Ang Pulang Bato

665 27 0
                                    


"Isali niyo naman ako sa laro niyo" Wika ni ramuel na may malalim na boses.

"Oh, buhay ka pa pala!? Mukhang matibay ang sikmura mo ah?" Sabi naman ni Lulu habang pinapagpagan ang damit nito.

"Dahil kaya ito sa espesyal na bato na nasa katawan ng batang ito?"  Sabi ng isang maliit na boses sa utak ni Makaryo.

Agad kinuha ni Ramuel ang palasong nakabaon sa sikmura niya at hinugot ito ng hindi man lang umiinda ng kahit anong sakit.

Ibinuka niya ang pakpak niya ngunit hindi nahati ang katawan nito. Isang espeyal na katangian ni Ramuel na nagpapa-iba sa kanya sa iba pang klase ng mga mananangal.

"Ngayon, magsisimula na ang isang kakaibang laro!" Masayang sabi ni Ramuel sabay lipad patungo kay Lulu. Agad siyang kumuha ng palaso mula sa lalagayan nito sa likod at sunod sunod na pinagpapana si Ramuel.

Parang magaan na papel lang para kay ramuel ang lahat ng palasong ibinabato ng binata ng kanya sa tuwing tinatabig niya ito patagilid. Akmang kakalmutin niya na ang binata ngunit napatilapon siya patagilid ng gumamit ng pwersa ang binata upang mataboy siya.

Nabigla naman si Lulu ng sipain siya ni makaryo kaya tumilapon din ito palayo. Hindi ito napansin ni Lulu dahil natuon ang atensiyon niya kay ramuel kanina, mukhang nakalimutan niya na dalawa ang kalaban niya.

Agad tumayo si Lulu at pinalipad ang mga bato na nasa paligid niya, kanya itong pinagsama-sama hangang sa makabuo ito na malaking bato. Ipinalipad niya ito mula kay Makaryo subalit nasira lamang ito ng umatake din ito gamit ang kris na nakalikha ng malakas na hampas ng hangin na tumama sa bato na ginawa ni Lulu.

Biglang na-alarma si Lulu ng matanaw niya ang isa niya pang kalaban na si Ramuel na lumilikha ng itim na bilog na mistulang gawa sa majika. Hindi siya makapaniwala dahil ang alam niya ay paglipad at pagkalmot lang ang kayang gawin ng isang normal na mananangal.

"Ako ang tingnan mo!" Si Lulu ay biglang napaatras ng sipain siya ni Makaryo ng napakalakas, pumihit pa ito paikot para makasipa muli sa ikalawang pagkakataon. Dahil don, nabitawan na ni Lulu ang pana niya at mukhang hindi na magagamit ang armas niya sa laban.

"Fuegooo!!!" Mula sa pwesto ni Ramuel, ibinato niya ang itim na bilog na kanyang nilikha sa kinaroroonan nila Lulu at makaryo.

Nabigla ang dalawa ngunit agad din namang naka-iwas. Nasunog ang parte ng kagubatan na dinaanan ng Itim na bilog na nilikha ni Ramuel.

"M-mukhang magandang Obra ang batang ito ah!" Sabi ni makaryo sa sarili na animo'y nakakita ng isang nakatutuwang palabas. "P-paano?!" Bulong nalang ni Lulu sa sarili habang pinagmamasdan ang epekto na ginawang pag-atake ni Ramuel.

Agad namang lumipad paitaas si Ramuel at handang bumulusok paibaba patungo sa pwesto ni Lulu at nang ito'y tuluyan ng naka-bwelo, bumulusok na siya paibaba ng napakabilis. Napantig nalang si Lulu at hindi agad naka-galaw sa pwesto habang pinagmamasdan ang bata na pasugod sa kanya.

Pero huli na ng umiwas si Lulu dahil nasaksak na siya ni Ramuel gamit ang matutulis nitong mga kuko.

"Tapos na ang---" Hindi natapos ni Ramuel ang sasabihin niya ng biglang nag-anyong troso ang katawan ni Lulu sa lupa. "Ano?!" Gulat niyang tugon.

Pero bago pa siya makakilos ay isang palaso mula sa kanyang likod at tumira sa kanya na dahilan upang madaplisan ang pisngi niya. Napalingon naman si Makaryo sa pinangalingan nito at nakita pa din si Lulu na nakatayo sa ibabaw ng isang puno.

"Mukhang kaylangan ko ng ipakita ang tunay na kakayahan ko bilang isang tunay na kasapi ng kapatiran?" Wika nito sabay palagatok sa mga daliri niya sa kamao. Naningkit naman ang mata ni Ramuel dahil sa sobrang inis.

"Ang Pana ng Odus!" Sigaw ni Lulu sabay banat sa pana niya at asinta sa pwesto nila makaryo at Ramuel. "Ang pagkagat!" Matapos niyang sabihin iyon ay ang pagbitaw niya sa palaso nito.

Ang isang palasong ipinana ni Lulu ay unti-unting... naging dalawa, apat, anim, hangang sa tuluyan na itong maging labing lima (15)

Hindi na nakaiwas pa ang dalawa dahil sa bilis ng pangyayari at hinintay nalamang ang pagbagsak ng mga palaso patungo sa kanila.

Dahil don, makapal na alikabok ang bumalot sa buong paligid. Halos hindi na nakita ni Lulu ang kalagayan ng dalawang kalaban niya na dahilan para maging masaya siya. "Mukhang ako ang nanalo dito ah" Tugon niya.

At unti-unti, naging manipis ang usok at natanaw niya ang batang si Ramuel at naipit sa puno dahil sa pagtusok ng mga paliso sa damit niya. "A-ah! Hindeee!" Galit na sigaw niya.

Samantalang ang isa pang kalaban na si Makaryo ay hindi pa rin natatanaw ng binata. Halos naningkit na ang mata ni Lulu sa kahahanap subalit wala siyang nakita na kahit ano mang bakas ng biglang....

May tumamang kris mula sa dibdib niya na mula sa kung saan.

Sobra siyang nabigla at hindi naasahan ang atakeng iyon sa kung saan.

"Patawad pero... nabigo ka na hulihin ako" Sabi ni makaryo na nakatayo na din pala sa isang sanga ng puno malapit sa kinatatayuan ni Lulu.

"P-pero, papaano? Paano mo nagawang maka-ilag ng hindi ko man lang napapansin ang kilos mo?" Tanong nalang nito habang iniinda ang sakit sa dibdib niya.

"Simple lang... Hindi ako ang kalaban mo una palang, isa iyong golem na nilikha ko at kinurba ko upang maging kamukha ko... mukhang nabigo ka ata!" Sabi niya pa at mistulang nang-aasar.

Napahawak nalang si Lulu sa dibdib niya at tiningnan ang kris na nakabaon sa dibdib niya. Nanlaki ang mata niya ng makitang may lason sa espasdang iyon. Biglang umikot ang buo niyang paningin at nawalan ng balanse dahilan upang bumagsak siya mula sa puno.

Nais din sanang gumanti ni Ramuel kay Lulu dahil sa sugat na ginawa nito sa pisngi nito pero mukhang may naalala siya na dahilan upang kumalma siya.

"Ramuel ano ka ba? Mukhang nakakalimutan mo ata na dapat munang ilihim ang patungkol sa pulang bato na nasa katawan mo ah? Diba dapat mo lang gamitin yan kapag nakaharap mo na siya?! Kaya maghunos dili ka at hayaan nalang ang isa na yon ang tumapos sa lalakeng may gawa sa'yo nito

Kaya kahit kating kati na si Ramuel gumanti, hinayaan niya nalang ang kanyang sarili na panuorin ang katapusan ng binatang si Lulu.

Tumalon si Makaryo mula sa itaas ng puno at bumagsak sa lupa na nanatiling nakatayo. Agad niyang nilapitan ang binatang si Lulu at mukhang tatapusin na ang buhay nito.

"H-hindi pwede ito. Hindi ako pwedeng mamatay dito... malulungkot si abbie, masasaktan ang m-mahal ko" bulong ni Lulu sa sarili at pilit tinatatagan ang loob.

Pero lumapit si Makaryo at biglang ngumiti na animo'y may naisip na masamang plano.

"Wag kang mag-alala dahil isusunod ko yang abbie sa susunod na mundong pupuntahan mo. Hahahahaha"

******

Pasegway: May bago po akong story: ^^
Fantasy/Romance/mystery po ang theme.
Tittle: Ang Demonyo at Ang Bulag.

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Where stories live. Discover now