Ang mga taga bayan ng perla

1.1K 41 1
                                    


Sumapit ang dilim ngunit ang laban ng mga engkantong nasa loob ng gubat ng kamatayan ay nagsisimula pa lamang. Dahil may bago na namang naisip si Lizardo para lalong masubukan ang kakayahan ng mga natitirang engkanto sa pakikipaglaban.

"May mga engkanto akong ipapasok patungo sa gubat ng kagubatan upang lalong masubukan ang abilidad ng mga natitirang engkantong iyan" Ma-owtoridad na saad nito. 

"At sino-sino naman sila?" tanong ni Maestro Mayan, dali dali namang sumagot si Lizardo "sila"

nabigla ang lahat sa narinig... dahil mukhang si lizardo lang ang nakaka-alam desisyon na iyon. "Si-sigurado ka ba? Hindi ba parang sobra na kung sasama pa kami?" Tanong ni Heneral Tunying. 

"Ang totoo, pili lang ang mga ipapapasok ko.... at titingnan lang natin kung magagawa ba ng mga batang ito na lagpasan ang abilidad ng mga pinili ko" 

"Sino-sino ba sila?" Tanong muli ni Maestro Mayan

"Si Lulu, Si Kaza, Si Maestra Luna at walang iba kundi si Artemyo" mula sa labas pumasok ang apat na engkantong nabangit papasok sa loob ng silid. 

"Nga pala, Siya si Artemyo... ang batang pangil" Yumuko si Artemyo sa harap nilang lahat bilang tanda ng pag-galang. 

"silang apat ang napili ko, upang masubukan ang abilidad ng mga natitirang engkanto sa gubat" 

*******

Madami dami na ang nabawas sa bilang ng mga engkantong nasa loob ng gubat ng kamatayan, kapag sila naman ay tuluyan ng nawalan ng malay. may susulpot na mga Duwende at mga nuno na galing sa ilalim ng lupa at kukuhain ang katawan nila upang magamot. 

"Ang inyong unang pagsubok para sa araw na ito ay natapos na" boses ni lizardo na umalingawngaw sa buong kagubatan "Ngunit ihanda niyo ang inyong sarili sa mga susunod" nagulat ang karamihan sa narinig, lahat sila ay natakot at nabahala.

"Ano? Hindi pa sila tapos?!" Galit na sigaw ni amao habang ginagamot ni rosalinda ang kamay niyang nasugatan "Mukhang mapapalaban talaga tayo ng husto" saad naman ni Daniel na naging taga bantay nilang dalawa.

Samantalang si Torlax naman ay halatang hindi nababahala "Pwe, ilabas niyo na ang mga nais niyong ilabas subalit, hindi ako matatakot sa inyo" seryoso nitong tugon.

******

Sumikat na muli ang araw sa bayan ng amadeus, at muling magpapatuloy ang paghihirap ng mga natitirang engkanto na nasa loob ng gubat ng kamatayan. 

Isang malakas na dagundong ang narinig ng lahat "Ano iyon!" gulat na bulalas ni Teri habang tinutulungang magamot si Jek jek na kanyang nailigtas "Mukhang lalabas na naman muli ang mga kalaban-Aray!" 

Habang inaasikaso ni Teri si Jek-Jek, may natanaw siya sa di kalayuan na tatlong nilalang na palapit sa kanila "Kalaban ba sila?" sa isip isip ni Teri.

At ng makalapit na ang tatlong nilalang na iyon, tuluyan ng nakita ni Teri ang mga itsura nito. Naka-suot sila ng kulay asul na damit na sumisimbolo na taga-ibang bayan ito, Ang mga ito ay mula sa bayan ng PERLA!

Isang babae ang nasa kanan na may kulay puting buhok, singkit na mata at asul na kasuotan na bumagas sa kanyang mukha, at isang lalake naman ang nasa kanan na may hawak hawak na espada na halatang mula talaga sa bayan ng perla. Nakasuot naman ito ng damit na madaming burloloy na gawa sa mga SeaWeeds. at ang pinakahuli, ang pinakamaliit sa kanilang tatlo ngunit mahahalata mo dito ang masawa nitong awra, nakasuot siya ng kakaibang damit na bahagyang nagpaiba sa kanya.

Nilagpasan lang ng tatlo ang kinapwepwestuhan nila Teri at dumiretso lang sa paglalakad, ngunit isang malakas na pagbagsak ang biglang pumukaw ng atensiyon ng lahat. 

Mula sa di kalayuan, tumalsik si Laura sa kinapwepwestuhan nila. "LAURA!!!!" sabay na saad ni Teri at Jek-Jek "Mukhang sweswertihin ako ngayon!" Mula sa itaas ng isang puno, isang matandang babae ang nakapameywang na nakangisi sa kanila. 

"Pasensya na mga bata dahil sisiguraduhin ko na kaylangan niyo nang lumabas" Nakangising sabi ni Kaza. 

