Torete

610 34 3
                                    


Pumasok sa loob ang isang pamilyar na lalake at yumukod sa harap nila Axel.

"Ikinagagalak ko na makaharap kayo" tugon nito.

"Sino ka?" Tanong ni Axel.

"Ako si Makaryo, at mula ako sa bayan ng Grodus"

Pinagmasdan mabuti ni Axel itong si Makaryo simula ulo hangang paa. Napaismid naman si makaryo sa paraan ng pagtitig ni axel sa kanya.

"Ano bang klaseng tingin yan? Hindi mo ba ako pinagkakatiwalaan?" Tanong ni Makaryo dito, pero hindi siya inimik ni Axel "Diba kasama ka din sa Odus Battle Exam?" Tanong ni Lily dito.

Tumango si Makaryo bilang sagot "Kaya pala, mukhang pamilyar ka sa akin eh" Tugon ni Lily dito.

"Kamusta naman ang unang parte ng pag-subok?" Tanong ni Dugong. "Mabuti" wika ni Karlo sabay upo sa bintana.

"Kung ganon, dapat masiguro niyo na makaabot kayo hangang dulong parte ng paligsahan. Dahil yun ang magiging unang hakbang niyo upang mapagtagumpayan itong ating misyon" pagpapaliwanag ni Dugong "Ano bang plano?" Tanong ni Makaryo dito.

Tiningnan muna siya Dugong bago sumagot.

*****
 
Araw ng Miyerkules, naisipan ni Intoy na dalawin si Laura sa pagamutan. Kaya naman, naisip niya na kumuha muna ng mga bulaklak sa kagubatan.

Habang nag-iikot siya sa loob, nakita niya si Teri na nagsasanay mag-isa. Kaya naman pinagmasdan niya itong mabuti habang nag-eensayo. Nagtungo si Intoy sa isang puno upang makapagtago.

Napansin ni Intoy na kahit magkapatid sila Teri at Torlax ay magkaibang magkaiba sila sa paraan ng pakikipag-laban. Sa paraan ng pag-sipa nito, sa pag-galaw, ibang-iba talaga.

"Kaylangan kong pagbutihan itong pag-eensayo ko, dahil siguradong madidismaya sa akin si Kuya kapag natalo ako.... at para mapansin na ako ni Intoy" Bulong ni Teri sa sarili niya at biglang namula ng maalala niya si Intoy, pero hindi niya alam... Si intoy na iniisip niya, nasa likod lang ng puno at pinagmamasdan siya.

May tatlong troso na naka-pwesto sa harap ni Teri ngayon at ito'y kanyang pinag-sisipa sa loob ng isang tirahan lang. Sunod naman niyang inasikaso ay ang isang puno ng mahogany. Nais niyang palakasin ang sipa ng mga binti niya kaya pinag-sisipa niya ito. Sipa ng sipa si Teri sa katawan ng puno, at patagal ng patagal. Nakakaramdam na siya ng sakit.

Kaya naman napa-upo siya at minasahe muna ang mga binti niya. "A-ang sakit" Wika ni Teri, Dahil sa sobrang pag-gamit ni Teri sa binti niya ay ito'y nagka-pasa. Nagulat si Intoy ng makita niya ang mga pasa na nasa binti ni Teri, kaya naman naalarma siya.

Lumabas na si Intoy sa pinag-tataguan niya at nilapitan na si Teri na nahihirapan ng tumayo. "Teri?! Ayos ka lang ba?!" Sabi ni Intoy habang lumalapit dito. Nambilog naman ang mata ni Teri dahil sa biglang pag-sulpot ni intoy sa kung saan.

"I-intoy?!" Biglang nasitayuan ang mga buhok ni Teri dahil sa pagkabigla. Agad siyang tumayo para makapag-tago. Pero ng pagka-tayo niya ay nawalan siya ng balanse dahil sa mga pasa sa binti niya.

Pero bago siya tuluyang bumagsak sa lupa, ay nasalo siya ni Intoy kaya naman pumaibabaw siya sa dibdib nito.

"Nako po! Sobrang lapit na ng mukha ko kay Intoy..... Sobrang Gwapo..... Aaaaaaahhhh!! Nakakahiyaaaaa"

Kung kanina lang ay hindi mabalanse ni Teri ang pag-tayo niya, ngayon ay biglang nagsilabasan ang lakas sa katawan niya. Hindi niya ininda ang sakit sa pagtayo at hindi lang yon, lumundag pa siya palayo para madistansiyahan si Intoy.

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora