Ang Simula

1.1K 39 4
                                    

Ito na ang araw na pinakahihintay ng lahat, dahil sa puntong ito, magsisimula na ang Odus Battle Exam na ginaganap taon taon.... Nagsisidatingan na din ang ibat- ibang engkanto na mula sa ibat-ibang bayan. Mahigpit ang pagbabantay ng mga kawal sa seguridad ng bayan lalo nat baka sumalakay bigla ang pangkat ni Valu.

Sa tulong ng Kapatiran, mas dumoble ang seguridad ng bayan, Lalo nat nasa bayan ng Amadeus ang batang tagapagtangol at hinding hindi hahayaan ng hari na masaktan o makuha man ni Valu ang batang tagapagtangol.

Masaya at handa ang lahat papunta sa Arena na pagpupulungan ng lahat, sapat ang lawak nito para sa lahat ng mga engkantong magrerehistro sa pagsali sa magaganap na patimpalak.

"Mukhang madami talaga tayong mga bisita a" Sabi ni Heneral Tunying sa kaibigan niyang si David na nakatanaw sa mga engkantong papasok ng Arena. "Hindi ba nakakatuwa ito? Sa pagkakataon kasing kagaya nito ay nabibigyan ng pag-asa na magkabati bati na ang mga bawat bayan na puno ng giriian?" pagpapatuloy nito.

Sumagot si David na hindi man lang lumilingon sa kaibigan "Tama ka... Ngunit, hindi tayo dapat maging labis na masaya, dahil hindi natin alam kung isa ba sa mga engkanto na yan ay alagad ni Valu na nais gumawa ng masama" 

"Tama ka.... at yun ang bagay na pilit naming iiwasan..... Na magkaroon na naman muli ng Digmaaan" 

******

"Uy Teri mabuti naman na makakasali ka na dito!" Sabi ni Amao kay Teri na nakapila upang rumihistro. 

"Oo nga e, mabuti nalang talaga at nagbago ang isip ni Kuya Torlax ko" Bakas sa mukha ni Teri ang tuwa. "Nakakatuwa no? dahil biglang nagbago ang isip ng kuya mo....." 

"Oo nga e, kaya sobra akong saya dahil napayagan niya na ako" 

******

Lahat ng engkanto ay pumipila pa. Kasama din dito ang iilang kaibigan ni Intoy, Si Jek-Jek, Ramuel, Rosalinda, Amao, Daniel, at maski ang kinaiinisan nilang lahat si Lucas, nandun din si Laura na kahit pamangkin ng Hari at siya ang pangulo ng eskwalahan ng Amadeus, ay nakipagsiksikan din sa pila upang rumehistro para makasali.

Si Maestra Luna ang umaasikaso sa mga papeles na susulatan ng mga engkanto, kasama din niya sa pagtulong si Maestro Mayan, si Heneral Tunying naman ang gumagabay sa mga engkanto na pumunta sa Arena. Samantalang si Abbie naman kasama ang kasintahan niya ang umaasikaso sa mga espesyan na bisita papunta sa kani-kanila nilang mga silid.

Napaka-ingay sa loob ng Arena, ngunit huminto ang lahat sa paglikha ng ingay ng makarinig sila ng malakas na tunog mula sa kanilang itaas. Sabay sabay na nagsitingala ang lahat---- Duon nila nakita ang Hari ng amadeus, Si Haring laurel na nakangiti sa kanilang lahat.

"Maligayang pagdating sa aking munting bayan! Inaanunsiyo ko sa inyong lahat ng ang Odus battle Exam na pinakahihintay ninyong lahat! Ay magsisimula na!" Sabay sabay na nagsihiyawan ang lahat! "At hindi lang iyon" muli silang tumahimik dahil sa muling pagsasalita ng Hari "Sa susunod na araw, ipakikilala ko na sa inyong lahat ang ating Bagong Tagapagtangol!" Muli na naman silang nagsihiyawan, Masayang masaya sila. Na mistulang wala silang kalaban. 

"O sige, magsaya kayo ngayon.... dahil sa susunod na araw puro pagluha na ang maririnig ko" Sabi ng isang engkantong aswang na nakapila upang sumali sa Odus battle Exam. 

"Ano pong pangalan nila?" naputol ang pag-mumuni muni niya ng siya napala ang nasa unahang pila upang magpalista. "Ah-- Ako po pala si Makaryo... Mula sa bayan ng Grodus" Sabi niya sabay ngiti. 

*******

Nang matapos na ang lahat makapagrehistro. Pumunta naman sila sa isang malawak na lugar upang malaman ang una nilang gagawin. 

Pumunta sa Harap ang pinuno ng kapatiran... Si Lizardo. "Ako pala ang magiging proktor niyo sa magiging unang pagsusulit niyo" Nakaramdam ng kaba at takot ang lahat, maski si Torlax ay kinabahan din.

"Nakakatakot naman siya" Pabulong na sabi ni Jek-Jek

"Tama ka" pagsang-ayon naman ni Teri.

"Nais ko na makinig kayong lahat! Isang beses ko lang sasabihin ang gagawin niyo kaya makinig kayo!" 

muli siyang nagpatuloy sa pagsusulat "Ang una ninyong magiging laro ay ang 'Gubat ng kamatayan' Hehehehe" 

Sunod sunod ang bulungan ang umalingawngaw sa buong paligid.

"Ano daw? Gubat ng kamatayan? nais niya ba tayong patayin?" 

"Nakakatakot talaga!"

"Parang gusto ko ng umayaw!"

"SA LAHAT NG MGA DUWAG DIYAN NA MAHAL PA ANG BUHAY NILA! MABUTI NG UMALIS NA KAYO DAHIL SISIGURADUHIN KONG MAPAPATAGO KAYO SA LIKOD NG MGA NANAY NIYO!" Seryosong saad ni Lizardo. 

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Where stories live. Discover now