"Sino ka!" Biglang sabat ng babaeng taga Perla. "Kayo ata yung tatlong batang taga Perla?" Sumagot naman yung batang may hawak ng espada "Tama ka, kami nga" 

"Kung ganon, kaylangan niyong dumaan sa akin para makalabas kayo dito sa gubat na ito, tutal iilan nalang naman na kayo dito at sigurado akong matatapos ko kayo ng madalian" 

"Matalas ang dila ng matanda na ito, mukhang kaylangan natin siyang pakitaan a" sabi ng babaeng taga Perla. "Hindi niyo siya kaya! Malakas siya! Asawa siya ng isa sa pinakamalakas na engkanto dito sa Amadeus, Siya si Kaza!" Sigaw ni Laura. "Natatakot ka na ba Laura?!" Seryosong saad ni Kaza, napakuyom ng kamao si laura dahil wala itong magawa sa sitwasyong iyon, sigurado siyang madidismaya ang tiyuhin niya kapag natalo siya kaya dapat lumaban siya.

Agad binato ng lalakeng may hawak ng espada ang kutsilyo niya sa kinapwepwestuhan ni Kaza, ngunit agad niya itong nasalagan. 

Mabilis na sumugot ang dalawa sa kinapwepwestuhan ni kaza at naiwan sa kinapwepwestuhan nila kanina ang pinakamaliit sa kanila. Agad bumuga ng malakas na tubig ang babae para patamaan kay kaza ngunit agad siyang tumalon kaya naiwasan niya muli ito, iwinasiwas naman ng lalake ang espada niya ng saktong babagsak na si Kaza sa lupa. ngunit ng nahiwa na nito si Kaza ay biglang nagbago ang anyo nito at naging isang kahoy. 

"Nasaan siya?!" sabi ng lalake. 

"Nandito" lumingon ang dalawa sa pinangalingan ng boses at nabigla sila ng makita nila ito na nasa likod na ng kasama nila at may hawak hawak na itak. "Subukan mong gumalaw hijo, matatamaan ka sa akin nito" itinutok ni kaza ang tulis ng itak sa sintido ng batang engkanto. "Axel!" sabay na saad ng dalawa. subalit hindi parin mababakas sa mukha ng bata ang takot o kaba.

"Wag kayong matakot Lily at Karlo" sabi ni Axel, laking gulat ni Kaza na mula sa likod ni Axel may lumabas na tubig at inihampas siya palayo. Agad naman siyang nakabalanse upang tumayo "Hindi ko inasahan iyon" pabulong na saad ni Kaza

Lumapit si Lily at Karlo sa likuran ni Axel "Nga pala, kami ang tatlong magkapatid na galing sa bayan ng Perla" pagpapakilala ni Karlo.

"Mukhang may kakaiba sa inyong tatlo a.... tingnan natin ang lakas niyo" Mabilis na sumugod si kaza at iwinasiwas ang itak niya, agad naman itong nasalagan ni karlo gamit ang espada niya, agad namang sumipa si Lily pero naiwasan ito ni Kaza. Bumuga muli ito ng tubig at natamaan ito, pero mabilis ding nakatayo.

Pagkatayo ni kaza sinipa agad siya ni Lily pero sa pagkakataong iyon ay nasalagan niya iyon "Mukhang nasarapan ka hija a" agad niyang hinablot ang paa ni lily at ibinato sa gilid, mabilis naman itong nakabalanse kaya nakatayo. Ang sumunod namang sumugod ay si Karlo na paulit ulit ang pag wasiwas ng espada niya, agad nakahanap ng butas si Kaza kaya gamit ang palad niya ay naitapik niya ang espada ni Karlo at natapon ito, sinipa niya ang bata at napatalsik din ito. 

"Ikaw! Bakit hindi ka lumalaban!" turo niya kay Axel na nanatili lang na nakatayo 

hindi ito sumagot sa halip ay may ginawa ito sa palad niya at pagkatapos ay ipinagdikit. Nakaramdam sila ng pagyanig sa lupa at pagkatapos mula sa lupa may sumirit na napakadaming tubig paitaas at naipon sa itaas hangang sa makabuo ng dambuhalang bilog na gawa sa tubig.

Lahat sila ay namangha maliban na syempre sa kanila Lily at Karlo, maski si Kaza ay nagulat din "Nakakagawa na ng ganitong kapangyarihan ang isang batang katulad mo ng ganito, kakaiba!" Unti unti, bumagsak ang malaking bilog na tubig sa kinapwepwestuhan ni Kaza, hindi niya itong nagawang iwasan dahil sa laki nito kaya napatalsik siya, maski sila Laura, teri at Jekjek ay tumilapon din, para hindi madamay sa atake ng kapatid, tumalon sa pinakamataas na puno sila Lily at Karlo "Hmp, nabigla kayo no?" saad ni lily

"hindi kasi nila ata kilala ang kinakalaban nila, siya kasi si Axel... ang batang halimaw ng perla" 

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon