Lucas

924 31 3
                                    


Halos tumilapon palayo si Artemyo sa naging atake ni Lucas sa kanya, mabuti nalang talaga ay agad siyang naka-bwelo at nakatayo.

"Hmp, Mukhang nakahanap ako ng katapat ko a" Bulong ni Artemyo sa sarili niya, dagli niyang sinugod si Lucas at ganon din ang ginawa nito sa kanya. Nagkatamaan ang mga kamao nila na nakalikha ng malakas na hangin na nakapagpalipad ng mga dahon sa kapaligiran.

"Mukhang Hindi lang bilis ang kagaya mo sa akin ah? Mukhang pati sarili Kong lakas ay katulad din ng iyo" Hindi umimik si Lucas ay sa halip, sinipa niya ito at nagpalipad ng mga bato at ipinaghahagis sa kinabagsakan ni Artemyo.

Agad tumayo si Torlax para matulungan si Lucas, agad itong sumugod sa pwesto ng lobo at akmang sisipain ito. Ngunit napapitlag siya sa pagkakagulat ng kontrolin ni Lucas ang kahoy at ihinampas sa pagmumukha niya. Agad siyang napahiga dahil sa lakas ng pagkakatama niya.

"Aahh..." Sabi ni Torlax na halatang nasaktan sa nangyari. "Bakit mo ginawa yon?!" Galit na sigaw nito, pero muli, Hindi umimik si Lucas at muling itinuon ang atensiyon Kay Artemyo. Lalong kumalat sa buong katawan ni Lucas ang lilang pantal sa buong katawan niya. Naka-amoy naman ng kakaiba si Artemyo na labis niyang pinagtaka.

"Ba-bakit pareho kami ng Amoy?" Tanong nito sa sarili niya. Napaisip siya ng mga dahilan kung bakit nagka-ganon subalit Hindi naman maari na ang lason mula sa kanya ang rason kung bakit pareho sila ng Amoy ni Lucas, umisip muli siya ng ibang dahilan. "Kakaiba ang dalakitnong ito" sabi nito.

Napansin ni Artemyo na nag-iiba ang anyo ni Lucas. Pero napukol ang atensiyon niya Kay Torlax na pasugod Kay Lucas. Umikot ito sa ere at malakas na sinipa si Lucas. Napasubsob pababa ang katawan nito sa lakas ng atake ni torlax. "Mukhang magka-away din sila a?" Bulong ni Artemyo sa sarili niya--- Napatigil siya sa pag-iisip ng makita niyang papalapit na si Torlax sa kanya at dagli ng bumebwelo upang sipain siya.

Agad na nasalo ni Artemyo ang paa ni Torlax at agad na hinablot ito at ibinato sa gilid.

"KAMAY NG MGA DALAKITNON!" napalingon silang lahat Kay Lucas na gumawa ng malakas na atake na halos nagpalipad sa kanila. Isang malakas na pwersa ang ginawa nito na halos sinira ang kagubatan. Umabot ang lakas ng pwersa hangang sa pwesto nila Laura.

"A-ano yon?" Tanong ni Teri ng maramdaman ang malakas na pwersa na halos tumulak sa kanila--- Maliban pala Kay Axel.

"Grabeng atake yon ah?!" Sarkastikong saad ni Heneral Tunying habang pinapanuod ang laban sa buong kagubatan. Tuwang tuwa naman si Lizardo. "Ito ang gusto ko, makita ang limitasyon nila!" Umupo siya sa tapat ng salamin na mistulang atat na atat sa mga susunod pang mga mangyayari.

Samantala, Halos nawasak ang parte ng kagubatan na pinaglalabanan nila Torlax, Lucas at Artemyo sa naging atake ni Lucas. Umuusok ang buong katawan nito na mistulang inihaw. Nakaramdam ng matinding kapangyarihan si Torlax sa presensiya ni Lucas.

"Lucas..." Bulong nito sa sarili

"Bilang parte ng maharlikang pamilya ng mga dalakitnon, ay dapat na katakutan niyo ko. Kilalanin niyo ko!"

"Batang tikbalang, mukhang kaylangan muna nating maging magkakampi ngayon a? Dahil mukhang nasisiraan na ng bait ang isang to" sabi ni Artemyo Kay Torlax.

"Bakit ko naman gagawin yon, eh ikaw  nga itong kalaban?"

