Si Professor David

2.4K 90 3
                                    

Kinabukasan, hindi na muling napag usapan ang tungkol sa napanaginipan ni Intoy, tahimik lang silang kumakain ng kanilang almusal. 

Pero dahil pakiramdam ni intoy ay merong kakaibang nangyayari sa paligid niya ay nagtanong na siya "Ma? Pa? May problema ba tayo?" Nagkatitigan ang mag asawa at nagse-senyasan.

"Wala anak, kain ka na diyan" sabi ni ramon "We? Kung ganon? Bakit po ang tahimik niyo?"

"Masama bang tumahimik habang kumakain?" Tanong ni marisa sa anak 

"Hindi naman po" 

"oh, yun naman pala e, kumain ka na diyan" Dahil dito ay ipinagpatuloy nalang ni intoy ang pagkain niya sa almusal niya at hangang sa natapos na silang kumain ng almusal. 

Pumasok na sa trabaho si ramon samantalang si marisa naman ay nagwawalis sa labas at si intoy ay nag dra-drawing sa loob ng kwarto niya, habang nagwawalis si Marisa ay may isang estranghero ang humawak sa braso niya na ikinagulat niya naman. 

"Pasensiya na" sabi nito

"Ah si-sino po kayo?" Tanong ni marisa 

"Ako si professor David... at ikaw si?" 

"Marisa... Ano pong kaylangan niyo?" Tanong ni marisa na may halong pangamba 

"Pwede ba akong pumasok sa loob? At dun tayo mag-usap?" Kahit may nararamdamang kakaiba si marisa sa kausap ay pinapasok niya pa rin ito, ayaw kasi niyang maging bastos sa kapwa niya. Umupo si professor david sa upuang kahoy nila marisa. Habang nasa loob ay nakita ni prof david ang banga na kinaroroonan ng sigben "uy sigben yun ah? Ikaw ang nag aalaga? Paano kayo nakakuha ng ganyan?" Tanong nito 

"Um, oo amin yan? Yung asawa ko nag aasikaso diyan, hindi ko lang alam kung papaano siya nakakuha ng ganyan" sabi ni marisa, tumango nalang ang kausap bilang pag sang ayon. 

"Ah, bakit po ba kayo naririto?" Diretsiyong tanong ni marisa, ngumiti ang kausap 

"Okey, hindi na ako magpapatumpik tumpik pa marisa, alam kong hindi tao ang anak mo, isa siyang engkantao" halata sa mukha ni marisa ang pagkabigla "Mawalang galang nalang po, hindi po engkanto ang anak ko, tao siya, tao siya, mula siya sa sinapupunan ko at meron siyang ama!" Depensa ni Marisa 

Natawa si propesor david "hindi mo ba alam? Engkanto din ako?" Paninimula nito, halata talagang nagulat si Marisa "isa akong batibat, at kakayahan ko malaman ang nasa isip mo, lalo na kapag nahawakan kita, at ang sabi sa utak mo ay kukuha ka ng kutsilyo at itututok mo sa akin para itaboy ako, madalas tumatalab ang abilidad kong iyon sa mga taong kagaya niyo pero ang pagtutok mo sa akin ng kutsilyo? nako bawal yan"Nagulat talaga si marisa sa narinig 

"Itatanong ko lang, nandito ba yung batang santelmo?" Muling tanong ng propesor, dahil dito ay tuluyan ng nainis si marisa. 

"Pwede po ba, huwag ho kayong gumawa ng kung ano-anong kwento? At hindi engkanto ang anak ko? Baliw ka ba? Baliw ka ata e, bakit ba kasi kita pinapasok dito. Tatawag ako ng tanod para palabasin ka" madiin na pagsasabi ni marisa sa kausap, Napangiti lang ito.

"Tsk tsk tsk... marisa, ito lang ang masasabi ko sayo, walang sikreto ang hindi nabubunyag... at maniwala ka sa akin, ang nakaraan na mismo ang lalapit para malaman ng anak mo kung ano ang tunay niyang pagkatao" sa pagkakataong iyon ay dinuro na ni marisa ang matanda "Wala akong pakialam sa pinagsasabi mo! Aalis ka ba sa bahay namin o kukuha pa ako ng kutsilyo para tabuyin ka!" Napalabas na si intoy sa kwarto niya dahil sa ingay na naririnig, "anak bakit ka lumabas?!" Sabi ni marisa na takot na takot 

"Ma?" Mahinang sabi ni intoy 

"Hihintayin ko nalang marisa, na ikaw na mismo ang magsasabi sa totoong pagkatao ng anak mo" pagkatapos sabihin yon ni professor david ay lumabas na siya. Napaupo naman si marisa sa takot at kaba. 

"Ma...." sabi ni Intoy sa ina sabay hawak sa braso nito"Bakit anak?" 

"Yung kausap niyo kanina ma, kahapon nakita ko din siya habang naglalaro kami sa bakanteng lote, siya po yung humawak sa braso ko at siya rin po ata yung nakita ko kagabi" Nagulat si Marisa sa sinabi ng anak. 

"Talaga anak? Anong ginawa niya sayo?" Sabi nito habang hinawakan ang magkabilang braso ng anak. 

"Tiningnan niya lang po yung balat ko sa braso, yung star" 

"Tapos ano? Ano pang ginawa niya?" 

"Tumakbo na po kami nila makmak sa takot" Napayakap si marisa sa anak, napaisip ito kung engkanto ba talaga si professor david o alabay niya lang yung pinagsasabi niya kanina para makidnap yung anak niya subalit napaisip ulit si marisa kung papaano nalaman ng matanda ang tungkol sa tunay na pagkatao ng anak 

                                                                         ~~~Flashback~~~ 

Madilim ang buong paligid, tanging tunog lamang ng mga kuliglig ang nagsisilbing ingay nung oras ng mga iyon subalit nabasag ang katahimikan ng isang malakas na sigaw ng isang babae ang narinig, Si Marisa. 

"Ahhhhhhhh!!!! Tulungan niyooo koooooo!!! Parang awa niyo naaaaaa!!!" Kahit hingal na hingal na siya at pagod na pagod ay pinipilit niyang tumakbo para hindi mahabol ng bola ng santelmo. Habang tumatakbo siya ay natisod siya ng isang sanga,kaya naman nadausdos siya pababa. Mukha atang napilayan siya dahil hindi niya maigalaw ang paa niya 

"Tulungan niyo koooo!!! Huhuhu" halos hindi mo na matukoy kung ang basa ba sa mukha ni marisa ay galing sa pawis o sa luha. 

"Tulungan niyo na ako! Parang awa niyo na! Huhuhuhu" Mas lalong naluha si marisa nang makita niya na papalapit na sa kanya ang bola ng santelmo. "Ahhhhhhhhhh!!!!!" 

                                                                 ~~~End of Flashback~~~ 

At sa pagkakataong naalala ni Marisa ang masalimuot niyang karanasan nung mga panahong iyon, ay hindi niya talaga mapigilan ang umiyak. "Ma, bakit po?" Tanong ni intoy "Wala anak"  

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Where stories live. Discover now