Laban sa loob ng Arena

510 28 4
                                    

Sa gitna ng labanan, laking gulat ng mga taga-amadeus ng may mga engkanto pa na mula sa labas ng arena ang pumapasok sa loob, pero lalo silang nagulat ng makita nilang puro kataw ang sunod sunod na pumasok.

"Mga kataw? Hindi ba't mga taga perla iyan?" Wika ng isang tikbalang.

"Kaalyansa sila ng kalaban, kung ganon!" Wika ng isang aswang.

Lalo nilang nakumpirma na kaalyansa ng kalaban ang mga taga-perla ng makita nilang sumunod na pumasok sila Dugong, Karlo at si Lily.
"Ang mga yon.... Mga kalaban sila!" Galit na wika ni Lizardo.

"Niloko nila tayo, makasarili talaga ang bayang ito!" Saad naman ni tunying.

Hindi pa natapos ang pag-dagsa ng mga kalaban ng may makita silang dalawang dragon sa labas ng arena. "MGA DRAGON?! PAPAANO?!"

Sunod sunod na na-alarma ang mga engkanto, hindi nila alam kung anong gagawin nila. "WAAAAAAHHHH!!!!" Agad silang nagsipag-takbo ng nagsimulang magbuga ng apoy ng mga dragon. "PUNO NG AMADEUS! YAAAAHA!!!!" Napalingon ang lahat sa biglang pag-sigaw ni David, ipinagdikit niya ang kanyang dalawang palad at may lumabas na liwanag sa gilid nito, matapos nito kanyang inihampas ang palad niya at tumubo sa lupa ang isang malaking puno.

"IWAS!!!!" Sigaw ni dugong, lahat ng mga kalaban na engkanto ay nagsipag-atrasan dahil isa isa silang kinukuha ng puno gamit ang mga sanga nito.

"HAHAHAHAHA! TINGNAN NATIN KUNG SAAN ANG TIBAY NIY---- AHHHHH!!!" Napatigil sa pagsasalita si David ng bumuga ng apoy ang mga dragon. "WAG NIYONG SUNUGIN ANG PUNO KO!!!"

Agad namang umaksiyon ang mga mananangal na kasapi ng kapatiran at agad na pinagbabato ng palaso ang mga dragon. Umatungol ang dalawang dragon, kanilang hinawi ang mga mananangal gamit ang mga buntot nila.

Hinawi ni David ang dalawang kamay niya kasabay nito ang pag-galaw ng mga sanga ng dambuhalang puno na kung saan mabilis na humaba at tinali ang dalawang dragon. Sa sobrang lakas ng dalawang dragon, nahirapan si david na taliin ang dalawang iyon, pero habang pilit niyang tinatali ang dalawang iyon, biglang may lumundag sa taas at pinutol ang sanga ng puno dahilan upang makawala ang dalawang dragon. "Aba?!"

"Ha!" Wika ni karlo.

"Ang batang iyo---" agad umiwas si David ng matanaw niya ang isang bala na gawa sa tubig na muntik ng tumama sa kanya, tiningnan niya ang pinagmulan nito. Ito'y mula kay Dugong.

Pinosisyon ni Dugong ang kamay niya na mistulang isang baril at mula sa palasingsingan niya lumalabas ang mga balang gawa sa tubig. "Mga loko to ah!" Wika ni David.

"Tulungan natin si David!!!" Sigaw ni Tunying, mabilis siyang tumakbo palapit kay Dugong, sa sobrang bilis niya, hindi agad ito nakaiwas. "Yah!!!" Isang sipa ang ginawa ni Tunying dahilan para tumalsik si dugong "Dugonggg!!!" Sigaw ni Lily, lalapit na sana siya ng sumulpot sa harap niya ang nakapameywang na si Rosalinda. "Away babae? Gusto mo?" Wika nito.

Kumunot naman ang nuo ni Lily sa narinig. "Anong sabi mo!" Agad siyang bumuga ng napakalakas na pwersa ng tubig, agad itong iniwasan ni rosalinda. "CHAAA!!!" Mula sa likod ni rosalinda, agad namang sumugod si Karlo at akmang ihahampas ang espada nito. "Karlo iwassss!" hiyaw ni lily.

Isang bato ang tumama kay karlo na kinontrol ni Daniel dahilan para tumilapon ito "Kayong dalawa, mga kalaban pala kayo" Sabi ni Amao na nakapameywang. "Mukhang kulang kayo a? Nasaan yung isa niyong halimaw na kapatid. ha?" Wika niya.

"Tch! Mga lamang lupa!" Singhal ni lily

"Oo! Tama! Mga kalaban nga kami! Ano naman ang magagawa niyo?!" Singit ni Karlo.

"Hindi ako makapaniwala" Wika ni daniel.

"napaka-buti pa naman ng pagtrato namin sa inyo tapos malalaman namin na kalaban pala namin kayo! Mga salbahe!" Wika ni Rosalinda.

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Where stories live. Discover now