"Simple lang. Pagmasdan mo ang batang yan, wala na siya sa sarili niya. Mukhang kinontrol na siya ng pagiging dalakitnon niya. At posibleng Hindi lang ako ang kalabanin niya, baka pati ikaw"

"Alam ko na ang bagay na yon, matagal ko ng Hindi kasundo ang hayop na yan. Pero para makasuntok ako sa kanya, o sige. Papayag ako na makipagtulungan sayo, pero wag mong iisipin na magkakampi tayo"

"He he. Alam ko ang bagay na yan, wag mo ng ipaalala sa akin ng paulit ulit"

" oh Tara na!"

Sabay na sumugod ang dalawa. Dumaan sa kaliwa si Torlax samantalang sa kanan naman si Artemyo.

"Ano to? Alyansa? Ganyan na ba kayo kadesperado para matalo ako?! Ha!"

"Tumahimik ka Lucas at simulan munang lumaban!" Sigaw ni Torlax. Agad na binalingan nito si Artemyo at pinagbabato ng mga pinalutang nya na nga troso. Agad namang binilisan ni Torlax ang takbo niya tutal naka-tuon pa naman ang atensiyon ng kalaban Kay Artemyo.

"SIPA NG AMADEUS! YAAAH!!" Paglingon na paglingon ni Lucas ay ang paghampas ng paa ni Torlax sa pagmumukha niya. Sobrang lakas ng atakeng ginawa nito na sa sobrang lakas ay halos mabasag ang bungo nito.

Mabilis ang sumunod na pangyayari kaya agad na bumulusok paibaba sa lupa ang pagmumukha ni Lucas.

"Pasensiya na Lucas" hinihingal na saad ni Torlax na mistulang naghahabol ng hininga.

"Mahusay! Napakalakas ng atakeng yon!" Sabi ni Artemyo "Salamat" sagot naman ni Torlax.

Tumigil ang pag-uusap nilang dalawa ng bumangon muli si Lucas sa pagkakasubsob. "A-Ano?!" Gulat na reaksiyon ni Artemyo "imposible! Nagawa niya pang bumangon sa atake Kong yon!? Ha! Ang haba talaga ng buhay ng masamang damo!"

Pero sa pagkakataon na iyon, ang kulay lilang pantal ni Lucas sa buong katawan niya ay nawala. "A-aray! Sinong may gawa nito sa akin!"  Reklamo niya. Inupo niya ang sarili niya, at kinapa ang buong pagmumukha niya "Magbabayad ang isa sa inyo sa ginawa niyo sa akin... Sakit!"

"Mukha namang bumalik na siya sa katinuan niya" Sabi ni Artemyo. "Mukha nga. Pero Hindi ko talaga inasahan na napakalakas niya" sarkastikong saad ni Torlax.

"Nga pala! Ano?! Ako naman ang balak mong kalabanin?!" Seryosong tanong ni Torlax Kay Artemyo. Isang ngiti lang ang isinagot nito. "Syempre Hindi no"

Nagtaka naman si Torlax sa naging sagot nito "Ba-Bakit naman?"

"Hindi naman kami pinadala dito ni Ginoong Lizardo para talunin kayo e. Ang totoo nais lang talaga niyang makita ang mga kakayahan niyo at Hindi lang ton, gusto niya rin makita kung magagawa niyong makaligtas dito sa Gubat ng Kamatayan..... At sa nakita ko naman, mukhang karapat dapat naman talaga kayong manatili sa kompetisyon na ito. Napalakas niyo"

Natuwa naman si Torlax sa narinig. "Ano bang pinagsasabi mo dyan?!" Reklamo ni Lucas "Ang ingay ingay mo eh!" Pagpapatuloy niya.

"Oh siya! Maiwan ko na kayo, kaylangan ko ng umalis. Hintayin niyo nalang ang hudyat niya. Wag kayong mag-alala. Matatapos na din tong impyerno na ito"

Tumango naman si Torlax bilang sagot. Agad na nagpalit anyo si Artemyo bilang lobo at agad tumakbo palayo. Pinagmasdan ito ni Torlax hangang sa tuluyan na itong maglaho sa paningin niya.

"A-aray?!" Napatingin naman si Torlax kay Lucas na mukhang nasasaktan. Pinagmasdan niya ito. Mukhang iniinda pa rin nito yung naging kagat ni Artemyo sa braso niya. Nambilog ang mata ni Torlax ng makita niyang naglalaho tapos biglang lalabas ang mga kulay lilang pasa mula sa paligid ng kagat ni Artemyo sa braso ni Lucas.

"A-ano yan?" Bulong nito sa sarili niya.

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Where stories live. Discover now