PAGTATAPOS NG LABANAN

551 21 4
                                    

Sa oras ng kagipitan, mapapadali lang ang pag-solusyon sa isang problema kung lahat kayo ay mag-tutulungan at magsama-sama. Sa Sandaling iyon, tumulong na ang tatlong bata na sila Ramuel, Axel at Intoy sa pakikipag-harap kay Valu.

Pero nang dumating na sila, mukhang malaking pinsala na ang nagawa ni Valu sa loob ng arena, marami ng nasaktan, duguan at meron na ding ilang engkanto ang namatay. Labis ang emosyon na nararamdaman ng tatlong bata, si Axel na nakaramdam ng pagta-traydor, si Ramuel na nasasabik na makaganti, at si Intoy na labis na nalulungkot dahil sa ginawa ni Valu sa amadeus.

"Kailangan na nating gamitin ang kapangyarihan ng Agimat" Wika ni Ramuel bago sila lumabas sa loob ng arena.

"Sigurado ka bang magagamit ko na ang kapangyarihan ko?" Wika ni Axel na bahagyang nag-aalala.

"Wag kang mag-alala, ibabalik ng gamot na pina-inom ko sa'yo ang lahat ng kapangyarihan na nawala sa'yo. Pati rin ang mga sugat mo ay aalisin nito" Pagpapaliwanag nito

"Kaya pala, parang bumalik yung lakas ko" Wika ni Intoy.

"Humanda na kayo! Tatapusin na natin si Valu!" Umatras muna ng bahagya si Intoy upang mabigyan ng espasyo ang dalawa upang makapag-ipon ng lakas. Ilang sandali pa ay biglang nag-liwanag ang kanilang mga mata, at pati na rin ang kanilang mga bibig. Sa sobrang lakas ng liwanag na kanilang ginawa, napapikit si intoy.

Kulay asul ang kay Axel samantalang kulay Lila ang kay Ramuel. "Kapangyarihan ng Sinumpang Ahas!" Sigaw ni Ramuel

"Kapangyarihan ng halimaw na asul na pating!" Sigaw ni Axel, biglang may lumabas na malakas ng pwersa sa buong katawan nila. "Tara na, tulungan na natin ang mahal na hari" Wika ni Ramuel, tumango naman si axel bilang tugon. Mabilis silang lumipad sa ere at pinuntirya ang dalawang malaking dragon na lumilipad

"Ikaw Valu! Pinatay mo ang buong engkanto sa bayan ko! Pagbabayarin kita!!" Wika ni Ramuel

"At ikaw! Pinatay mo ang aking ina! at ginamit mo lang kami upang sirain ang bayan ng Amadeus!" Wika ni Axel.

Pero lalong nagulat si Valu ng makita niya si Haring laurel bilang isang kaluluwa.Tiningnan ni Ramuel ang pinangalingan ng espirito ni haring laurel at nagitla siya ng makita niya ang katawan nito na wala ng buhay.

"Ang huling pagpapalit anyo ko Valu! Bilang isang espiritong dragon!" Sa isang ihip ng hangin, sumabay ang pagpapalit anyo ni haring laurel bilang isang espiritong dragon.

Kaya naman napa-iling nalang si Valu ng makita ang tatlo pang makakalaban niya.

"At nakalimutan mo ko!" Lumingon siya mula sa likod, mula dito nakita niyang nakatayo ang buhay na buhay na si Intoy.

"Baka nakalimutan mo na nandito pa ako, ang tagapagtangol!"

Nabuhayan ang mga engkanto ng tuluyan ng mag-pakita ang batang tagapagtangol, Tila nabunutan sila ng tinik sa nakabaon sa kanilang mga dibdib.

"Nasaan na sila Makaryo?" bulong ni Valu. "Akala ko ba siya na ang bahala sa dalawang batang ito?" Dugtong niya.

"Kung hinahanap mo sila makaryo! Nagawa ko na siyang talunin!" Wika ni Ramuel. Tinitigan naman siya ng masama ni Valu at kinikilatis ang kanyang pisikal na pangangatawan.

"Kaya naman pala hindi nahahati sa dalawa ang katawan mo ay dahil na sa'yo ang isang agimat, at hindi isang pulang bato!" Wika ni Valu "Magandang bagay rin yon dahil pagkatapos kong kunin ang agimat na meron ang bayan ng perla ay isusunod din agad kita!" Dugtong niya.

"Hindi mo ako basta-basta mahuhuli Valu, iyon ang dahilan kung bakit nakaligtas ako sa pagpatay mo sa mga kasama ko! at nandito ako para gumanti! at ako ang tatapus sa iyo!!" Bakas ang galit sa tono ng pananalita nito.

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Where stories live. Discover now