Ang magkapatid

1.6K 58 1
                                    

NG MAKARATING SILA sa bahay nila teri ay agad siyang hinandaan ng kape.

Binigyan si Intoy ng tuwalya at nagpatuyo.

Habang nag-aasikaso si Teri ay napansin ni Intoy ang mga larawan na naka dikit sa dingding.

"Mukhang ito ang mga magulang niya a" bulong ni Intoy sa sarili.

"Ito oh, sabaw... mainit pa.." sabi ni teri na galing sa kusina.

"Salamat... Teri?"

"Hmmh?"

"Sila ba ang magulang mo?" Tanong ni intoy

"Oo, sila... kaso namatay na sila" medyo nalungkot si Intoy sa narinig.

"Ay? Kinalulungkot ko na marinig yan... kung namatay na sila, sino ang kasama mo?" Tanong muli ni intoy.

"Yung kuya ko, kaming dalawa nalang ang magkasama" sagot nito, muling nagtanong si Intoy

"Nasaan pala ang kuya mo?"

"Siguro nasa training, maya maya pa ang uwi non, at kapag mag-isa ako dito... nag-aaral lang ako"

Lumapit si intoy kay teri. "Meron ka bang kaibigan?" Tanong ni intoy, yumuko muna si Teri bago sumagot, bakas sa kanyang mukha ang lungkot ng buhay. "Sa totoo lang, napaka-konti lang ng kaibigan ko..."
Nalungkot din si Intoy sa narinig, nais niya tuloy pagaanin ang loob ni Teri.

"Gusto mo ba maging kaibigan kita?" Tanong ni intoy, biglang namula ang mukha ni teri. Hindi agad siya nakasagot, napaatras pa siya ng akmang hahawakan siya ni Intoy sa balikat.

"Bakit?" Tanong ni Intoy

"Wala!---Um, Oo! Pwede mo kong maging kaibigan" naiilang at nahihiyang sabi ni Teri, bakas sa boses nito ang pagkakahiya at kaba.

"Kain ka na" sabi nito.

"Salamat" umupo si Intoy sa sahig at kumain sa isang maliit ngunit malapad na mesa.
Habang humihigop siya ng sabaw ay tahimik lang siyang pinagmamasdan ni teri.

"Nga pala? Bakit mo pala ako pinayungan kanina, at hindi dahil sa nababasa ako ah?" Biglang tanong ni Intoy, naalarma si Teri at nag-isip ng maisasagot

"Ang totoo, naglalakad-lakad ako kanina, at habang naglalakad ako nakita kita" sabi niya, subalit nanatili siyang nakayuko.

"Ah ganun ba" hindi na nagsalita pa si Intoy.

Naghari na naman ang katahimikan.

"Napaka-gwapo mo talaga" Sabi ni teri sa sarili.

Napahinto si intoy sa pagsubo ng sabaw dahil sa sobrang katahimikan na naghahari sa pagitan nilang dalawa "Teri?" Sabi ni intoy.

"Ah! Ba-Bakit?!" Nagulat na sagot ni teri.

"Wala, ang tahimik lang kasi" sabi ni intoy, napangiti si Teri.

"Nga pala,pasensiya sa unang beses nating pagkakatagpo, nahulog ko ang mga gamit mo" sabi ni intoy

"Ano ka ba! ayos lang, buti nga tinulungan mo ko e. Yung iba nga diyan, hindi ako pinapansin kahit na nabanga na ako... halos di naig ko pa ang sigben!"

Hindi na alam ni Intoy ang kanya pang sasabihin, nakakailang naman talagang makipag-usap sa bago mo lang kakilala.

"Sarap!" Sabi ni intoy ng maubos niya ang sabaw.

"Gusto mo pa ba?" Tanong ni Teri.

"Nako, hindi na... nabusog na ako, tyaka madilim na pala... at mukhang huminto na rin ang ulan, siguro kaylangan ko ng umuwi" sabi ni intoy.

"Uuwi ka na?" Bakas sa boses ni Teri ang pagkakadismaya.

"Baka kasi hinahanap na ako e" pagpapaliwanag ni Intoy.

"Sige, ihahatid nalang kita palabas... Sandali" kinuha ni teri ang pinagkainan ni Intoy at pumunta muna ng kusina, naiwan ng sandali si Intoy. Pero laking gulat niya ng may pumasok sa loob ng bahay nila teri. Si..... Torlax.

"Teka! Anong ginagawa mo dito?! Magnanakaw ka no!!" Bungad na sabi ni Torlax.

"Hindi!Hindi!Hindi! Nagkakamali ka!---" bago pa tuluyang makasagot si intoy ay mabilis na tumakbo si Torlax sa posisyon niya at mahigpit na hinawakan ang kwelyo niya at inangat.

"Magnanakaw ka!" Sigaw ni Torlax.

Napapunta ng sala si Teri ng makarinig siya ng sigawan at mga mabibigat na yabag mula sa sala nila.

"Kuya! Itigil mo yan!" Mabilis na pinigilan ni teri ang kapatid sa pagsasakal kay Intoy.

"Kuya kaibigan ko siya!" Sigaw muli ni teri

Napa-upo si intoy at napa-ubo, mukhang nasakal siya sa ginawa ni Torlax.

Natahimik si Torlax sa sinabi ni Teri. Pagkatapos non ay pumasok siya sa loob ng kwarto niya ng walang ka-imik imik.

"Pasensiya na intoy" Sabi ni Teri.

******

Kinabukasan...

Nakita ni intoy ang bising-bisi na si laura. Biglang nakaramdam ng hiya si Intoy, biglang nag slow-motion ang mga pangyayari habang lumalapit si laura sa kinapwe-pwestuhan niya. Tinatanaw niya ang magaganda at nangungusap na mga mata nito habang tinatangay ang mahahaba at kulay ginto nitong buhok. Kahit na may kausap ito habang naglalakad at habang may hawak hawak na notepad at nagsusulat, ay mas lalong nakaramdam ng kagandahan si intoy kay laura.

Napansin ni Intoy na unti-unting nawawala ang mga bagay sa paligid nila, ang mga engkanto,mga dingding at pati na rin ang pasilyo... ang tanging nakikita niya na lamang ay ang nag-iisang si Laura.

"Laura...." Sabi ni Intoy.

"Oh aking Intoy" Sagot naman ni Laura

Subalit nagising si Intoy sa kanyang imahinasyon ng mabanga siya ni Laura

"Oh intoy!" Pagbati nito

"Ah! La-Laura!" Sabi naman ni Intoy.

"Kamusta ka?" Tanong ni Laura

"Eto, ayos lang... E ikaw? Kamusta ka na? Masakit pa ba ang sikmura mo?" Tanong naman ni intoy.

"Ah! Magaling na, tyaka ikaw ha! Madaya ka!" Pabirong sabi ni laura, biglang namula si Intoy "ba-bakit naman?!"

"Iniwan mo ko sa clinic! Iniwan mo ko kay professor david!" Paboses na bata na sabi ni Laura, napakamot sa batok si intoy "ah! Sorry" sabay nag peace sign "may klase kasi ako non e" sabi niya

"Nako! Ayos lang, salamat nga dahil sinamahan mo ko" sabi ni Laura, nahiya bigla si Intoy "nako! Dapat nga ay ako ang mga thank you sayo, kasi pinagtangol mo ako kila lucas" sabi naman ni intoy, napangisi si Laura. "Nako! Trabaho ko yon, trabaho ko yon bilang presidente dito sa paaralan," sabi ni laura

Biglang sumabat yung kasama niya "Laura kaylangan na natin itong ipasa"

"Ah! O sige intoy, hindi muna tayo makakapagkwentuhan ngayon, sa susunod nalang. Kaylangan ko ng mauna. Paalam" sabay alis na sabi ni Laura.

Pinanuod lang siya ni intoy hangang sa tuluyang maglaho sa kanyang paningin ang presidente ng kanilang paaralan, pamangkin ng Hari, at crush ng tagapagtangol

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Where stories live. Discover now