Tunay na pakay

450 17 2
                                    

"Sumuko na kayo! Dahil masasakop na ni Valu ang buong amadeu----" Isang suntok ang binato ni Tunying sa isang aswang na nagwawala sa gilid ng arena "Tumahimik ka!" bulalas niya. "YAAHHHH!" Agad niyang sinipa ang ilan pang mga engkanto na nasa paligid niya. "Napakadami niyo naman!" Wika niya. Patuloy niyang pinagsisipa ang mga aswang, wakwak na nagtatangka na sugurin ang mga ilang engkanto na walang kalaban-laban.

"Hindi ko kayo mapapatawad!!!" Napalingon naman ang lahat sa galit na galit na si lizardo, Humaba ang dalawang sungay niya, hudyat na nagagalit na siya. Ang mga ugat sa kaniyang katawan ay nag-sisipaglabasan. "HUMARANG GIBA!!!!" Agad niyang inararo ang lahat ng mga kalaban na humarang sa dinaraanan niya. "Hindi ko hahayaan na sakupin niyo ang bayan ko!!!!" galit na tugon niya.

Samantala, agad namang pinalikas ang lahat ng matatanda at bata sa pinaka-ligtas na daan, gamit ang isang sikretong pasilyo, malaya nilang napapatakas ang mga engkanto na hindi nalalaman ng mga kalaban.

"Bilisan niyo! Kaylangan niyo agad makaalis!" Wika ng isang kasapi ng kapatiran. Habang ginagabayan niya ang mga engkanto, may isang kalaban na wakwak ang lumapit sa kanila at mabilis siyang dinagit. Lahat ng mga engkanto ay natakot, hindi alam kung ano ang kanilang gagawin.

"Saan kayo pupunta!!?" Wika ng wakwak. Hindi nakasagot ang mga takot na engkanto dahil lahat sila ay nakayuko at nanginginig sa kaba. "Hahahaha! Dapat lang kayong matakot! Dahil ito na ang katapusan niyo!" Akmang ikakalmot na ng wakwak ang kanyang mahabang kuko ng may isang dila ang pumulupot sa kamay niya at hinatak ito palayo "Aba! Sino!" Napalingon siya sa pinangalingan ng dila, mula ito kay Rosalinda.

"Buhay na bato!" Sigaw ni Amao, gamit ang kanyang binuhay na bato, agad itong sumugod sa kalaban nilang wakwak. Hindi niya naiwasan ang suntok na ibinato ng buhay na bato dahil nakapilipit padin ang dila ni Rosalinda sa kamay niya.

Habang nakikipaglaban ang dalawa, si Daniel naman ang umasikaso na naghatid sa mga engkanto patungo sa labas ng arena.

"WAAAH!" Lumipad ang wakwak dahilan para masama si Rosalinda sa pagtaas nito. "Rosalinda!" Agad na hinawakan ni amao ang paa nito upang hindi tuluyang mapasama sa pagtaas. "eh-Amao! Tetelengen me ekee!!" Wika ni Rosalinda "Bitiwan mo na siya!!!!" Agad namang sinunod ni rosalinda ang utos ni amao at agad binawi ang dila niya.

"Hindi natin kaylangan makipag-laban, ang kailangan nating gawin ay dalhin sa pinakaligtas na lugar ang mga engkanto" Paalala ni Amao.

Samantala, sa pasilyo na pinagtataguan nila Intoy at Axel. Tuluyan na ngang napabagsak ni Makaryo ang nagligtas sa dalawang bata na si Kaza, sa tulong na din ng isa pang alagad ni Valu na si Janry.

"M-Makaryo" Wika ni Axel habang pilit na tumatayo.

"Dalawang ginto, nasa harap ko... siguradong matutuwa si master Valu nito" Wika ni Makaryo

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Axel "Anong dalawang ginto?"

"Sasabihin ko pa ba sa'yo? O huwag na? Ayoko kasing mabigla ka" Wika nito.

"Tch! Kunin niyo na ang tagapagtangol upang magawa na naming hanapin ng mga kapatid ko kung nakanino ang agimat na nasa bayan ng amadeus" Wika ni Axel

"Hep hep hep, hindi mo na kaylangan pang tumulong. Sapat na ang lahat ng ginawa mo upang matulungan kami... tungkol sa paghahanap kung nakanino ang agimat, kami na ang bahala duon" Wika niya.

"Kung ganon, kaylangan ko ng umalis! Kaylangan ko ng puntahan sila dugong!"

"Hindi ka pwedeng umalis" Wika ni makaryo "Ha? Bakit?"

"Dahil kukunin namin sa katawan mo ang agimat na meron ka" Nabigla si Axel sa kanyang narinig. "A-anong ibig mong sabihin?!"

"Hindi lang isang agimat ang talagang pakay namin dito, maliban sa agimat na meron ang bayan ng amadeus, isasama na rin namin sa pagkuha ang agimat na meron sa bayan ng perla, at na sa'yo ang agimat na yon hindi ba?"

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora