Hinala

434 18 2
                                    


"Hindeeeee!!!!!" Napayakap si Abbie kay Haring Laurel nang ibalita na ni Lizardo ang masalimuot na naging katapusan ni Lulu.

"Pano-Sino?! Anong nangyare!!!" Naaawa si Haring Laurel sa naging reaksiyon ni Abbie dahil halatang hapong hapo na ito.

"Huminahon ka, mag-hunos dili ka!" Saad ni Lizardo "Hindi ito ang tamang panahon para umiyak ka ng ganyan!" Dugtong pa niya

"Kung ganon! Kailan?! Kailan ko pwedeng ilabas itong sama ng loob ko?! Sabihin mo!" Galit na sagot ni abbie.

"Haring Laurel, pakalmahin mo siya" Wika ni Lizardo kaya naman hinawakan ng hari ang ulo ni abbie at gumamit ng majika upang makatulog ito.

"Hindi ako makapaniwala lizardo--pakitabi nga itong si Abbie" Saad ng hari. Agad inalalayan ng ibang kasapi ng kapatiran ang pagod na katawan ni abbie.

"Maski kami mahal na hari ay hindi pa rin makapaniwala na nakaharap ni Lulu ang mga kalaban---ibig sabihin, nakapasok sila sa bayan ng wala man lang nakakaalam"

"Sa tingin mo? Sino ang may posibilidad na nasa likod ng kagagawan na ito?" Tanong ng hari. Umiling si Lizardo bilang sagot "Wala akong ideya mahal na hari, pero sa tingin ko... Siya ay may alam" Itinuro niya si Abbie.

"Kailangan na nating idoble ang seguridad ng bayan dahil sa pangyayaring ito. Lizardo, dinedeklara ko ang ikatlong klase ng seguridad. Ngayon na"

*****

"Saan ka ba nang-galing dugong?" Pag uusisa ni Axel ng ito'y bumalik sa kanilang tinutuluyan.

"Wala ka na don" Sagot nito.

"Teka, Ano yang nasa leeg mo?" Tanong ni Karlo.

"Ito? Bakas ng pakikipag-laban"

Tumingin ng masama ang tatlong bata mula sa maestro nila.

"Magsabi ka nga sa amin ng totoo, meron ka bang tinatago sa amin?" Sabi ni Lily

"Ako? Wala?! Pero ang takbo ng misyon natin. Ganon pa din. At nga pala, Bukas. Darating na ang inyong ina. Maghanda na kayo. Lalo ka na Axel" Saad ni Dugong.

"Tch, Hindi ko na kailangan mag handa pa para lang salubungin ang babaeng yan!" Malamig na tugon ni Axel.

"Nga pala. Nasaan na si Makaryo?" Wika ni Karlo.

"Nagtago na siya. Lalo na't baka makatunog ang mga taga amadeus at malaman nilang kakampi tayo ng kalaban" Sagot ni Dugong.

*****

"Abbie. Sa wakas ay gising ka na" Wika ni Haring Laurel.

Nasa isang silid si Abbie kasama si Haring laurel at ang lider ng kapatiran na si Lizardo. Malakas kasi ang kutob ni Lizardo na baka may alam na impormasyon si abbie patungkol sa mga espiyang nakaharap ni Lulu.

"Mahal na hari. Paumanhin sa inasal ko kanina" Wika ni Abbie na halatang malungkot. "Naiintindihan ko abbie. Wag kang mag-alala" Sagot nito.

"Abbie. Kung maari lang sana--- pwede ba kitang tanungin ng ilang impormasyon kung may napag-usapan ba kayo ni Lulu na pinaghihinalaan niyang kalaban o espiya na nakapasok sa bayan natin?" Tanong ni Lizardo.

Nag-isip muna si abbie ng mabuti bago tuluyang sumagot 

"Meron. Meron siyang pinaghihinalaan"

"Sino ito abbie? Pwede mo bang sabihin sa amin?" Wika ni Haring Laurel. Tumango ito bilang tugon.

"Ang huling natatandaan ko....

"Abbie... nasa peligro ang Amadeus" Nambilog ang mga mata ni Abbie dahil sa gulat.

"A-ano?! Ka-kanino?!" Tanong niya dito.

"Ang totoo, lahat tayo... nasa peligro. Pati ikaw... pero hindi ko mapapayagan yon"

Sobrang naalarma si abbie ng marinig niya ang lahat ng babala na pinagsasabi ni lulu sa kanya.

