Si Valu, Sa mundo ng Odus

2.3K 86 0
                                    

Samantala sa mundo ng mga engkanto... sa bayan ng Amadeus, sa isang liblib na kakahuyan. Tahimik na naninirahan ang mga lambana. May mga batang lambana na masayang naglalaro ng habulan, at may mga matatandang lambana na pinipilit pang pagandahin ang mala paraiso nilang tahanan.

Tahimik, masaya. Subalit nabasag ang lahat ng dumating ang kampon ni Valu. Ang pinuno ng mga tulisang engkanto na ang tanging nais lamang ay mag-hari sa buong mundo ng mga engkanto. 

"Ang kampon ni valu! Naririto! Magtago ang lahat!!!" Sigaw ng isang lambana. 

Nagsipasok ang kababaihan sa kanilang punong tahanan at naiwan ang mga lalaking lambana na pipiliting lumaban sa kampon ng kasamaan. "Hindi namin hahayaan na sirain niyo ang aming tahanan!" Sabi ng pinuno ng mga lalaking lambana. 

Lumapit si Valu, at inangat ang isang kamay. "Kung ako sa inyo mga lambana.... hindi na kayo sa akin lalaban pa, dahil walang magiging kwenta kahit pa pagsama-samahin lahat ng lakas niyo laban sa lakas ko" pagbabanta ni valu 

Si Valu ay nakasuot ng puting maskara para itago ang kanyang tunay na identipikasyon at nakasuot siya ng itim na balabal.

"Hindi kami natatakot sayo! Lalaban kami ng may paninindigan! Yaaaahhhh!!!" Sabay sabay ang pagsugod ng mga lambana habang hawak hawak nila ang mga espada nila. 

"Majika!" Sabi ni Valu, mabilis na nagsilabasan ang mga malalaking ugat sa ilalim ng lupa at mabilis na pinaluputan ang mga lalaking lambana. 

Nakalikha ito ng malaking pag-wasak sa buong paligid.

Naglakad si valu, tapos hinawakan ang mukha ng isang lambanang lalaki. Pumikit si valu at merong sinasabing ritwal na salita, maya maya ay nangayayat yung lambanang hawak hawak niya. Nang tuluyang nangayayat ang lambana ay binitawan na siya ni Valu, lahat ng ibang lambanang nakakita ay natakot at nangamba at nang makita ni Valu ang ekspresyon ng mga mukha nila ay mas lalo itong natuwa. 

"Hindi naman talaga ako pumunta dito para mangulo, subalit may nais akong ipagawa sa inyo mga lambana, nais kong ibalita ninyo ang pagsugod namin dito sa tahanan niyo, at ibalita niyo rin ang tungkol sa kapangyarihan ko, tungkol sa kapangyarihan kong nakakagimbal, nais kong malaman ng buong Odus (mundo ng mga engkanto) na nalalapit na ang pagsisimula ng rebulusyon, Yun lamang. Paalam" naglakad paatras sa valu at kinain siya ng lupa. Sumunod namang umatras ang mga kawal niyang mga gawa sa ugat at kinain din sila ng lupa. Nagsilabasan ang mga babaeng lambana at tinulungang maka-alis yung mga lalakeng lambanang naka ipit sa malalaking ugat.

"Kailangan na natin ng tagapagtangol" sambit ng isang babaeng lambana

*****

Dambana - Other term para sa Diwata!!

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu