Pagsilang ng Halimaw

504 21 2
                                    


Isang buwan ang makalipas matapos mamatay ni Haring Marino, maraming nagbago sa loob ng bayan ng perla.

Si Reyna Isabela ang bagong itinalaga na mamumuno sa bayan ng perla at sa loob ng pamamalakad niya, ginawa niyang mabangis ang bayan nila.

Sinimulan niya ang pa-unti-unting pananakop sa maliit na bayan at dun nagsimula ang pagkakaroon ng hidwaan sa iba pang malalaking bayan.

Sa pag-usbong ng bagong sistema sa bayan ng perla, umusbong din ang pagkamuhi kay Reyna Isabela, hindi lang sa kanya... Pati na rin sa batang si Axel.

Natakot ang lahat kay Axel dahil sa pagwawala na nagawa niya matapos malason ang ama niya. Hindi lang iyon, lingid sa kaalaman niya. Kalat na sa buong bayan nila na mayroon siyang agimat sa katawan niya na nagbibigay sa kanya ng mala-halimaw na lakas.

Sa tuwing nagtatangka siya na makipag-laro sa ibang mga bata, agad na pinapalayo ng mga magulang ang mga anak nila dito.

Dun lalong umusbong ang inis at galit sa puso ni Axel. Lalo na sa tuwing naririnig niya ang mga salitang....

"Anak siya ng salabaheng reyna! Layuan mo siya!"

"Sigurado masama din siya! Kagaya ng ina niya!"

"Halimaw ang pamilya nila. Kaya namatay si Haring marino!"

Kaya dumating nasa punto na muling nagalit si Axel.

May isang bilog na tubig na pumalibot sa katawan niya. Ang kanyang mata ay nagliliwanag dahilan para matakot ang ibang mga bata sa kanya at ng muntikan niya nang masaktan ang isang bata, biglang humarang si Mara para sumalo sa atakeng ibinato niya.

Biglang bumalik ang ulirat niya at agad humingi ng dispensa.

"M-Mara... Patawad!" Agad naalarma si Axel ng may makitang dugo sa ulo ni Mara. "M-Mara!! P-Patawad!!" Agad namuo ang luha sa kanyang mga mata pero agad siyang pinatahan ni Mara.

"Ano ka ba... Wag kang matakot, ayos lang ako" Nakangiti pang wika nito.

Gumaan naman ang pakiramdam ni Axel ng marinig iyon. Matapos ang sandaling iyon, dahan dahang tumayo si Mara at binugaw ang ibang mga bata na kumukutya kay Axel.

"Huwag mo nalang silang iintindihin Axel... Ang mahalaga, alam mo sa sarili mo na mabuti kang tao"

Lingid sa kaalaman nila. Nakamatyag si Reyna Isabela sa kanilang dalawa.

"Kaylangan kong buhayin ang puot sa batang iyon, dahil malaki ang potensiyal niya na maging armas ng ating bayan" Bulong niya sa sarili niya.

Samantala... Nang makauwi na sila sa kanilang tahanan, agad na binigyang lunas ang sugat ni mara sa ulo. "Mara... Maraming salamat sa pagtatangol mo sa akin kanina" Wika ni Axel.

"Wala lang yun, responsibilidad ko na alagaan ka. Lalo na't wala na si kuya. Ayokong mapabayaan ka"

"Mara... Bakit sila sa akin ganon? Bakit sa tuwing nilalapitan ko sila ay nagagalit sila sa akin? Ano bang ginawa kong masama?"

Huminga ng malalim si Mara bago sumagot "Masiyado ka pa kasing bata axel para maunawaan mo ang mga komplikadong bagay na kagaya nito. Sa tingin ko, sa mga susunod na araw ko nalang ipapaliwanag ang mga bagay na to"

"Mara... Hindi ko alam kung bakit kumikirot ang dibdib ko sa tuwing nasasaktan kita. Sa tuwing kinukutya ako ng ibang bata"

"Axel... Nagmamahal ka kasi, at kakambal ng pagmamahal ang masaktan" Pagpapaliwanag ni Mara.

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Where stories live. Discover now