Lily laban kay Amao

408 21 2
                                    


"Ang ikatlong laban ay magsisimula na!"

Pagkatapos ihudyat ni artemyo ang laban ay agad ng umatake ang batang si Lily, bumwelo muna siya ng kaunti bago ibuga ang napakalakas na pwersa ng tubig mula sa kanyang bibig.

"Nako po!" Hiyaw ni Amao, agad siyang sumisid sa lupa kaya naman agad niyang naiwasan ang atakeng iyon. "Nasaan na siya?" Tanong ni lily sa sarili niya.

"Ayun!" Pagka-angat ni Amao sa lupa, agad siyang inasinta ni lily at muling bumuga ng napakalakas na pwersa ng tubig. "Ay!" Hiyaw ng duwende at muling sumisid sa lupa.

Sa muling pagka-ahon si amao sa lupa ay muli na namang bumuga si lily ng tubig subalit sa isa pang pagkakataon ay muling sumisid sa lupa si amao upang iwasan iyon.

"Ano?! Magtatago ka na lang ba? Ganyan nalang ba ang ipapakita mo ngayon?!" Sigaw ni Lily dito

"Umiiwas lang ako! Panigurado kasi na masakit ang atake na gagawin mo!" Sabi ni Amao ng muli siyang maka-ahon sa lupa.

"Tch! Ang tunay na lalake, handang harapin ang tunay na sakit!" Sigaw ni Lily. Napa-iling naman si Amao sa narinig. "Hindi rin. Mas nagiging matapang ang isang lalake kapag nagagawa niyang tiisin ang ginagawang pananakit ng isang babae ng hindi gumaganti, Yun ang tunay na pagkalalake"

"Tch! Kung yan ang pilosopiya mo! Mamatay ka ng maaga dito sa mundo!" Muli na namang bumwelo si lily at muling bumuga ng malakas na pwersa ng tubig. Sa puntong iyon ay hindi na sumisid pa si amao sa lupa, sa halip gumawa siya ng isang lupang pader bilang depensa.

Agad namang sumugod si lily patungo sa likod ng pader subalit ng makapunta siya dito, hindi niya nakita si amao duon. "T-teka, nasaan siya?" Inikot ni lily ang kanyang mata upang hanapin ang kinaroroonan ni Amao

"Nandito ako!!" Napalingon agad si lily ng marinig niya mula sa likuran niya ang boses ni amao. Agad siyang nagbato ng palaso patungo kay amao.

"Ay!!!!" Agad namang umiwas si Amao at agad tumakbo palayo.

"Lumaban ka! Wag kang iwas ng iwas!!" Sigaw ni Lily tapos muli na namang bumwelo at bumuga ng malakas na pwersa ng tubig.

"Kapag inatake kasi kita, siguradong masasaktan ka! Kaya hangang kaya ko, sinusubukan kong umiwas!!!" Sigaw ni Amao habang tinatakbuhan ang tubig na ibinubuga ni lily.

"Mga linyahan ng mga duwag! Pumalag ka!!!" Hiyaw ni Lily.

"Tch! Sakit talaga sa ulo tong mga babaeng to oh!" Lumikha si Amao ng isang buhay na bato na kahawig ni Lily. "Sugod!!!" Sigaw ni Amao. Agad na tumakbo ang buhay na bato at sunod sunod na sinuntok si lily, subalit hindi sapat ang bilis nito upang matamaan ang bata. "Yahhh!!" Isang malakas na suntok ang binato ni lily dahilan para mabasag ang buhay na bato. "Iwasan mo to!" Napabalikwas si lily ng matamaan siya ng isang bato na ibinato ni Amao sa kanya.

"Tch! Gusto mong makipag-laro? Pagbibigyan kita!" Ibang atake naman ang ginawa ni lily, nagpalabas siya ng madaming bula na galing mismo sa bibig niya

"Ang mga bulang iyan, ay mga bomba!" Hiyaw ni Lily. Agad namang nataranta si Amao dahil sa dami ng bula na unti unting lumalapit sa kanya,

"Hay nako! Kaylangan ko na namang sumisid ulit!" Muli na naman siyang sumisid sa lupa upang maiwasan ang lahat ng bulang patama na sa kanya. Siya ay umahon sa likuran ni lily.

"Buhay na bato!" Muling na namang gumawa si Amao ng isang buhay na bato kung saan agad na yumakap sa likuran ni lily "B-Bitawan mo ko!" Sigaw ni Lily. Isa na namang buhay na bato ang ginawa ni Amao kung saan bumebwelo na para suntukin si lily.

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Where stories live. Discover now