalawang manekin na kaylangan tamaan ni intoy gamit ang fireball na napag-aralan niyng

Nagpalabas ng Fireball si Intoy at naasinta ang isang manekin, muli siyang nagpalabas ng fireball at tinamaan ang huling manikin

"Yes!" Sigaw ni Intoy dahil sa tuwa

"Magaling Intoy, Sa wakas, natuto ka na ring gumamit ng fireball. Sabi sa iyo eh, magagawa mo yan! Tiwala lang, ngayon. Hindi pa malakas yang fireball mo na yan pero magtiwala ka, magiging malakas din yan!"

Tiningnan ni Intoy ang kanyang kaibigan at nginitian siya at nag-thumbs up pa.

Nilapitan sila nito. "Ang galing galing mo naman pala Intoy e! Akala ko, mahuhulog ka na kanina!" Komento ni Ramuel habang nakangiti na abot tenga "Akala ko nga ay mahuhulog ka eh!" Sabi niya muli.

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Where stories live. Discover now