"Pwede ba lulu! huwag ka ng magpaligoy-ligoy pa! Sabihin mo na sa akin ang totoo! Sino ang kalaban ng bayan natin ngayon?"

"Sino pa ba? Edi sa Valu at isa sa espisya niya ang nagawang pumuslit sa bayan natin. Ito'y walang iba kundi si... Makaryo, siya din ang may gawa ng sugat ko sa katawan ngayon"

Hindi makapaniwala si abbie sa narinig. Dahil mistulang mabait na bata ang tinuturong espiya ng kasintahan niya.

"P-Pero? Baka nagkakamali ka lang"

"Sana nga nagkakamali ako, pero sa paraan ng pakikipaglaban niya sa akin sa loob ng gubat ng kamatayan. Masasabi ko na mahusay siya at hindi ko gusto ang awra sa personalidad niya"

"Gusto mo ba na sabihin ko na agad itong impormasyong ito kay Haring Laurel?"

Umiling si lulu at nagpaliwanag munang mabuti sa dalaga.

"Nais ko munang alamin kung tama ba itong hinala ko bago natin ipaalam sa hari ang impormasyong ito. Mahirap na, baka makatunog ang tunay na espiya na hinahanap natin siya. Magtago pa. Mas mainam kung ako na lang ang mag mamatyag"

"Ganon ba? O sige. Hindi na kita mapipilit pa" Bumuntong hininga ang dalaga tyaka tinitigan ang kasintahan

"Yun lang ang huling bagay na sinabi sa akin ni lulu patungkol sa tinuturo niyang espiya" Pagpapaliwanag ni Abbie.

"Sino ba itong Makaryo, Lizardo?" Tanong ni Haring Laurel.

"Ang alam ko po, isa siyang iskolar sa bayan ng Grodus. Siya ay naglalakbay upang patibayin ang pananampalataya niya kay bathala. Yun lang ang mga impormasyong nakalap namin sa kanya pero patungkol sa pinagmulan niya? Wala kaming nahanap"

"Kung ganon. Hanapin niyo. Siguraduhin niyo na mahahanap niyo siya dahil panigurado. Hindi magiging maganda ang magiging kahihinatnan nitong Odus battle exam kapag nakapasok ang kampon ni Valu"

"Opo. Masusunod" Dagling lumabas si lizardo at pinaghahanap ang lokasyon ni Makaryo.

Lahat ng aswang ay nagpalit anyo bilang isang lobo upang maamoy lamang ang posibleng lugar na kinalalagyan ni Makaryo. Subalit sa kabila ng dami nila sa paghahanap, maski anino man lang ni makaryo ay hindi nila nasulyapan.

"Master Lizardo. Hindi po namin nahanap si Makaryo sa buong bayan ng Amadeus" Wika ng isang kasapi ng ito'y makapasok sa kanilang silid.

"Hindi maari. Sigurado, nakatunog na siya. Kaya nakalabas na siya dito" Gigil na tugon ni Lizardo. "Huwag kayong tumigil sa paghahanap. Lahat ng mga engkanto na mahusay sa paghahanap ay isama sa trabahong ito! Dahil bayan natin ang nakasalalay dito! Bayan ng Amadeus! At hindi natin hahayaan na mapasok at masira ito ng mga nilalang na kagaya ni Valu!"

Agad na nagsipagkilos ang lahat ng kasapi ng kapatiran at bumalik muli sa paghahanap. Bahagyang natakot ang ilang mga engkanto pero agad itong nawawala sa tuwing naiisip nila na patungkol ito sa kaligtasan nila.

"Hindi niyo na ako mahahanap pa mga mangmang" Wika ni Makaryo habang nakatingin sa mga engkatao na naghahanap sa kanya.

Nagpalit anyo siya bilang isang babae dahilan para hindi siya mahanap ng kapatiran.

Naputol ang pagmumuni muni niya ng may biglang pumasok sila Intoy at Amao upang bumili ng isang sabaw.

"Kung sinuswerte ka nga naman oh. Mismong ang tagapagtangol na ang lumapit sa akin, para tapusin ang buhay nito" Bulong ni Makaryo

"Pabili nga po ng dalawang sabaw" Wika Ni Amao.

"Sandali" Pumasok si makaryo sa kusina at ngumiti ng masama sa maari niyang gawin sa pagkain ni Intoy.

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Where stories live. Discover now