Roleta

430 22 0
                                    


Sa tindi ng labanang pinakita ng walong batang manlalaro, apat nalang ang natira. Ito'y walang iba kundi si: Intoy, Lily, Ramuel, at ang huli ay si Axel. Nagkaroon muna ng sandaling pagpapahinga para sa mga manunuod at pati na rin sa kanila Haring Laurel at kay Reyna Isabela.

Habang nagpapahinga sila, hindi maiwasang itanong ng hari kung bakit hangang ngayon ay balot parin ang buong katawan ng reyna "Ang totoo kasi...." Panimula ni Reyna Isabela "Ayoko lang makita ng mga engkanto ang balat ko, hindi talaga maganda ang kalagayan niya ngayon. Sana ay maintindihan mo" Tumango tango nalang ang hari bilang sagot.

"Hindi ko inakala na ganon pala kalakas ang anak mo na si Axel reyna isabela"

"May mga bagay talaga na nilikha para maging malakas, at sa tingin ko ang anak ko ang isa sa halimbawa non" Napangiti naman si Dugong habang nakikinig sa nagiging usapan ng dalawang lider. "Abbie" Tinawag ng hari ang kanyang sekretarya, agad naman itong lumapit sa kanya. Sumenyas ang hari at may binulong, tumango tango si Abbie habang pinakikingan ang sinasabi ng hari.

"Masusunod po!" Agad namang umalis si abbie at agad ng tinahak ang lugar na pinapasilip ng hari sa kanya.

Samantala, magkatabi naman sila Amao, Intoy, Jek-Jek, Daniel, Rosalinda at si Ramuel.

"Grabe, napakalala ng nangyari kay Torlax no" Wika ni Daniel

"Oo nga eh, kita niyo naman kanina... halos patayin niya na si Torlax sa mga pinag-gagawa niya" Saad ni Rosalinda

"Nako! Kinakabahan tuloy ako" Wika ni Intoy "Baka mamaya, ako pa ang makatapat niya sa susunod na laban!"

"Haha! Kabahan ka na intoy, yan yung dahilan kung bakit sumuko ako sa laban namin ni lily kanina... alam kong mas mahihirapan ako kapag nakapasa ako!" Wika naman ni Amao

"Ikaw ba Ramuel, hindi ka ba kinakabahan?" Tanong ni Jek-Jek

"Hindi naman, handa naman ako kahit papaano" Sagot nito

Sa pagamutan naman ay patuloy pa din ang pang-gagamot sa sugatang si Torlax. Hindi na pinapasok sila Teri at laura sa loob upang hindi maging sagabal sa pang-gagamot.

Halos manlumo si Teri sa kalagayan ng kuya niya, hindi niya maatim na ito ay mawala dahil si Torlax nalang ang nag-iisa niyang kapamilya na buhay hangang ngayon. Siguro kapag nawala pa si Torlax ay mabaliw nalang siya dahil sa labis na kalungkutan. Habang si Laura naman ay naluluha dahil sa unang pagkakataon, nakita niyang walang kalaban laban ang torlax na lagi niyang nakikitang matatag at malakas.

"Magpakatatag ka Torlax" Bulong ni Laura.

"Kuya... wag mo kong iiwan" Bulong ni Teri.

Sa gitna ng pagmumuni muni nila ay naramdaman nila ang palad na nakapatong sa mga balikat nila, pagkalingon nila ay nasilayan nila ang tagapagturo ni Torlax na si Heneral Tunying.

"Huwag kayong mag-alala... makakaligtas yan. Malakas yan si torlax, wag kayong mangamba" Pilit nalang na pinapagaan ni Tunying ang pakiramdam ng dalawang bata kahit na siya mismo ay nababagabag.

Samantala, makalipas lang ang ilang sandali ay muling nagpatuloy ang labanan. Pinatawag ni Artemyo ang natitirang apat na bata na maglalaban laban. Silang apat ay nakatayo sa gitna ng arena.

"Ngayon, malalaman na natin kung sino sa kanila ang maghaharap harap!" Panimula niya. Mula sa pasilyo may inilabas ang mga tikbalang na isang roleta na kung saan nakalagay ang pangalan ng apat na bata.

"Paiikutin ko ang roleta ng dalawang beses na indikasyon sa pangalan ng dalawang bata na maghaharap sa unang laban, samantalang yung dalawang natira sila na ang maghaharap sa ikalawang labanan!" Pagpapaliwanag niya.

Sobrang kinakabahan si Intoy, hindi niya alam kung bakit parang may hindi magandang mangyayari. Sobrang bilis ng pintig ng kanyang puso. Hindi dahil kay Axel, kundi sa ibang bagay na bumabagabag sa pakiramdam niya na hindi niya naman lubos maintindihan.

Sinimulan na ni Artemyo ang pag-papaikot sa roleta, lahat ng mga manunuod ay nakatutok kung kaninong pangalan ang unang matuturo. Makalipas lang ang ilang segundo, ang roleta ay tuluyan ng huminto at ito ay natapat sa pangalan ni.

"Axel! Mula sa bayan ng Perla!" Sigaw ni Artemyo

"At ang kanyang makakaharap ay si..." Muli niya na namang pinaikot ang roleta at sa ikalawang pagkakataon, ito naman ay huminto kay....

"Intoy! Ang batang ang tagapagtangol! Na mula sa bayan ng Amadeus!!!"

"JUSKO PO!!!!!!!!"

Nagsimula ng matakot at manginig ang buong katawan ni Intoy matapos niyang marinig ang pagtawag sa pangalan niya, nakadagdag lalo sa kaba niya ang hiyawan at suporta ng mga engkanto na nanunuod. Napalingon siya kay Axel na kung saan masamang nakatitig sa kanya at napangiti ng magtama ang titig nila.

Napalunok si Intoy dahil sa takot. "Gusto ko ng umuwi" Bulong ni Intoy sa sarili niya

"Ibig sabihin sa susunod na laban, si Ramuel na mula sa bayan ng Grodus ay makakaharap si Lily na mula sa bayan ng Perla"

Muling bumalik sa pasilyo ang mga tikbalang na may hawak ng roleta at pati na rin ang dalawang bata na si lily at si ramuel.

Naiwan naman sa gitna ang unang dalawang bata na maghaharap.

"Mukhang magiging maganda ang laban na ito" Wika ni Maestro Mayan.

"Tingnan natin kung may natutunan ba ang batang tagapagtangol sa naging pagsasanay niya" Saad naman ni Maestra Luna.

"Sa sandaling ito! Ang inyong labanan ay magsisimula na!" Hiyaw ni artemyo.

Samantala, naglalakad patungo sa labas ng arena ang sekretarya ni haring laurel na si abbie. Inutusan kasi siya ng hari na silipin kung ano na ang kalagayan ng mga guwardiya na nagbabantay para sa kanila.

Nagtaka siya kung bakit walang mga kapre at tikbalang ang umiikot ikot upang magbantay.

"Nakapagtataka" Wika niya. Sinubukan ni abbie na maglibot-libot at laging gulat niya ng sumiwalat sa kanya ang katawan ng mga nagbabantay na nakahiga na sa lupa at halos wala ng mga buhay.

"H-Hindi.... Nasa panganib ang lahat ng mga engkanto!" Agad tumakbo si abbie pabalik ng arena subalit laking gulat niya ng may lumitaw sa harapan niya.

"Kamusta?!" Wika niya

Nambilog ang mata ni abbie ng makilala niya ang nilalang na humarang sa kanya

"i-ikaw si..."

"Oo ako nga, wala ng iba pa"

"Ibig sabihin... ikaw ang espiya! Ikaw ang mata ni Valu!"

"Nakakatawang isipin na nagawa ko kayong pasukan ng walang kahirap hirap! Ito na ang magiging simula ng katapusan ng bayan niyo!"

"Makaryo!" Sigaw ni Abbie.

"Wag kang magalit, balang araw makikinabang din.... magtiwala ka sa akin"

"Tumahimik ka! Isa kang kalaban!" Pinahaba ni Abbie ang kanyang mga kuko at akmang kakalmutin si makaryo. Subalit mabilis ang pag-iwas nito kaya hindi siya natamaan ng mga atakeng iyon.

"Magpahinga ka na muna!" Isang malakas na suntok ang ginawa ni Makaryo dahilan para mapahiga si abbie sa sakit.

"Kaylangan mo munang umidlip.... kahit konti" Nakangiti niyang tugon. Unti unti namang dumilim ang paningin ni abbie dahil sa kakaibang amoy na inilabas ni Makaryo mula sa isang maliit na bote galing sa bulsa niya.

"Mukhang wala ng magiging sagabal ah?" Wika ni Makaryo

"O siya Janry... Halika na" Mula sa kawalan lumabas ang isang bagong alagad ni Valu na may kakaibang kapangyarihan.

"Handa ka na ba Janry?" Tanong ni Makaryo "Ipinanganak akong handa" Sagot nito

"Magaling... Ipakita mo sa lahat ng engkanto ang kapangyarihan ng sensiya at kaylangan nating ilabas ang ating tunay na kapangyarihan"

Sumipol si Makaryo at matapos niyang gawin iyon, lumitaw mula sa kanyang likuran ang mga pulutong na mga wakwak, tiyanak, kapre, at mga tikbalang na kampon ni Valu.

"Humanda kayo Bayan ng Amadeus, sisiguradin namin na ito ang magiging bangungot niyo. Lalo ka na intoy!" 

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Where stories live. Discover now