Ang mag-hapon na naganap kay Intoy

2.8K 97 5
                                    

"Taya ka! na dangkal ko na yang tsinelas mo eh!" Galit na galit na sigaw ni inday 

"Anong na dangkal! Nakuha ko na po yung tsinelas ko bago mo madikit yung paa mo sa lata!" Sagot naman ni makmak 

"Anong nakuha? Anong nakuha? Nakuha dawww... nakita yun ni marie! Diba marie?! Nadangkal ko!?"

"Oo na dangkal niya" sagot ni marie habang nakapamewang 

"Hindi! Nakuha ko na kasi yun kanina pa.... diba intoy?"Nagsitinginan ang lahat kay intoy, napangiwi ang mukha niya. 

"Ah, makmak... nadangkal ka niya" alanganing tugon ni intoy

"Ohhhh!!! Diba!!! Bakla ka talaga!" Sabi ni inday sabay batok kay makmak 

"Hahahahahaha" nagsitawanan silang lahat 

"Humanda kayo sa akin buburutin ko sinong mataya ko" pagbabanta ni makmak. 

"Kung magawa mo" mahinang sabi ni inday. Inayos na ni intoy ang lata at pumwesto na sa gilid, mabilis na nag unahan sa pagbato ng tyinelas sila marie, inday, kuykoy, Paeng at ang pinakahuli ay si Intoy. 

Nataaman nilang lahat ang lata, ito'y tumalsik ng napakalayo. Mabilis na nagsitakbuhan yung iba pabalik. Pero binilisan ni makmak ang kilos para maibalik ang lata, subalit kakalagay pa lang niya e natamaan na ito ni marie. 

"Yess!" Sabi niya, habol na naman ulit si makmak. Tumira na muli yung iba subalit karamihan ay hindi naasinta at ang tanging pag asa nilang muli ay si intoy, tinarget niya mabuti ang lata tyaka tumira ng napakalakas.

"Bullseye!" Sugaw nila Inday sa sobrang lakas ng pagkakatalsik ng lata, may natamaan silang isang matanda na mataba na balbasarado at madungis sa di kalayuan. Halip na kuhain ni makmak ang lata e mukhang natakot at napaatras. 

Hindi lang si makmak ang natakot pati na rin ang iba niyang mga kaibigan, pano tiningnan sila ng matanda ng napakasama. "So-sorry po" sabi ni makmak sabay balik sa mga kalaro 

"Bakit hindi mo kinuha yung lata?" Mahinang tanong ni inday 

"Ikaw kaya kumuha, nakakatakot! Mukhang dayo lang yan dito e" sagot ni makmak 

"Eh ayoko nga, baka mamaya baliw yan, intoy, ikaw nalang kaya kumuha?" Sabi ni inday 

"Ako? A-ayoko no" sabi niya 

"Dali ikaw na!!!" Panunukso ng mga kaibigan niya 

"Ang kulit niyo ah, ayoko nga"

"Huwag ka nang pa-cute intoy, kuhain mo na!" Tinulak ni inday at makmak si intoy palapit duon sa matanda, wala nang nagawa si intoy, napalunok nalang siya at nagdasal na sana ay huwag siyang kainin ng matandang yon. Dahan dahang lumapit si intoy sa kinaroroonan ng lata,duon sa may bandang paahan ng matanda. Pinipilit ni intoy na ngumiti habang kinukuha yung lata "hehehe" sabi niya pa subalit laking gulat ng lahat pati na rin si intoy na halos maluha ang mata nang hawakan ng matanda ang braso niya. 

"AHHHHHHHHH!!!!!" Nagsimula na silang lahat magsigawan pero wala pa ring paki-alam yung matanda, may hinahanap siya sa braso ni intoy, inangat niya na ang mangas nang t-shirt ni intoy at nakita niya yung balat nito na hugis bituwin. 

"Ikaw nga.... Sa wakas nakita na kita!" Sabi ng matanda. 

"Bitiwan niyo po ako!" Malakas na hinatak ni intoy ang braso niya at kumaripas ng takbo, pinilit niyang habulin yung mga kaibigan niyang nauna ng tumakbo. 

"Nakita ko na, ang bagong tagapagtangol...." sabi nang matanda sa sarili. 

Nagkita kita sila intoy, makmak, inday at iba pa nilang kaibigan sa bakanteng lote duon banda kila marie. "Siyyeet intoy, akala ko hoholdapin ka e" oey na sabi ni makmak "Oo nga, akala ko dadalhin ka at ipapasok sa itim na van at gagawing siopao!" Sabi ni inday "Oo nga akala ko rin e, natakot talaga ako.... halos ma ihi nga ako e" sabi ni intoy na naghahabol pa rin ng hininga "Mabuti nalang talaga nakatakbo tayo at hindi tayo nahabol nun!" Sabi ni Inday "Nako! Mga makasarili kayo! Ako pa kasi yung tinulak niyo! Akala ko huling pagkakataon ko na yon na makita ang lugar natin!" Galit na tugon ni Intoy "Eh natakot na ako e! May magagawa ka pa ba?" Pagdedepensa ni inday sa sarili "Nako, ang mabuti nalang ay huwag na tayo maglalaro duon, baka makita ulit natin yung baliw na yun" sabi ni makmak 

"Tama tama" pag sang ayon ng iba "INTOY!!! INTOY!!!" biglang tumigil ang pag-hinga ni intoy nang marinig niya ang sigaw ng kanyang ina 

"Lagot intoy.... mukhang gising na ang mama mo" pananakot ni makmak "Mukha nga, kaylangan ko na ring umuwi dahil baka makita ko ulit yung matanda, kayo rin! Baka makita niyo ulit yung matanda at baka holdapin kayo. Haaalllaaa!!" Pananakot ni intoy "Oo nga! Mukhang kaylangan ko na nga ring umuwi" sabi ni inday "Oh sige tara na!" Pagyaya ni marie "Intoy!!!!" Sigaw muli ni aling marisa"O sige uwi na ko! Babay!" Sabi ni intoy  

Nang makauwi na si Intoy, hindi niya na tinangkang ikwento sa ina ang nangyari sa kanila ni makmak habang sila ay naglalaro sa may kalsada, dahil sigurado mapapalo lang siya. Minabuti niya na lang magbasa ng libro samantalang yung ina niya ay nagwalis muna, nang marinig niya ang sigaw ng asawa niya sa labas. "Marisa!!! Marisa!!!" Naalarma naman ang mag ina dahil sa sigaw ni ramon kaya naman sinalubong niya ang asawa sa labas. "Bakit ba ramon? Bakit ka ba sumisigaw?!" Kinakabahang tanong ni marisa. "Halika, pumasok ka sa loob... may maganda akong balita para sayo" sabi ni ramon habang hawak hawak ang kamay ng asawa "Ano ba yon ramon? Kinakabahan naman ako sayo e" 

"Mahal, natangap na ako sa pinapasukan kong trabaho!!" Nagulat silang lahat sa narinig

"Talaga ba mahal? Totoo ba yan?" Tanong muli ni marisa 

"Oo nga! Seryoso ako! Hahahaha! Kakatangap ko lang ng text mula dun sa pinag-applayan ko ng trabaho kanina, sabi nila pwede na daw akong mag-simula bukas!" Sa sobrang galak ng mag asawa ay nagtatalon sila at niyakap nila ang kanilang anak. Lumabas si marisa sa bahay at sumigaw. 

"HOY ALING PEPAY! MABABAYARAN KA NA NAMIN! MAY TRABAHO NA ANG ASAWA KO!!!" Bumalik siya sa loob pagkatapos. 

"Ibig sabihin pa, makakapasok na ulit ako?" Tanong ni intoy, lumuhod si ramon para makaharap ang anak. "Oo, intoy... makakapasok ka na ulit, hindi mo na kaylangang laging lumiban, dahil magkakaroon ka na ng pambaon" masayang sabi ni ramon"Yehey!!!" Sa sobrang saya ni intoy ay muli niyang niyakap ang ama. "Marisa?" Tawag ni ramon "Bakit ramon?" 

"Siguro ito na yung epekto ng sigben... siguro,nagsisimula na tayong swertihen" sabi ni ramon 

"Talaga?" 

"Oo.... dahil siguro sa sigben" 

"Salamat sa sigben mahal" 

"Salamat sa sigben"Nagyakapan sila mag-asawa at masayang ngumiti si intoy "Intoy sama ka dito, maki group hug ka din" sabi ni marisa sa anak. Lumapit si intoy at nakiyakap din ang magulang 

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu