Ang Katotohanan.

2.2K 80 1
                                    

Maagang pinatulog si intoy ng kanyang ina, at habang natutulog siya ay naramdaman niya ang pag ihip ng malamig na hangin na yumayakap sa buong katawan niya, labis naman siyang nagtaka dahil sarado naman ang bintana. Kaya naman hindi niya na lamang ito pinansin. Ilang sandali pa ay may tumawag sa pangalan niya.

"Intoy" nanlaki ang mga mata ni intoy sa narinig, pero kahit nakakaramdam na ng takot ay lumingon siya.

"Intoy... huwag kang matatakot, magpapakilala ako" paliwanag ng isang lalakeng kaluluwa na nakalutang sa ere na mistulang kataw dahil sa mga kaliskis nito sa balat.

"Si-Sino ka?" Mahinang tanong ni intoy

"Ako si Arthur, ang dati mong buhay"

"Huh? Ano?"

"Ako ikaw, ikaw ako.... diba sinabi ko na iyan sa panaginip mo"

Kinuskos ni intoy ang dalawa niyang mata na mistulang bagong gising, napaisip si intoy na 'oo nga naalala ko! siya nga!'

"Mabuti naman at naalala mo na ako"

"Ano bang kaylangan mo sa akin?" Tanong ni intoy

"Nandito ako para ipaliwanag ang lahat, meron kang responsibilidad na kaylangan mo nang gawin, hindi dito sa mundo ng mga tao kung di sa mundo ng mga engkanto. Tingnan mo ang balat mo sa braso, ang balat na hugis bituwin, yan ang sumisimbolo sa bagong tagapagtangol... ang tagapagtangol na ililigtas ang lahat ng klase ng mga engkanto, ngayon kaylangan mo nang alamin ang totoo... alimin mo ang tunay mong pagkatao, itanong mo sa nanay mo... dahil siya ang nakakaalam ng katotohanan"

"Hindi po talaga kita maintindihan" sabi ni intoy

"Bukas, Tutulungan kita upang mapadali ang pag alam mo sa iyong tunay na pagkatao" Sabi ni arthur pagkatapos niyang sabihin ito ay bigla siyang naglaho na parang bula.

*****

Kinabukasan...

Maagang nagising si Marisa upang mag handa ng almusal para sa mag ama niya.

Lumabas si Ramon na bagong ligo sa banyo nila, habang nagpupunas si marisa ng lababo ay bigla siyang nagsuka.

Nagulat si ramon sa pagsuka ng asawa. "Marisa, a-anong nangyari sayo?"

"Ramon... Posible bang, buntis ako?" Sabi ni marisa

"Huh?"

"Pero imposible.... di ba baog ka ramon?" Mahinang sabi ni marisa

"Siguro dahil sa sigben..." paghihinuha ni ramon

"Kung baog po si papa, sino ang tunay kong papa?"

Nagulat si marisa at ramon sa pagsulpot ni intoy

"Intoy narinig mo ba ang pinag usapan namin?" Tanong ni marisa

"Opo narinig ko"

Halatang kinabahan ang mag asawa sa mga susunod pang itatanong ni Intoy. Para maiba ang tanong ay iniba ni Ramon ang pinag-uusapan nila.

"Alam mo ba, magkakaroon ka ng bagong kapatid! Diba ang saya?" Sabi nito

Wala pa ring reaksiyon sa pagmumukha ni intoy

"Huwag niyo na po akong bolahin! Sabihin niyo na po sa akin ang totoo! Di niyo po ba alam, simula nung nakaraang gabi, hindi na ako tinatantanan nung mga engkanto sa panaginip ko... may nagsasabi pa sa panaginip ko na ako ang magiging tagapagtangol ng buong engkanto! Dahil dito!" Ipinakita ni intoy ang balat niya sa braso "Sabihin niyo na po sa akin ang totoo! Huwag na po kayong magsinungaling!"

"Anak!--" nais pa sanang magpaliwag ni marisa subalit tumakbo na palabas na intoy sa bahay nila.

*****

Nasa bakanteng lote si Intoy, ninais niya munang mag-isa at ilabas ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman ng puso niya. Hindi niya lubos maisip na niloloko lang pala siya ng kanyang ina,wala siyang tunay na ama, dahil dito ay hindi niya na napigilang mapaluha.

At habang siya ay umiiyak ay nakarinig siya ng mga yapak ng paa sa likuran niya.

 
"Ma, busog pa ako. Ayoko munang kumain" sabi ni Intoy

"Hindi ako ang nanay mo, mukha lang akong nanay, sira" boses lalake ang nag-salita

Nanlaki bigla ang mga mata ni intoy at lumingon sa likod, nagulat siya ng makita niya muli yung matandang balbasarado na humawak sa braso niya.

"Oh! Wag kang matakot bata, kakampi mo ko!" Sabi nito

"Sino ka ba?!" Tanong ni intoy

"Ako si professor David, isa akong engkanto.... katulad mo. Isa akong batibat"

"H-hindi ko alam yon, teka ano bang kaylangan mo sa akin?"

"Bata... Ikaw ang itinakda, sa katawan mo nag-reincarnate ang katawan ng dating tagapagtangol na si master arthur, kaya responsibilidad mo na ituloy ang mga nasimulan niya, pati na rin ang mga dating tagapagtangol"

"Ang gulo! Hindi ko na kayo maintindihan!"

"Ito lang ang ipasok mo sa kokote mo intoy, kaylangan mong matutunan ang kapangyarihan at gagamitin mo to, para talunin ang mga masasamang engkanto na nais sakupin ang buong mundo"

"Engkanto? Santelmo? Arthur? Sinungaling! Sigurado! Kasabwat ka ni mama para bilugin ang utak ko! Pwede ba! Gusto ko nang mag-isa!" Galit na sigaw ni Intoy

"Ayos lang, kung hindi mo maintindihan sa ngayon, ang importante ay  malaman mo ang tungkol sa pagkatao mo at matutunan ang kakayahan mo! at wala akong pake duon sa away niyo ng nanay mo! Kung hindi mo matangap yung mga kasinungalingan niya sayo! Wala na akong kinalaman don, Tatandaan mo, isang kang engkanto katulad ko at kailangan ka ng Odus ngayon" seryosong sabi nito

"Bakit, kapag natangap ko ba ang tunay kong pagkatao, makikilala ko ba ang tunay kong ama? Ang tunay kong pagka-tao?!" Naluluhang tugon ni intoy

"Aba?! Bakit mo sa akin tinatanong yan? Ako ba nagbuntis sa nanay mo?!"

Hindi nakasagot si Intoy

"Tanungin mo ang nanay mo! Yun yon!"

*****

Kataw- Other term para sa siyokoy

Batibat- Isang uri ng engkanto na naninirahan sa mga puno

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora